Walong pang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan.

Ang mga sumuko ay pinangunahan ni Kumander Ibrahim Guno ng BIFF sa ilalim ng Karialan faction.

Isinuko ng walong BIFF ang mga matataas na uri ng armas, pampasabog mga sangkap sa paggawa ng bomba,mga Improvised Explosive Device (IED) mga bala at mga magazine.

Sumuko ang mga ito sa ginawang negosasyon ni Datu Saudi Ampatuan Maguindanao Mayor Resty Sindatok mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 57th Infantry Battalion Philippine Army.

Sinabi ni Kumander Guno na silay sumuko dahil pagod na sila sa pakikibaka laban sa gobyerno at gusto na nilang mamuhay ng mapayapa.

Tumanggap naman ng pinansyal na tulong at livelihood assistance ang walong BIFF mula sa lokal na pamahalaan ng bayan.

Una rito sampong kasapi din ng BIFF ang sumuko sa bayan ng Pagalungan Maguindanao boong nakaraang araw ng sabado.

Hinikayat naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief, Major General Diosdado Carreon ang ibang BIFF at mga kaalyado nitong terorista na sumuko na at magbagong buhay.

Isang kasapi ng rebeldeng New peoples Army ang nasawi samantalang lumikas naman ang mga sibilyan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng Phil. Army sa Mount Payong Payong Brgy Baluan, Palimbang Sultan Kudarat

Ayon kay 603rd Brigade Commander Brigadier General Wilbur Mamawag , habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng 37th Infantry Battalion Philippine Army ay nakasagupa nito ang tinatayang dalawampung mga NPA.

Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking parte sa bayan nang matunugan nito ang karagdagang pwersa ng militar.

Nakuhanan ng isang baril na Armalite rifle, mga bala, bandolier at anim na magazine ang napatay na rebelde habang isa naman ang nasugatan sa panig ng 37th IB.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng 37th IB ang nakasagupa nilang mga rebelde.

Sumuko sa mga otoridad ang cafgu member na responsable sa pananaga sa kanyang bayaw matapos silang nagka-initan habang nag-iinuman

Ang biktima naman na nakilalang si Judy Diomby Lintapan, 30, magsasaka na taga  Purok 1, Barangay Lebanon, MONTEVISTA, Davao de Oro ay kasalukuyang ginagamot sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City.

Ang suspek nasi Roy Tadian Undagan, 37 anyos ay sumuko matapos napagtanto na mali ang kanyang nagawa sa kanyang bayaw.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na kumuha ng patalim ang suspek makaraan ang kanilang alitan dahil sa sobrang kalasingan.

BRUTAL na kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na lalaki mula sa kamay ng person with disability.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuang lumulutang sa irrigation canal ng Barangay Tibal-og, kamakalawa.

Ayon kay Sto. Tomas Municipal Police Station Chief Police Major Frederick Deles, agad din nila nadakip ang hindi pinangalanan suspek na lango sa ipinagbabawal na gamot at nakuhanan pa ng ilang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Isinailalim naman sa otopsiya ang labi ng biktima para matukoy kung ano ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa biktima.

10 kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF mula sa ilalim ng paskyon ni Gani Saligan ang sumuko pamahalaan.

Ayon kay Mayor Datu Salik Mamasabulod ang mga sumuko ay binigyang nang cash assistance sa ilalim ng livelihood program ng gobyerno sa simpleng seremonya na sinaksihan nina 602nd deputy brigade commander Lt. Col. Donald Gumiran, Vice Mayor Datu Abdila Mamasabulod at iba pang opisyales.

Naging tulay ang tropa ng 90th-IB ngPhl Army na pinangunahan ni Lt. Col. Micheal Maquilan upang makumbinsi ang mga rebelde na magbalik-loob sa pamahalaan.

Una rito, apat na Dawlah Islamiyah members ang sumuko sa tropa ng 55th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army sa bayan ng Marogong,  Lanao del Sur.

Ang mga sumuko ay pinangungunahan ng isang alyas “Jamil” na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa lalawigan at mga karatig lugar.

Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na M653 carbine rifle, dalawang 40mm grenade launchers at dalawang cal. 45 pistols.

ayon kay 55IB  commanding officer Lt. Col. Franco Raphael Alano, ang apat ay nagdesisyong sumuko sa pakikipagkoordinasyon sa mga lokal na opisyal ng bayan ng Marugong.

Aabot 1500 magniniyog sa lalawigan ng cotabato ang ang magiging benepisyaryo ng 6000 bags ng agricultural salt naipamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), sa 15 bayan ng Probinsya.

Ayon kay Provincial Coconut Coordinator Rogaya S. Acoy, tatanggap ng tig aapat (4) na sako ng asin ang bawat benepisyaryo, ito ay nagmula sa mga bayan ng Midsayap, Antipas, Kidapawan, Magpet, Matalam, Pikit, Makilala, Carmen, Banisilan, Mlang, Tulunan, Aleosan, Alamada at Kabacan.

isinagawa kahapon ang ceremonial distribution na Dinaluhan ni Provincial Administrator, Efren Piñol.

sa kanyang mensahe, ” isa ang sektor ng agrikultura na importante sa liderato ni Governor Nancy Catamco, please share the knowledge para mabuligan pud ang iban”.

Malaking pasasalamat ng mga benepisyaryo na magniniyog, at silay umaasa na magpapatuloy ang ganitong programa, dahil malaking tulong ito para mapalago ang kanilang kita sa niyog.

Kailangang magpa-swab test na may negatibong resulta ang lahat ng pasahero ng Cebu Pacific na patungo sa Davao City International Airport.

Sa inilabas na pahayag ng CebuPac, hindi papayagan ang mga pasahero na makatuloy sa kanilang biyahe kung resulta lang ng rapid test ang kanilang ipapakita.

Giit ng kumpaniya, ang regulasyon na ito ay itinakda ng mga lokal na awtoridad sa Davao Region.

Hinihikayat din ng CebuPac ang kanilang mga pasahero na alamin ang mga regulasyon ng mga lokal na pamahalaan na kanilang pupuntahan bago ituloy ang kanilang biyahe.

Bilin din sa mga pasahero na huwag pumunta sa airport kung hindi nakakatiyak sa kanilang flight schedule.

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 345 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, ala-1:44 hapon ng Huwebes (July 23).

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Patay ang isang lalaki na naka-quarantine sa loob ng Barangay Isolation Unit (BIU) matapos saksakin ng suspek na umanoy inagawan ng kasintahan ng biktima.

Naganap ang insidente sa Cabunuangan Central Elementary School, New Bataan DAVAO DE ORO  na ginawang BIU sa barangay Cabinuangan,  alas 12:30 nang hating gabi kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Aljay Villavicencio, 33, skilled worker taga New Bataan.

Ayon kay New Bataan Municipal Police Station Chief Captain Churchill Pablo B. Angog, Jr., wala nang buhay nang datnan nila ang biktima na naliligo sa sariling dugo dahil sa mga sugat sa ibat-ibang parte ng katawan.

SA ginawang follow-up investigation natukoy ang suspek na nakilalang si alyas Rey, 32, taga Compostela na boluntaryong sumuko sa Compostela Municipal Police Station.

Itinuring ni Angog, Jr. na isang “crime of passion” ang motibo sa krimen dahil nagawa ng suspek na patayin ang biktima matapos agawin sa kanyang ang kanyang nobya.

Nabatid na ipinasok sa BIU ang biktima bilang pagsunod sa ipinatutupad na 14 days quarantine protocol dahil bumiyahe ito sa Siargao.

Isinampa naman kahapon ng pulisya ang kakulang kaso laban sa suspek.

Pabor si Mayor Eliordo Ogena na imbestigahan at panagutin ang mga lokal na mga opisyal ng lalawigan ng South Cotabato na diumano’y nakatanggap ng pera mula sa Kabus Padatoon investment scam noong kasagsagan ng 2018 elections.

Ayon kay Ogena, marami umanong opisyal ang nakinabang at nakatanggap ng pera na kinuha ni Kapa founder Joel Apolinario, lalo na ang ilang mga investors at umano’y protektor nito.

Aminado rin itong hindi niya pinakialaman ang Kapa dahil tinututokan niya ang kaniyang sariling agenda para sa lungsod.

Inamin din nito na pati ang kanyang asawa ay nag-invest ng P100,000 ngunit wala itong nakuhang anumang payout.

Naniniwala si Ogena na ang pagkakaaresto kay  Joel Apolinario, asawa nito at mga kasabwat sa Surigao del Sur ay mistulang nabigyan na ng hustisya ang mga nabiktimang investors.

Kahapon ang mga nadakip na mga suspek ay isinailalim na sa rapid test para malaman ang kagayan nito ukol sa corona virus o covid 19.