Patay ang mag ina samantalang malubha namang nasugatan ang mister matapos nasangkot sa vehicular accident sa national highway ng bayan ng Datu Montawal.

Nakilala ang nasawi na sina Naima Daliasan ina ng tahanan at ang kanyang anak na si Berhana Daliasan 16 years old grade 11 student ng Rajamuda National High School sa bayan ng Pikit.

Nakilala naman ang suigatang ama na kasalukuyang ginagamot sa ospital nasi Mastura Daliasan mga  residente ng sitio Mahad.brgy. Fortpikit, Pikit, Cotabato.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya lulan ng motorsklo ang mga biktima nang nabundol ito nang sumusunod na toyota hilux puck up vehicle.

Sa lakas ng impact tumulapon ang mga biktima na naging sanhin ng agarang kamatayan ng mag-ina.

kasalukuyan pang nagsasgawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing  insidente.

Nakapagtala ng bagong walong confirmed cases ng Covid 19 ang soccsargen region batay sa inilabas na data ng Center for Health and Development ng Department of Health kagabi.

Dahilan dito pumalo na sa kabuuang 359 ang kaso ng covid as rehiyon, mula sa nasabing bilang nasa 110 ang aktibong kaso.

Sa nasabing bilang apat ang mula sa Cotabato City na pawang mga nahawaan sa isang covid positive na posiboleng local transmission, tatlo na iba pa ay mula sa lalawigan ng Sultan Kudarat, at ang isa naman ay taga lalawigan ng Cotabato.

Samantala, naitala naman ang siyam na mga recoviries kaya pumalo na sa 244 ang gumaling sa nakakahawang sakit.

pito sa mga gumaling ay taga General Santos City, tig- Isa naman ang lalawigan ng Cotabato at South Cotabato.

Pumalo na sa 50 ang kaso ng Covid 19 sa lalawigan ng Cotabato matapos naitala ang isa pang bagong confirmed case kahapon.

Ayon kay Cotabato Inter-Agency Task force on Covid 19 spokesperson BM Phil. Malaluan naghihinay pa ng kanyang  PH number ang 29-year old na babaeng pasyente mula sa bayan ng Pres. Roxas.

Ang bagong kaso ay isang Locally Stranded Individual namay travel history sa Manila at dumating sa lalawigan noong August 15 sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano na lumapag sa Davao International Airport.

Ang biktima asymptomatic at nasa stable condition habang naka quarantine sa Pres. Rojas LGU facility.

Sa ngayon ay nasa 14 parin ang actibong kaso ng covid 19 dahilan patuloy na pinaalalahan ang mga mamamayan na sumunod sa mga ipinatutupad na mga minimum health protocols.

Naitala naman kahapon ang isang recovery sa covid 19 sa lalawigan ng Cotabato.

Ang gumaling na pasyente ay si patient 269th na 42 anyos na lalaki kaya pumalo na sa 34 ang mga nakarecover.

Nanatili naman sa dalawa ang nasawi sa nasabing nakakahawang karamdaman.

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang P4.506- trilyong pambansang pondo para sa taong 2021.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), inaprubahan ito ng pangulo matapos i-presenta ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa pulong noong Huwebes, Hulyo 30.

Kasunod nito, isasapinal na ng DBM ang 2021 National Expenditure Program at iba pang dokumento na kanila namang isusumite sa Kongreso para himayin at aprubahan.

Mas mataas ng halos 10% ang panukalang national budget sa susunod na taon kumpara sa P4.1 trillion na pambansang pondo sa kasalukuyang taon.

Dagdag ng DBM, katumbas rin ito ng 21.8% na gross domestic product (GDP) ng bansa.

Bahagi pa rin anila ng panukalng national budget ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapaganda ng health system, pagtiyak sa seguridad sa pagkain, dagdag puhunan sa public at digital infrastructure, at pagtulong sa mga komunidad na makabangon.

California -Itinuturing ng mga rescuers sa US na patay ang ang pitong US marines at isang marino matapos ang naganap na aksidente habang sila ay nagsasanay.

Ito ay matapos na bigo pa rin silang makita pagkalipas ng mahigit na 40 oras na search and rescue operations.

Lulan kasi ng mga biktima sa amphibious assault vehicles (AAV) ng ito ay lumubog sa kasagsagan ng military exercise.

Sinabi ni Col. Christopher Bronzi, commander ng 15th Marine Expeditionary Unit (MEU) na ginawa nila ang lahat ng makakaya para mahanap ang mga biktima.

Gumamit na sila ng mga helicopters at barko para suyurin ang nasa mahigit 1,000 square nautical miles sa karagatan ng California.

Nangyari ang aksidente ng pabalik na ang AAV sa amphibious warship USS Somerset matapos ang operasyon sa San Clemente Island ng ito ay lumubog.

Umakyat pa sa mahigit 673,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 6,459 pang nasawi.

Samantala, nadagdagan naman ng halos 300,000 bagong kaso ng COVID-19 dahilan kaya umakyat na sa mahigit 17.3-milyon ang kabuuang kaso mula sa isang 196 na mga bansa at teritoryo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nabanggit na bilang halos 10-milyon na ang nakarekober o gumaling mula sa COVID-19.

Nananatili naman ang Estados Unidos sa mga bansang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 pandemic kung saan umabot sa mahigit 1,300 ang naitalang bagong kaso ng nasawi sa isang araw lamang.

Umaabot na rin sa halos 4.5-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa Estados Unidos.

Ilalapit kay Pangulong Duterte ni Senator Christopher Go na sa ilalaan na pondo sa Bayanihan to Recover as One Act ay makinabang ang medical and health workers.

Tiniyak ni Go na pinapakinggan at ikinokonsidera ng gobyerno ang mga hinaing ng medical frontliners.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng senador ang mga opisyal ng gobyerno na tuparin ang kanilang mga pangako.

Nabanggit din ng namumuno sa Senate Committee on Health na pinag-aaralan niya na mabigyan ng tulong pinansiyal at mga karagdagang benepisyo ang mga private health worker na gumagamot o nag-aalaga sa COVID-19 patients.

Isa sa naiisip niyang dagdag benepisyo ay life insurance coverage.

Batid niya aniya na hindi lahat ng naibibigay sa government health workers ay nakukuha din ng mga nasa pribadong sektor.

Bilang suporta sa medical frontliners, mas dumami pa ang mga pa­nawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Sinusugan  ni UP Institute of Mathematics Prof. Guido David ang panawagan ng medical community na magpatupad muli ng 2-linggong ECQ sa MM na maaari ring maging dahilan para magkaroon ng ‘flattening of the curve’ sa kaso ng  COVID-19.

Pero hindi kumbinsido si David na kaya ng 2-linggong ECQ para ma-flatten ang curve sa NCR.

Naniniwala si David na sapat na ang isang buwang ECQ sa NCR para bumagal ang transmission ng COVID-19.

Mas handa na rin aniya ang gobyerno ngayon pagdating sa testing, contact tracing at isolation kaya magiging mas epek­tibo ito kumpara noong unang inilagay sa ECQ ang Metro Manila.

Ehemplo umano dito ang Cebu City na biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 kaya inilagay sa ECQ na nagresulta ng pagbaba ng transmission rate.

Sa Senado, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na panahon na para maki­pag-appointment ang Pangulo sa mga doktor at personal na pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Para kay Sen. Richard Gordon, dapat ikonsidera ng gobyerno ang mga daing ng medical frontliners sa pagdedesisyon at pagpapatupad ng quarantine levels.

Pagod na pagod na umano ang mga health workers at marami na rin ang nagkakasakit sa kanila halimbawa na lamang nito ang mga medical technicians ng Red Cross na marami na rin sa kanila ang dinapuan ng COVID-19.

 

Sa panig naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, ang relief at recovery ng kalusugan ng tao ang dapat iprayoridad  sa halip na ang negosyo sa mga critical area.

Giit pa ni Lagman, hindi dapat na tularan ang ibang bansa na tulad ng Japan na nagbukas agad ng kanilang ekonomiya, leisure at domestic travel activities kaya muling bumalik ang COVID-19 doon.

Una rito ay nanawagan ang League of Provinces of the Philippines (LPP), kay Pangulong Duterte na palawigin pa ang ECQ dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Una na ring hiniling ng mga medical frontliners na ibalik sa ECQ ang NCR para maampat ang tumataas na kaso at makapagpahinga naman sila na nakararanas nga­yon ng sobrang pagod.

Sa pagtataya ng UP, posibleng umabot sa 150,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto.

Posible pang tumagal ng isang dekada ang pandemya ng COVID-19 sa buong mundo.

Ito ang babala ng World Health Organization (WHO) sa kabila ng unti-unting pagbuo ng iba’t ibang bansa ng bakuna para labanan ito.

Ayon sa WHO, dahil sa dami ng naitatalang transmission ng virus at tumataas na kaso ng COVID-19, mahihirapan ang lahat bago maka-rekober ang mga bansa rito.

Batay sa datos, umakyat na sa mahigit 680,000 na ang nasawi sa buong mundo dahil sa virus na nagsimula nuong Disyembre ng nakalipas na taon sa Wuhan, China.

Lumagpas na sa 100,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 5,032 karagdagang kaso na siyang pinakamataas na naitalang bilang ng bagong COVID-19 case sa isang araw.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 65,557 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na pasyente matapos madagdagan ng 301 bagong recoveries.

Habang nadagdagan naman ng 20 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 na mayroon nang kabuuang 2,059.

Samantala, limang lugar naman ang nakapagtala ng pinakamatataas na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag, kabilang ang Metro Manila na may 2,737.

Gayundin ang Cavite na nakapagtala ng 463 bagong kaso, Cebu na 449, Laguna na 326, at Rizal na 201.

Sa Marantao, Lanao del Sur – Patay ang isang police officer habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa bahagi ng Narciso ramos Highway, Brgy. Ragayan, matapos tambangan ng dalawang suspek na paherong nakamotorsiklo alas-7:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni Lanao del Sur Police Provincial director Col. Madzgani Mukaram ang biktima na si Staff Sgt. Alicman Sangcopan, 46, miyembro ng Kapai Municipal Police pero nakatalaga sa Marawi City Police Station.

ayon kay Mukaram dead-on-the-spot ang biktima dahil sa fatal na tama ng bala mula sa .45 caliber pistol ang tinamo nito.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng pagpatay sa nasabing pulis at hindi naman ginalaw ng mga suspek ang kanyang service firearm.