Ginisa sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography ang contractor ng Tsekap Project o pagpapatayo ng School Based-Barangay Health Station ng Department of HEALTH na nagkakahalaga ng 8.1 Billion Pesos.
Kinompronta ni Senador Sherwin Gatchalian si JBROS Construction Company Spokesperson, Atty. Julieann Jorge dahil sa kabiguan nilang tumalima sa kontrata.
Nagbanta pa si Gatchalian na pagbabawalan ang JBROS na makipag-transaksyon sa gobyerno bagay na inalmahan ni Jorge.
Inakusahan naman ni Health Undersecretary Roger Tongan ang JBROS ng “overbilling” o sobrang paninigil para sa 15,700 barangay health stations sanang itatayo subalit nang itigil ang kontrata ay 270 lamang ang nakumpleto.
Samantala, binatikos ni Health Secretary Fransisco Duque the Third si dating Secretary Janette Garin dahil sa kawalan umano ng maayos na plano nang ilarga ang proyekto sa ilalim ng Aquino Administration.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)