Bumawi ang mga kompanya ng langis sa ipinatupad nilang rollback noong nakaraang linggo matapos nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo epektibo ngayong araw.
Pinangunahan ng Flying V at Pilipinas Shell ang pagpapatupad ng pagtaas na P0.65 kada litro ng gasolina, P0.55 sa diesel at P0.70 kada litro ng kerosene na epektibo alas-sais nang umaga.
Inaasahan naman na susunod na rin maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng Seaoil, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines at Total sa pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo sa katulad na halaga.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)