Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (June 24), umabot na sa 32,295 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 470 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 357 ang “fresh cases” habang 113 ang “late cases.”

Nasa 18 na pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,204 na.

Ayon pa sa DOH, 214 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 8,656 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Nasa higit 200,000 mga sanggol ang inaasahang isilang sa susunod na taon bunsod nang ipinatupad na lockdown sa Pilipinas

Nasa higit 200,000 mga sanggol ang inaasahang isilang sa susunod na taon bunsod nang ipinatupad na lockdown sa Pilipinas.

Ayon kay Juan Antonio Perez III, executive director ng Commission on Population (POPCOM), nasa 214,000 mga sanggol ang posibleng isilang sa 2021 bunsod ng unplanned pregnancies.

Sinabi ni Perez, ito ay batay na rin sa pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute kung saan nakasaad din na nasa 600,000 mga kababaihan ang hindi nakakuha ng family planning supplies.

Nangangahulugan aniya ito ng isang pagbubuntis sa bawat tatlong kababaihan na hindi nakakuha o nakatanggap ng family planning supplies na kanilang kailangan.

Sinabi ni Perez, apektado kasi ang family planning services simula noong ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paralisadong pampublikong transportasyon sa Luzon.

Mahigit 26,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Mahigit 26,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 16), umabot na sa 26,781 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 364 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 249 ang “fresh cases” habang 115 ang “late cases.”

Nasa lima pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,103 na.

Ayon pa sa DOH, 301 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 6,552 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Aminado ang Department of Health (DoH) na kumplikado ang kaso kaugnay ng P8.1 billion na barangay health centers project

Aminado ang Department of Health (DoH) na kumplikado ang kaso kaugnay ng P8.1 billion na barangay health centers project noong nakaraang administrasyon kayat siguradong matatagalan pa ang imbestigasyon dito.

Ayon kay DoH Usec. Rolando Enrique Domingo, base umano sa pagdinig ng Senado sa isyu ay parehong may kwestiyon sa mga pahayag ng contractor ng nasabing proyekto maging ang mga pahayag ni dating Health Sec. Janette Garin na naiipit ngayon sa kontrobersiya.

Naging problema rin umano ang kakulangan ng koordinasyon ng DoH at Department of Education (DepEd) kayat tinanggal ang ilang health centers na naitayo na sa mga paaralan.

Layon kasi umano ng naturang proyekto na sa mga paaralan maipatayo ang mga barangay health centers

Muling iginiit ng Consultative Commitee (ConCom) members ang malaking impact ng political dynasty sa Pilipinas

Muling iginiit ng Consultative Commitee (ConCom) members ang malaking impact ng political dynasty sa Pilipinas, hindi lang sa sistema ng politika kundi maging sa ekonomiya.

Inilahad ni Commissioner Susan Ubalde-Ordinario na aabot sa 300 pamilya lamang umano ang may hawak ng kontrol ng politika na nakalatag sa 73 lalawigan sa bansa.

Paliwanag pa ni Ordinario, inuugnay din kasi sa pagkontrol lamang ng iilan sa kapangyarihan ang mataas na kahirapan, mababang income per capita, mataas na infant mortality gayundin ang mababang primary education outcomes.

Open-pit mining ban sa bansa na nakakasira sa kalikasan

Hiniling ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang malinaw na polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pahayag nito sa open-pit mining ban sa bansa na nakakasira sa kalikasan.

Ayon sa ilang opisyal ng NGB isang uri lamang ng “surface mining” ang open pit mining habang wala pang linaw kung maging ang mga non-metallic mineral ay kabilang dito.

Kapag naipatupad ang open pit mining ay marami umano ang mawawalan ng trabaho namay kontribusyon sa gross domestic product (GDP) gayundin ang pag-angkat ng ilang mineral mula sa ibang bansa.

Sa kabila nito, nakahanda ang ahensya na tumalima sa anumang pinal na direktiba na ibababa mula sa Office of the President habang sosolusyunan naman ang problema sa ilang minahan na nag-ooperate kahit walang inisyung permit mula sa lokal na pamahalaan.

Posibleng mapasakamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na dalawang linggo ang shortlist ng posibleng maging susunod na Ombudsman.

Posibleng mapasakamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na dalawang linggo ang shortlist ng posibleng maging susunod na Ombudsman.

Kasunod na rin ito nang nakatakdang pagsusumite ng Judicial and Bar Council o JBC ng nasabing shortlist sa Pangulo sa July 20.

Kabilang sa mga pinagpipiliang kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, dating Sandiganbayan presiding justice at special prosecutor Edilberto Sandoval at Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz.

Si Morales na itinalagang Ombudsman ng dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2011 ay nakatakdang magretiro sa July 26.

Pumapalo na sa isandaan at tatlumpu’t siyam (139) ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa HIV-AIDS

Pumapalo na sa isandaan at tatlumpu’t siyam (139) ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa HIV-AIDS sa unang apat na buwan ng taong ito.

Ipinabatid ng DOH na sa nakalipas na buwan lamang ng Abril, nasa animnapu’t anim (66) na ang namatay dahil sa HIV-AIDS na pawang mga lalaki.

Ayon pa sa DOH, nasa tatlong libo pitong daan at tatlumpung bagong kaso ng HIV ang naitala mula Enero hanggang Abril.

Tatlong libo limandaan at limampu’t tatlo (3,553) rito ay lalaki at nasa isandaan at pitumpu’t pito (177) naman ang babae.

Nakasaad din sa datos na tatlumput dalawang porsyento ng mga bagong kaso ng HIV-AIDS ay mula sa Metro Manila, labimpitong (17) porsyento sa Calabarzon at sampung (10) porsyento sa Central Luzon, siyam na porsyento sa Central Visayas at pitong porsyento sa Region 11.

Ang mga nasawi ay may edad labinglima (15) hanggang tatlumpu’t kuwatro (34) at malaking porsyento rito ay mga lalaki na nagkaroon ng HIV-AIDS dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Posibleng sabwatan ang nasa likod ng kabiguan ni dating Environment Secretary Gina Lopez na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Posibleng sabwatan ang nasa likod ng kabiguan ni dating Environment Secretary Gina Lopez na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng 31st Founding Anniversary ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City.

Ayon kay Pangulong Duterte, maraming naka-banggang malaking kumpanya  sa mining industry si Lopez dahil sa pagpapasara sa mga minahan.

Sa kabila nito, hindi anya titigil ang gobyerno na tuluyang ipagbawal ang open-pit mine.

Ginisa sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography ang contractor ng Tsekap Project

Ginisa sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography ang contractor ng Tsekap Project o pagpapatayo ng School Based-Barangay Health Station ng Department of HEALTH na nagkakahalaga ng 8.1 Billion Pesos.

Kinompronta ni Senador Sherwin Gatchalian si JBROS Construction Company  Spokesperson, Atty. Julieann Jorge dahil sa kabiguan nilang tumalima sa kontrata.

Nagbanta pa si Gatchalian na pagbabawalan ang JBROS na makipag-transaksyon sa gobyerno bagay na inalmahan ni Jorge.

Inakusahan naman ni Health Undersecretary Roger Tongan ang JBROS ng “overbilling”  o sobrang paninigil para sa 15,700 barangay health stations sanang itatayo subalit nang itigil ang kontrata ay 270 lamang ang nakumpleto.

Samantala, binatikos ni Health Secretary Fransisco Duque the Third si dating Secretary Janette Garin dahil sa kawalan umano ng maayos na plano nang ilarga ang proyekto sa ilalim ng Aquino Administration.