Sumampa na sa kabuuang 74,390 na ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,200 bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Sa mga bagong kaso ng COVID-19, 1,314 ang ‘fresh’ cases, habang nasa higit 800 naman ang late cases.

Ayon sa DOH sa Metro Manila naitala ang pinakamaraming bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kung saan umabot ito sa 1,546 na sinundan naman ng Cebu na mayroong 246 na bagong kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, nasa 24,383 naman ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 at nasa 1,871 naman ang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nasa 48,000 naman ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Pinag-iingat ng mga otoridad ang mga mamamayan na lungsod na mag-ingat sa mga masusukal na lugar dahil baka matuklaw ng ahas.

Itoy kasunod ng pagkasawi ng isang 21-anyos na college student matapos matuklaw ng cobra (Banakon) sa Barangay Paco, Kidapawan City alas-4:00 ng hapon noong Martes.

Nakilala ang biktima nasi Harold Jay Abrenica, 2nd year student ng University of Southern Mindanao – Kidapawan City Campus at residente ng Sitio Santa Cruz Purok Santol.

Nabatid mula sa mga kamag-anak ng biktima na nagtungo ito sa bukid upang kunin ang alagang kambing nang tuklawin ito ng ahas na nakatago sa damuhan.

Agad namang hinugasan ng biktima ang sugat sa kaliwang paa nito at isinugod ng kaanak sa Cotabato Provincial Hospital upang turukan ng anti-venom.

Hindi umano tumalab ang itinurok na gamot  kayat inilipatn ito  sa Southern Philippines Medical Center o SPMC sa Davao City ngunit alas-6:00 kahapon ng umaga ay tuluyang binawian ng buhay ang biktima.

Patay ang isang school principal matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek sa bayan ng Pikit Cotabato kahapon.

Kinilala ni Pikit Chief of Police Capt. Mautin Pangadigan ang biktima nasi abdulah mamasaunda husain 43 taga barangay Pobcion ug head teacher sa dagadas elementary school public.

Nabatid sa imbestigasyon pauwi na ang biktima mula sa public market sa kanilang bahay nang abangan ito at pinagbabaril ng hindi pa tinukoy na suspek.

Dahil sa tindi ng tama ng bala mula sa di tinukoy na uri ng baril nasawi ang biktima.

May kinalaman naman sa kanyang trabaho ang isa sa tinitingnan anggulo ng pulisya sa motibo ng krimen.

Tatlong drug suspects ang napatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa magkakahiwalay na police operation sa lalawigan kahapon.

Unang nasawi, ang dalawang drug suspected personalities na sina Mutalib Bulod at Asty Guimalon, kapwa nakatira sa Sitio Gantong,Brgy.Manaulan,Pikit.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw nang ilunsad ng pinagsanib pwersa ng pulisya at militar ang search warrant operation sa mga bahay ng mga suspek, subalit papalapit pa lamang umano ang mga otorisdad nang paputukan sila kaya gumanti ito.

Nakuha naman ng mga otoridad sa bahay ng mga napatay na dalawang suspek ang iba’t ibang uri ng mga armas pampasabog at higit apatnapung sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang aabot sa P41,000.

Samantala, napatay naman sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Matalam, North Cotabato pasado alas-7:00 kahapon ng umaga ang isa pang drug suspect na si Kristoffer Ian Lambramonte nang manlaban umano ito sa mga operatiba ng Regional Police Drug’s Enforcement Unit o RPDEU 12 .

sinasabing nahalata ng suspek na kasapi ng operating team ang kanyang nabentahan ng druga kung kaya bigla nitong binunot ang dala nitong.38 caliber revolver na nagbunsod sa mga nakaantabay na kapulisan upang gumanti.

Mariing itinaggi ng pamilya ang dalawang napatay  sa anti-drug operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa bayan ng pikit Cotabato na sangkot ang mga ito sa operasyon ng illegal drugs.

Ayon sa mga ito ang mga napatay na sina Mutalib Bulod alyas Thong at Asty Bulod alyas Mahid, kapwa taga Sitio Gantong, Barangay Manaulanan, Pikit, North Cotabato ay namumuhay ng maayos .

itinaggi rin ng mgan ito na nanlaban ang mga biktima sa mga pulis.

Kahapon ng madaling inilunsad ng pinagsanib pwersa ng Cotabato Police Provincial Office, Pikit Municipal Police Station ug Philippine Drug Enforcement Agency, at militar ang search warrant operation

Umakyat na sa 33 ang kaso ng covid 19 sa lalawigan ng Cotabato matapos naitala kahapon ang dalawang bagong kaso.

Ayon kay Cotabato AITF incident commander BM philbert Malaluan, ang isa sa biktima ay isang  biktima ay Returning Overseas Filipino (ROF) na dumating sa Davao City noong July 1, 2020 inidorso ng Provincial Government sa Mlang LGU at inilagay sa LGU Quarantine Facility para masunod ang 14 days quarantine health protocols.

subalit noong July 10 nagdevelop ng sore throat kung kaya kinunan ngswab samples at nagpositibo noong july 18 subalit kahapon lamang inilabas ng DOH ang resulta.

Samantala, ang isa pang kaso ng covid 19 ay isang  40 anyos na babae na taga Pigcawayan.

Ang biktima ang pang walong kaso na ngayonsa bayan ng PIgcawayan ay may sakit sa kidney at regular na sumasailalim sa dialysis sessions sa Cotabato Regional Medical Center (CRMC)- Cotabato City.

Samantala, patuloy naman ang limitadong pagtanggap ng pasyente ng CRMC dahil 102 sa kanilang mga employees ay sumasailalim sa quarantine dahil sa manpower shortage pawang mga emergency at critical cases lamang ang kanilang tinatanggap.

Naghain ng panukala si Senator Imee Marcos para hindi na masyadong umasa ang bansa sa mga imported medical supplies

Naghain ng panukala si Senator Imee Marcos para hindi na masyadong umasa ang bansa sa mga imported medical supplies, partikular na ang personal protective equipmeynt (PPE) para sa healthcare workers at frontliners.

Sa inihain niyang Senate Bill 1708, o ang “Healthcare Manufacturing and Pandemic Protection Act,” gusto ni Marcos na mapalakas ang local production sa pamamagitan ng pagbibigay ng tax exemptions at incentives ang mga local manufacturer.

Hinihikayat din niya ang mga local manufacturer na magkaroon ng ‘innovation and repurposing’ sa mga materyales na mabibili naman sa bansa.

Sa kanyang panukala, hindi na kailangan pang magbayad ng manufacturers ng importation tax para sa mga biniling imported raw materials at kagamitan.

Gayundin, nais din niyang ilibre na sa mga buwis at iba pang bayarin sa Bureau of Customs at Food and Drug Administration ang mga local manufacturer.

Nanawagan si Senator Christopher Go sa Department of Health o DOH at iba pang ahensya ng gobyerno na tiyakin na may sapat na suplay ng mga murang gamot para sa mamamayan

Ayon kay Go, nakarating sa kanya ang mga ulat na may ospital na sobra ang singil sa kanilang mga gamot kayat hinihikayat niya ang mga biktima na magreklamo at panawagan niya rin sa DOH na agad mag-imbestiga.

Paliwanag nito, wala nang nagagawa ang mga pasyente kundi bayaran na lang ang mga mahal na gamot.

Hinikayat niya ang pagsusuri sa listahan ng Maximum Drug Retail Price ng ilang gamot base sa Cheaper Medicines Act of 2008 at sa EO 104 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Pebrero.

Naglagak ng halos $2-B ang Estados Unidos sa Pfizer at German Biotechnology Company

Naglagak ng halos $2-B ang Estados Unidos sa Pfizer at German Biotechnology Company para sa mas mabilis na pag-develop ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Isa lamang ito sa proyekto ng Estados Unidos sa ilalim ng warp speed project upang makauna at mabilis na makapag-distribute ng bakuna.

Ganito rin ang ginagawa ng europe na naglagak na rin ng pondo sa Curevac, isang German firm na unang nang hinikayat ni US President Donald Trump sa pagasang mauuna ang US kapag nakagawa ito ng bakuna.

45 katao ang patay kabilang ang ilang sibilyan at Taliban fighters, sa panibagong pambobomba sa Afghanistan

Ayon kay Ali Ahmad Faqir Yar, gobernador ng Adraskan district sa probinsya ng Herat, kasama sa mga nasawi sa air strikes ng security forces ang walong residente.

Samantala, binigyang diin ng defense ministry na iniimbestigahan na nila ang alegasyon tungkol sa civilian casualties.

Sen. Sherwin Gatchalian hinimok niya ang Globe at Smart na magbigay ng libreng internet connectivity sa mga mag-aaral sa muling pagsisimula ng mga klase sa pamamagitan ng blended learning system.

Kung bawat mag-aaral ay makakagamit ng internet, isang mahalagang hakbang ito upang makabangon ang ating sistema ng edukasyon mula sa epekto ng COVID-19, gawin itong mas matatag sa panahon ng kalamidad, at masigurong walang batang maiiwan.”

Ito ang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian kayat hinimok niya ang Globe at Smart na magbigay ng libreng internet connectivity sa mga mag-aaral sa muling pagsisimula ng mga klase sa pamamagitan ng blended learning system.

Aniya, para magkaroon ng internet service sa 42,046 barangays sa bansa, kailangang maglagay ang telcos ng cell sites sa mga pampublikong paraan.

Diin pa ng senador, kung may internet maging sa mga tinatawag na ‘Last Mile Schools’ o mga liblib na paaralan, walang estudyante ang mapapag-iwanan sa edukasyon sa gitna ng pandemiya.

Base sa ulat ng DepEd, tatlong milyong estudyante ang pumapabor sa online learning at mahigit pitong milyon naman ang pinili ang modular distance learning samantalang 1.2 milyon ang gustong makapag-aral sa pamagitan ng telebisyon at higit 600,000 ang pinili ang radyo.

May 2.9 milyon estudyante naman ang nagsabi na may internet sa kanilang bahay, samantalang higit 1.8 milyon ang walang laptop, desktop, TV maging radyo.