Umakyat ang presyo ng ilang pangunahing bilihin simula nuong July 1.

Umakyat ang presyo ng ilang pangunahing bilihin simula nuong July 1.

Kabilang dito ayon sa Department of Trade and Industry ang ilang brand ng sardinas, beef loaf, meat loaf at corned beef na nasa 65 sentimo hanggang 1.45 ang itinaas.

Ilang brand ng evaporated at condensed milk ay tumaas din ng Piso hanggang 2 Piso at 50 sentimos naman ang itinaas ng isang brand ng sabong panlaba.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang mga nasabing brand ay hindi nagtaas ng presyo sa pagsisimula ng taon subalit kailangang itaas ang presyo dahil sa pagtaas din ng raw materials at iba pang factors.

Kasabay nito binalaan ng DTI ang mga grocery at supermarket sa pagtataas ng presyo ng mga naunang stock ng produkto na nabili nila sa murang halaga.

Muling iginiit ng Consultative Commitee (ConCom) members ang malaking impact ng political dynasty sa Pilipinas

Muling iginiit ng Consultative Commitee (ConCom) members ang malaking impact ng political dynasty sa Pilipinas, hindi lang sa sistema ng politika kundi maging sa ekonomiya.

Inilahad ni Commissioner Susan Ubalde-Ordinario na aabot sa 300 pamilya lamang umano ang may hawak ng kontrol ng politika na nakalatag sa 73 lalawigan sa bansa.

Paliwanag pa ni Ordinario, inuugnay din kasi sa pagkontrol lamang ng iilan sa kapangyarihan ang mataas na kahirapan, mababang income per capita, mataas na infant mortality gayundin ang mababang primary education outcomes.

Open-pit mining ban sa bansa na nakakasira sa kalikasan

Hiniling ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang malinaw na polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pahayag nito sa open-pit mining ban sa bansa na nakakasira sa kalikasan.

Ayon sa ilang opisyal ng NGB isang uri lamang ng “surface mining” ang open pit mining habang wala pang linaw kung maging ang mga non-metallic mineral ay kabilang dito.

Kapag naipatupad ang open pit mining ay marami umano ang mawawalan ng trabaho namay kontribusyon sa gross domestic product (GDP) gayundin ang pag-angkat ng ilang mineral mula sa ibang bansa.

Sa kabila nito, nakahanda ang ahensya na tumalima sa anumang pinal na direktiba na ibababa mula sa Office of the President habang sosolusyunan naman ang problema sa ilang minahan na nag-ooperate kahit walang inisyung permit mula sa lokal na pamahalaan.

Posibleng mapasakamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na dalawang linggo ang shortlist ng posibleng maging susunod na Ombudsman.

Posibleng mapasakamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na dalawang linggo ang shortlist ng posibleng maging susunod na Ombudsman.

Kasunod na rin ito nang nakatakdang pagsusumite ng Judicial and Bar Council o JBC ng nasabing shortlist sa Pangulo sa July 20.

Kabilang sa mga pinagpipiliang kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ay sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Supreme Court Associate Justice Samuel Martires, dating Sandiganbayan presiding justice at special prosecutor Edilberto Sandoval at Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz.

Si Morales na itinalagang Ombudsman ng dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2011 ay nakatakdang magretiro sa July 26.

Tagum City, Davao del Norte – Dalawa katao ang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek

Tagum City, Davao del Norte – Dalawa katao ang nasugatan matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek ang grupo nang magkaibigan na magdamag na nainuman sa Dagohoy Relocation, Barangay Canocotan,kahapon.

Kinilala ng Tagum City Police Station ang mga biktima na sina Jason Loretero, 35 at Alexander Paulino, 31 .

Habang masayang nagiinuman ang mga biktima kasama ang iba pang mga barkada ng bigla na lamang sila pinaulanan ng bala.

Matapos ang insidente agad na tumakas ang mga suspek at mabilis namang itinakbo sa ospital ang dalawang sugatang mga biktima.

Lambayong, Sultan Kudarat- Sinira ng baha ang mahigit isang daang ektaryang sakahan at mga farm to market road kamakalawa na nagpahirap ngayon sa mga residente

Lambayong, Sultan Kudarat- Sinira ng baha ang mahigit isang daang ektaryang sakahan at mga farm to market road kamakalawa na nagpahirap ngayon sa mga residente.

Ang pagbaha ay dulot ng walang humapay na buhos ng ulan na nakaapekto rin sa mga karatig na mga bayan at sa lalawigan ng South Cotabato, Maguindanao at Cotabato.

Dahil malakas ang buhos ng ulan sa matataas na lugar tumaas ng husto ang tubig baha sa Allah River.

Dahilan dito, nanawagan na ng tulong ang mga residente sa lokal na gobyerno upang masolusyunan ang nasabing problema.

Samantala sa Brgy. Palo 19 ng Tampakan South Cotabato nagtulong-tulong ang mga residente para alisin ang makapal na lupa sa kalsada.

Itoy dulot naman ng naganap na land slide dahil parin sa walang humpay na buhos ng ulan kamakalawa.

Dalawang lider ng new peoples army namay patong-patong na kaso dinakip habang nagsasagawa ng seminar.

General Santos City- Dalawang matataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) ng Northern Mindanao Region at labing isa pang mga kasamahan nito ang nahuli ng mga otoridad.

Nagsanib pwersa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) matapos tumanggap ng ulat nag nagsasagawa ng seminar ang rebelde sa Mother Francisca Spiritual Center sa Barangay Lagao ng lunsod.

Kinilala ang dalawang lider na naaresto na sina Francis Madria alyas Kilat, 41, residente ng Malaybalay, Bukidnon; at Maria Limbaga Unabia alyas Del, 44, taga-Koronadal South Cotabato.

Ang mga itoy sinasabing may mga kasong multiple murder, frustrated murder, attempted murder at kidnapping.

Dinakip ang mga ito sa bisa ng warrant of arrests na nagmula kina Judge Isobel Barosso ng Malaybalay at Judge Vincent Rosales ng Cagayan de Oro.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng PNP Anti-Cyber Group ang pitong cellphones; 10 laptop; i-Pod; 20 flash drives at 25 sim cards na nasabat ng mga otoridad sa naturang seminar house.

Hinuli din ng pulisya ang 11 kalahok ng seminar matapos ilihim sa mga kinauukulan na doon nagtatago ang mga pinaghahanap na NPA leaders.

Apat na miyembro ng kriminal gang na kumain umano ng laman loob ng kanilang mga biktima napatay ng mga otoridad.

Midsalip, Zamboanga del Sur – Napatay ng mga pulis ang apat na mga miyembro ng kriminal gang na umanoy miyembro rin ng isang kulto na umano’y kumakain ng lamang-loob ng tao .

Naganap ang insidente alas-5:30 ng umaga kahapon nang magsagawa ng law enforcement operation ang pinagsanib na mga elemento ng Midsalip Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni Sr. Inspector Kenneth Soon, Task Force Tugis ng Regional Intelligence Division (RID) 9, Regional Mobile Force (RMF) 9 laban sa mga suspek sa Brgy. Cumarom.

Nabatid na bitbit ang mandamiento de arresto laban sa mga suspek ay nagtungo sa lugar ang mga awtoridad upang arestuhin ang apat na miyembro ng kulto kaugnay ng kasong murder laban sa mga ito.

Ang grupo ay pinamumunuan nina Ramon Bantayan at Rondi Bantayan; pawang mga wanted at umano’y lider ng kulto.

Gayunman sa halip na sumuko ay nagpaputok ng baril ang mga armadong suspek na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.

Sinasabing ang mga suspek ay mga notoryus na miyembro umano ng kulto na umano’y kinatatakutan kaugnay ng ulat na kumakain ang mga ito ng atay at lamang-loob ng tao.

Patuloy naman ang operasyon laban sa iba pang miyembro ng grupo ng naturang kulto na nasa likod ng paghahasik ng karahasan sa nasabing lugar.

Internal Cleansing sa Kidapawan City PNP nagpapatuloy, resulta ng surpresang drug test hinihintay na!

Nagpapatuloy ang internal cleansing ng Kidapawan City PNP sa kanilang hanay para magtagumpay sa kanilang kampanya laban sa illegal na druga.

Kamakalawa sumailalim sa Random Drug test ang mga pulis matapos ini-utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga tauhan ng Crime of the scene o SOCO ang surprise pagsusuri.

Hinihintay na ngayon ang resulta ng drug test na nasa Provincial Crime Laboratory.

May karampatang parusa naman ang naghihintay sa sinumang napapatunayang mga alagad ng batas na gumagamit ng illegal na droga.

Lalaking nagsampa ng kaso laban sa isang pulis, dead on the spot matapos na pagbabariling ng riding in tandem assassins kahapon sa Kidapawan City.

Dead in the spot ang isang lalaki na kagagaling dumalo sa isang court hearing matapos barilin ng hind pa kilalang riding in tandem assassins alas-11:45 ng umaga kahapon sa Quezon Boulevard, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Rey Roldan Ancheta, may asawa at residente ng Barangay Malasila Makilala, Coabato

Nabatid sa mbestigasyon ng pulisya sinamahan nuto ang kanyang ama na dumalo sa court hearing at habang naghihintay ng masasakyang multicab papauwi sa kanilang lugar ng itoy pagbabarilin.

Malaki ang paniniwala ng ama ng biktima nasi Perfecto Ancheta, may kinalaman sa isinampa nilang kaso ang pagpatay sa kanyang anak.

Naghain ng kasong frustrated murder ang biktima laban sa isang pulis ng Tulunan na may ari ng isang sabungan matapos na kasuhan ito ng kasong paglabag sa Article 168.

Personal grudge naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagpatay sa biktima.