Datu Odin Sinsuat, Maguindanao- PATAY ang isang motorista na taga Libungan Cotabato matapos nag-overshot ang minamanehong motorsiklo sa bahagi ng Sitio Tuka, Barangay Tapian kahapon nang tanghali.

Nakilala ang biktima na si Norman Tambunan, 32 anyos na residente.

Ayon sa kasamahan ng biktima, pauwi na sila matapos bisitahin nito ang kanyang lolo sa bayan ng Datu Blah Sinsuat at habang binabaybay ang Provincial Road ng aksidente bumangga sa poste ng koryente at tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo sa sementong.

Isinugod pa sa ospital si Tambunan ngunit bago paman ito makarating sa ospital ay tuluyan ding binawian ng buhay.

Davao City -Walang kinalaman sa 2022 national elections ang sister city agreement ng Davao sa Zamboanga City.

Nilinaw ito ni Davao Del Norte Governor Anthony Del Rosario, secretary general ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) matapos lumagda sa nasabing kasunduan sina Davao City Mayor Sarah Duterte at Zamboanga City Mayor Beng Climaco.

Sinabi ni Del Rosario na renewal of support lamang ang nangyari dahil 2015 pa ay mayruon ng sisterhood agreement sa Zamboanga City ang nuo’y Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Hindi na aniya bago ang kasunduan at hindi ito ginawa dahil sa idaraos na eleksyon sa susunod na taon.

Sina Mayor Sara at Climaco ay magkaibigan na nuon pang 2020 matapos lumahok kapwa sa international visitor leadership program na inorganisa ng US Department of State.

General Santos City-Inaasahang mabubuksan na sa publiko sa susunod na buwan ng Agosto ang state of the art na GenSan Airport.

Ayon kay GenSan Airport Manager Joel Gavina nasa 96% ng tapos ang passenger terminal building matapos itong isinailalim sa rehabilitasyon.

Inihayag ni Gavina, nakipag-ugnayan na sila sa Palasyo ng Malakanyang upang matiyak ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng paliparan subalit wala pang ensaktong petsa ang ibinigay.

Malaki ang pasalamat ng opisyal sa tulong LGU GenSan, Department of Tourism at Department of Transportation upang mas laloa pang mapaganda ang pasilidad na pinondohan ng gobyerno ng P900 million.

Tiniyak nitong pinaka-best na serbisyo ang maibibigay sa mga pasahero kapag natapos na ang naturang airport na malaki na umano ang pagkakaiba nito kumpara sa dati.

Esperanza, Sultan Kudarat- Agad na inilikas ang maramikng bilang ng mga residente matapos nalubog sa tubig baha ang maraming mga bahay nakatira sa mga riverbanks ng Kakal river.

Isinagawa rescue operation ng mga rescue volunteer ng Lokal na Pamahalaan ng Esperanza, na pinangungunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council o MDRRC, PNP, at AFP.

Mismong si Mayor Frederic Ploteña, ang nanguna sa pagpalikas sa mga apektadong pamilya.

Kabilang sa mga binahang lugar ang mababang bahagi na ng boundary ng Barangay Poblacion at Barangay Numo.

Samantala, nagpadala na rin ng dagdag na rescuer team ang Sultan Kudarat Rescue Team (Quick Response Team) sa lugar maging sa mga apektadong lugar.

Ang malakas na buhos ng ulan ang dahilan ng pag apaw ng tubig sa Kakal river.

Nagmistulang dagat ang mga low lying barangay sa bayan ng Pikit Cotabato matapos bumaba ang tubig baha mula sa up stream area.

Kabilang sa mga barangay na lubog ngayon sa tubig baha ang barangay Macasendeg at iba pang mga barangay nasa gilid ng Pulangi River at malapit sa Liguasan Marsh.

Dahilan ditto agad  nagsagawa ng assessment ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council para maayudahan ang mga apektadong mga pamilya.

Namonitor ang pag-akyat ng tubig baha matapos naranasan ang pagbaha sa ilang lugar sa lalawigan ng Sultan, Kudarat at Cotabato Province.

Nasa 588 ngayon ang aktibong kaso ng covid 19 sa buong lalawigan ng Cotabato kung saan pinakamarami ditto ay taga Kidapawan City at Midsayap Cotabato.

Sa inilabas na dato ng Cotabato Integrated Provincial Health Office o IPHO kagabi 26 ang gumaling at 18 naman ang nadagdag na mga bagong kaso.

Sa 18 mga bagong kaso apat ditto ay taga Alamada, tig-tatlo ang taga Kidapawan at Tulunan , tig dalawa ang taga Banisilan, Magpet, Matalam at tig –isa ang Aleosan at Libungan.

15 dito ang local transmission at tatlo naman ang imported cases.

Samantalang sa 26 na mga bagong gumaling anim ditto ay taga Mlang, lima ang taga Libungan, apat ang taga Magpet,tig-tatlo ang taga alamada, Kabacan at isa ang ntaga Tulunan.

 

Nanantili naman na nangunguna sa mga lalawigan sa soccsksargen region ang Cotabato province ang may pinakamaraming mga namatay.

Mula sa mahigit tatlong libu na aktibong kaso ng colvid 19 kahapon bumaba ngayon sa 2,956 matapos naitala ang 255 na mga bagong gumaling sa pandemya at 133 na mga bagong kaso sa buong soccsksargen region.

Batay sa inilabas na datos ng Regional COVID-19 tracker ng Department of Health Center for health and Development 12 alas saes kagabi nasa 24,462 na ang COVID-19 confirmed cases.

Sa kasalukuyan ay nasa 20,717 (84.69%) na ang total recoveries at 785 (3.20%) naman ang COVID-19 related deaths matapos nadagdag ng walong nasawi.

 

Sa walong nasawi tatlo ditto ay taga General Santos City dalawa ang taga M’lang at isa ang taga President Roxas, North Cotabato, isa ang taga Lambayong, Sultan Kudarat at isa ang taga Koronadal City, South Cotabato.

Abot sa 201 alagang baboy ng mga residente ng Purok Mangosteen, Brgy Linangcob ang sumailalim sa depopulation o pinatay matapos itong nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Office of the Provincial Veterinarian Chief, Dr. Rufino Sorupia na 22 hog owners ang apektado ng ASF sa nabanggit na purok at maayos naman ang paglunsad ng operasyon kaakibat ang City Vet na nagtapos kagabi.

Ang brgy Linangcob ang pang labing limang barangay sa probinsya na tinamaan ng ASF. Nagsimula ito sa brgy Ilian, Magpet na unang naiulat na mula sa nilako na chorizo ang pinagmulan.

Labing isang barangay sa Magpet ang naitala nagpositibo sa ASF ang Ilian, Magcaalam, Tagbac, Poblacion, Bantac, Pangao-an, Binay, Doles, Sallab, Amabel at Manobisa. Dalawang Barangay naman ng Arakan, ang Lanao Kuran at Tumanding at ang Brgy Poblacion ng President Roxas.

Magpet: 11 brgys.

 

939 hogs depopulated

282 hog owners.

Arakan: 2 brgys

291 hogs depopulated,

57 owners.

Pres Roxas :1 brgy( purok 8, pob.)

144 hogs depopulated,

25 owners.

Kid City : 1 brgy

201 hogs depopulated

22 hog owners

Grand total:15 brgys affected,

1575 hogs depopulated,

386 owners /hog raiser

Sa ginanap ng Provincial Development Council meeting na ipinatawag ni Governor Nancy Catamco nitong nakalipas na araw naisulong nito ang pagbigay tulong pinansyal sa mga apektadong hog raiser sa halagang P2,000 bawat isang baboy na masali sa depopulation operation. Ito ay sa pamamagitan ng Supplemental Budget no. 4.

Basi sa napag kasunduan sa pulong, ang LGU ay magbibigay naman ng P2,000 at ang Department of Agriculture sa halagang P5,000.00 sa bawat isang baboy.

Tinatayang aabot sa kabuuang P 7,875,000.00 ang halaga ng baboy na nade-populate dala ng ASF sa probinsya.

Patuloy naman ang paalala ni Dr. Sorupia sa lahat na iwasan ang magdala ng produktong baboy, karne o buhay na baboy mula sa mga barangay na nag positibo sa ASF.

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa pagsugpo ng ilegal na droga sa PPALMA area.

Ito ay nagresulta sa pagkakahuli sa apat na indibidwal mula sa iba’t ibang bayan sa PPALMA nitong sabado, Agosto 15, 2020 matapos silang mapatunayang sangkot sa pagtutulak ng droga.

Unang hinuli ang isang alias Jong Jong, nasa hustong gulang, may asawa, isang laborer at residente ng barangay Gumaga, Libungan, Cotabato.

Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at 500 marked money.

Sa bayan ng Midsayap, arestado ang isang tagagawa ng postiso matapos itong mahulihan ng dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, 500 pisong marked money, isang kalibre 38 pistola at apat na bala ng nasabing baril.

Ilang oras ang lumpias, isang kilalang personalidad sa LGBT community sa bayan ng Midsayap ang natimbog matapos mapagbentahan nito ang isang poseur buyer.

Ang suspek ay nakilalang si Steve Epanto, presidente ng LGBT group sa bayan, 43 taong gulang at residente ng barangay Poblcion 1, Midsayap, Cotabato.

Nakuha sa posiayon ni Epanto ang dalawang pakete na naglalaman ng mga butil ng pinaghihinalaang shabu at 500 pisong marked money.

Samantala, sa bayan naman ng Aleosan, isang bading din na taga Midsayap ang naaresto sa sirio Taguan, barangay San Mateo sa nasabing bayan dahil sa pagbebenta umano ng shabu.

Nakilala ang arestado na si Edgar Padilla Macabio, 47 taong gulang, isang beautician at residente ng barangay Poblacion 4, Midsayap, Cotabato.

Nasamsam kay Macabio ang isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at 500 marked money.

Ito na ang pangalawang beses na nahuli sina Epanto at Macabio dahil sa droga.

Ang mga nahuli ay nakapiit sa mga custodial facilities ng mga nabanggit na bayan at ngayong araw ng lunes, Agosto 17 ay nakatakdang sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Isang branch manager nang pawnshop sa bayan ng Midsayap na sangkot sa pagnanakaw ng mga alahas at pagsasagawa ng mga ilegal na transaksyon sa mismong kumpanyang pinagtatrabahuan ang inaresto ng mga pulis.

Ayon kay Midsayap Chief of Police,  Lt. Col. John Miridell Calinga, ang inarestong suspek ay nakilalang Roberto Maquilla Lania, 29 na taong gulang, may asawa at residente ng barangay Poblacion 1, Pigcawayan, Cotabato.

Ang pag-aresto sa suspek ay ginawa ng Midsayap PNP matapos ini-ulat ni Ariel Tesnado Apura, 29 na taong gulang, binata, residente ng Banga, South Cotabato at Team Leader ng Audit Staff ng Dalton Pawnshop and Jewelry Inc. ang pagkakadiskubre sa pagnanakaw.

Sa salaysay umano ni Apura, pumunta ang kanilang team na naturang sangay upang magsagawa ng audit sa kalagayan ng negosyo ng pag-aalahas nang madiskobre nilang may mga kahina-hinalang transaksyon at may mga nawawalang alahas kung kaya ipinatawag nila si Lania na boluntaryong nagsurender ng tatlong iba’t ibang uri ng alahas at mga resibo ng pagsasanla na nanggaling sa kanyang bulsa.

kasong Qualified Theft ang isasampa laban kay Lania habang nasa custodial facility ng Midsayap PNP.