Davao City – Isa ang patay at naligtas naman sa kamatayan ang isang mambabatas ng lalawigan ng Maguindanao matapos tambangan kahapon sa Chico Street, Phase 4,Cuidad Esperanza,Cabantian, Buhangin District, pasado alas 2:00 ng kahapon kahapon.
Kinilala ng Buhangin Police Station ang namatay na si Berry Adas.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya habang binabaybay ng sasakayan ni Maguindanao 2nd District Regional Assemblyman Sidik Amiril ang daan dinikitan ito ng isa pang SUV at motor at pinaulanan ng bala.
Nakaligtas si Assemblyman Amiril at mga kasamahan nito na sina Kaharudin Manda, Jastipy Mamadras, at ang driver nasi Moktar Adam.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen para matukoy ang suspek na ngayon ay patuloy pang tinutugis ng mga otoridad.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao – isang senior citizen ang nasawi samantalang tatlo katao naman ang nasugatan matapos nasunog ang isang residential house sa Brgy. Taviran kamakalawa alas saes ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Hadji Datu Mosiba Pinguiaman habang sugatan ang anak nitong si Bai Marina Pinguiaman, Principal ng Broce Elemnetary School at dalawang iba pa na mabilis itinakbo sa ospital.
Nabatid sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection habang namamantsa ang isa sa kamaganak ni Panguiaman ng magliyab ang apoy.
Bukod sa bahay, natupok rin ang tatlong motorsiklo at naisalba naman ang SUV ng mga biktima.
electrical short circuit naman ang isa sa tinitingnan sanhi ng mga bombero habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
GENERAL SANTOS CITY – Natakasan ng tatlong bigtime drug lord na nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte nang lusubin ang kanilang kuta ng mga otoridad.
Ayon kay Region 12 police director Police Chief Supt. Marcelo Morales, ang mga suspek na sina Jo Angelo Senobago, Randy Brillantes at Mario Abalos, pawang mga “high-value target” drug personalities ay hindi inabutan ng mga raiding team.
Narekober ng pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit-12 sa bahay ng mga suspek sa Barangay Apopong at Dadiangas North ang ilang gramo ng shabu.
Inudyukan ng opisyal ang mga suspek na sumuko na lamang sa halip na magtago sa mga otoridad dahil tiyak may kalalagyan sila.
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-
Malitbog, Bukidnon – Isang magsasaka ang pinatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Alangilan, Silo-o.
Ang biktima na si Antonio Agol alyas “Tony”, 40 anyos ay agad nasawi matapos tamaan ng bala ng baril sa kanyang ulo.
Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya bandang alas 8:30 kamakalawa ng gabi habang nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay ng pasukin ng hindi kilalang suspek at binaril ng hindi pa tukoy na uri ng baril.
personal na galit naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad gayunman nagpapatuloy parin ang information gathering para madakip ang salarin.