Delikado ang mga mahihirap, kapag ibinalik ang parusang kamatayan.

Ito ang ibinabala ni Senadora Grace Poe, kasunod ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga may kasong sangkot sa ilegal na droga.

Paliwanag ng senadora, mahihirapan kasi ang mga mahihirap na depensahan ang kanilang sarili at mapatunayan ang kanilang pagiging inosente dahil sa kakapusan ng pera.

Dahil dito, iginiit ni Poe na kailangan na ang pag reporma sa sistema ng hustisya sa bansa.

Iimbestigahan na rin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang umano’y anomalya sa PhilHealth.

Ayon kay House Committee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor, magpapatawag sya ng motu proprio investigation kaugnay sa mga iregularidad at alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.

Ibinunyag naman ni Defensor na binalaan na niya noon si PhilHealth President Ricardo Morales kaugnay sa mga raket na ginagawa nito sa loob ng tanggapan dahilan aniya para walang maipakitang Commission on Audit report ang ahensya sa mga nagdaang budget hearing.

Kasabay nito, sinabi rin ni House Minority Leader Benny Abante na nakatatanggap sya ng reklamo partikular na sa isang modus kung saan inilalagay na coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang sakit ng isang pasyente kahit iba ang sakit nito para lamang makakuha ng malaking diskwento.

Samantala, maghahain naman si Bayan Muna Representative Carlos Zarate ng panibagong resolusyon upang masilip ang katiwalian sa ahensya at matigil na ang korapsyon na siyang uubos sa pondo nito gayung nasa kasagsagan pa ng krisis ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Nasa warning zone na ang lagay ng mga healthcare system at facilities sa bansa. Ito ay matapos na isa-isang magdeklara ang mga ospital na puno na ang kanilang kapasidad dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 53% na ng intensive care unit (ICU) beds ang nagagamit, habang 51% naman sa mga isolation beds.

Habang 57% naman ng ward beds ang nagagamit na, kung saan binigyang diin ni Vergeire na nangangahulugan itong nasa warning zone na ang occupancy rate ng bansa.

Dagdag pa ni Vergeire, ibig sabihin din anya nito na overwhelmed na ang mga pagamutan at pagod na ang mga doktor, nurses at iba pang health care workers.

Dagdag pa ni Vergeire, ang National Capital Region ay nasa danger zone na dahil nasa 70% ng bed capacity ng mga ospital sa Metro Manila ang okupado na.

Sa ngayon, nasa higit 83,000 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na posibleng ibalik muli sa enhanced community quarantine ang Metro Manila sa oras na pumalo sa 85,000 ang bilang ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng katapusan ng Hulyo.

Lumampas na 83,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) sumipa na sa 83,673 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos madagdag ang 1,678 bagong kaso ng nasabing virus.

Ito na ang sunud sunod na ika-14 na araw na nakapagtala ng mahigit 1,300 bagong kaso sa loob lamang ng isang araw.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng pinakamataas na confirmed COVID-19 cases ang Metro Manila – 698, Laguna – 218, Cebu – 100, Cavite – 87 at Davao Del Sur.

Pumapalo naman sa 26,617 ang total recoveries matapos maitala ang 173  mga bagong gumaling sa naturang sakit.

Nasa  1,947  death toll sa COVID-19 matapos madagdag ang 4 na nasawi rito.

Umakyat naman sa 55,109 ang active cases na sumasailalim sa gamutan o naka-quarantine.

Ang Pilipinas ay nananatili bilang ikalawang bansa sa Southeast Asia na nakapagtala ng pinakamataas na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan nangunguna ang Indonesia na mayruong mahigit 100,000  kaso na at ikatlo naman ang Singapore na nasa halos 51,000 ang active cases.

 

Mahigit 26,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Mahigit 26,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 16), umabot na sa 26,781 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 364 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 249 ang “fresh cases” habang 115 ang “late cases.”

Nasa lima pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,103 na.

Ayon pa sa DOH, 301 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 6,552 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.