Sa Surigao Del Sur – Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang lalawigan.

Ayon sa Phivolcs  naitala ang epicenter ng lindol sa layong 34 na kilometro hilagang silangan ng hinatuan, may lalim na apat naput limang kilometro at tectonic in origin.

Naramdaman din ang pagyanig sa Bislig City sa intensity 3 , Gingoog City, Misamis Oriental – Intensity 2  at intensity 1 sa Surigao City, Cagayan De Oro City, Kidapawan City, Tupi sa South Cotabato at Malungon At Alabel sa Saranggani.

Ipinabatid ng Phivolcs ang posibleng pinsala ng nasabing lindol at asahan ang aftershocks.

Sa Cotabato City -Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang ang lungsod kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang epicenter ng lindol sa layong 13 kilometro timog silangan ng Cotabato City.

Sinasabing tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 543 kilometro.

Dagdag ng PHIVOLCS, asahan na ang pinsala at aftershocks sa naturang pagyanig.

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol.

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity 2 – Alabel at Malungon, Sarangani

Intensity 1 – Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani.

nauna rito, badang alas 9:37 kamakalawa ng gabi niyanig ng 2.5 na lindol ang lungsod namay lalim na limang kilometro dahilan upang naramdaman ang intensity 2.

Agad naman na nanawagan si Cotabato city Mayor Cynthia Guiani Sayadi sa kanyang mga kababayan na maging alerto at mahinahun lang at siguraduhing maging ligtas ang lahat.

Sa Isulan Sultan Kudarat – isa ang patay at hindi pa tukoy kung ilan ang nasugatan sa naganap na salpukan ng tatlong sasakyan sa bahagi ng national highway, Purok Kaunlaran, Barangay Bambad pasado alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ang aksidente ay kinasangkutan ng isang Nissan path finder Pick-up, dalawang tricycle at nadamay naman ang isang vulcanizing shop na nasa gilid ng daan.

Ang lahat ng mga sakay nang mga sasakyang nasangkot sa aksidente ay mabilis na dinala sa pagamutan.

Nagsasagawa pa nang malalim na imbestigasyon ang mga otoridad kung papaano naganap ang aksidente at sino ang mga sala dahil sa lakas ng impact parehong bumaliktad ang mga sasakyan nangkot sa aksidente.

Muli nanamang nagkasagupa ang magkalabang pamilya sa bayan ng Pagalungan at Datu Montawal, Maguindanao kahapon.

Dahil agad na tumugon ang tropa ng pamahalaan at ilang mga Commander ng Moro Islamic Liberation Front o MILF napahupa ang palitan ng putok na nagdulot ng matinding takot sa mga mamamauyan.

ang laban nang hindi pa tinukoy na magkalabang pamilya ay naganap sa Sitio Lakeg, Barangay Dunguan Datu Montawal and Sitio Betig, Barangay Inug-Ug Pagalungan Maguindanao.

Matatandaan, bago lamang bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente makaraang isinagawa ang mga negosasyon subalit nalagyan nanaman ng lamat ang mga napagkasunduan.

Pumalo na sa 290 ang kaso ng nakakahawang sakit na Covid 19 sa buong soccsargen Region matapos naitala kahapon ang tatlong bagong kaso.

Ayon sa Center for Health and Development ng Department of Health ang mga nagpositibo ay mga Locally Stranded Individual o mga LSI at mga returning Overseas Filipino.

Tiniyak ng kagawaran ang mga bagong nagpositibo ay nanatili sa isolation facilities kaya walang dapat na ikabahala ang mga mamamayan subalit pinag-iingat lagi at inuudyukang sundin ang mga ipinatutupad na mga health protocols.

Samantala, tatlo naman ang ini-ulat na gumaling isa dito ay taga lalawigan ng Cotabato siya si patient number 139th at ang dalawa naman ay taga General Santos City.

Dahilan dito, umakyat naman sa 138 ang mga gumaling sa nasabing pandemya.

Dapat ay mananatili pa rin ang pag-oobserba sa mga preventive measures katulad ng physical distancing at ang pagsuot ng facemask, maging ang pagbabawal sa mga kabataan na may edad 21-anyos pababa, mga senior citizen at mga maysakit na lumabas ng bahay ngayong pinalawig ang modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Agosto 15, 2020.

Pinalawig ng North Cotabato provincial government ang MGCQ batay narin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 at sinupurtahan ni Governor Nancy Catamco.

Matatandaan na hindi pinaboran ni Governor Catamco ang rekomendasyon at kahilingan ng LGU-Pigcawayan na isailalim sa Enchanced Community Quarantine (ECQ) ang bayan ng Pigcawayan.

Umakyat na sa 44 ang kumpirmadong kaso ng covid 19 sa buong lalawigan ng Cotabato matapos naitala ang isang bagong kaso kahapon.

Ayon kay Cotabato Inter-Agency Task Force on COVID-19 spokesperson BM Philbert Malaluan, ang ika- 44th na pasyente ay isang 31-year old na babae na taga Banisilan, siya ay isang Locally Stranded Individual (LSI) na dumating sa lalawigan sa pamamagitan ng Davao International Airport noong July 16 mula sa kalakhang manila.

Ang pinakahuling biktima ay naka-quarantine sa LGU Facility habang nasa pasilidad ay inubo at nilagnat noong July 20 kung kaya noong July 22 ay kinunan ito ng swab sample at lumabas sa resulta ay positibo ito sa covid 19.

Ang biktima ay isa nang asymptomatic at nasa stable condition, kasalukuyan namang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng biktima.

Ang lalawigan ng Cotabato ang pinakamababa parin sa mga lalawigan sa Soccsargen Region ang nakapagtala ng kaso ng Covid 19 kung saan nangunguna ang  Souith Cotabato namay 70 kaso.

Maglalaan ng P1 bilyon na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Integration Program ng mga umuwing OFW dahil sa COVID-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, magpupulong sila kasama ang OWWA para pag-usapan ang National Integration Program para sa mga OFWs.

Ngayong araw ay mayroon silang OWWA board meeting para talakayin ang livelihood program na ibibigay sa mga OFWs.

Maglalaan sila ng P1-B para magkaroon ng group livelihood.

Inihalimbawa niya ang pagtatanim ng bamboo o kawayan na pagtutulungan ng mga OFWs.

Sinabi rin ng kalihim na umabot na sa 111,000 na OFWs ang kanilang napauwi at patuloy din ang pamimigay nila ng tulong pananalapi sa mga nag-apply na kuwalipikado.

Para sa pangangailangan ng mga may kapansanan sa paningin at matatanda na, inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bagong perang papel ng bansa.

Sinabi ni BSP Gov. Benjamin Diokno na ang mga bagong pera ay taglay ang pinakabagong ‘anti-counterfeiting technology.’

Huling naglabas ng bagong serye ng mga perang papel ang BSP noong Disyembre 2010 at ayon sa eksperto, kailangan ay binabago ang ‘security features’ kada dekada.

Paliwanag ni Diokno, may mga pahalang na linya sa magkabilang gilid ng pera at dalawang pares sa P50, dalawang pares sa P100, tatlong pares sa P200, apat na pares sa P500 at limang pares sa P1,000.

May idinagdag din na security features sa P500 at P1,000 para maging mahirap na itong mapeke.

Sa Malaysia – Guilty ang hatol ng korte kay dating Malaysian Prime Minister Najib Razak sa lahat ng pitong corruption charges laban dito kaugnay sa pagkakasangkot sa multi-billion dollar scandal gamit ang pera ng gobyerno sa One Malaysia Development Berhad.

Ayon kay Kuala Lumpur High Court Judge Mohamad Nazlan Mohamad Ghazali napatunayan ng prosecution beyond reasonable doubt ang pagkakasangkot ni Najib sa corruption charges matapos nilang makunsider ang lahat ng mga ebidensya sa panahon ng paglilitis.

Si Najib ay nahaharap sa pitong kaso ng criminal breach of trust, money laundering at abuse of power dahil sa umano’y iligal na pagtanggap ng halos 10-milyong dolyar mula sa dating 1MDB unit na SRC International.

Malalaking piyansa at pagkakakulong ng 15 hanggang 20 taon ang parusa sa kada kasong kinakaharap ni Najib na i-a-apela ang naturang desisyon ng federal court.

Ang nasabing kaso ay itinuturing na landmark case na tinitingnan bilang test o pagsubok sa kampanya ng gobyerno na labanan ang korupsyon at maaaring magkaruon ng malaking political effect sa Malaysia.

Sa South Korea, Pumalo na sa higit 70 ang bilang ng mga Pilipino na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) .

Sa public hearing ng Laging Handa, sinsabi ni Charges D’ Affaires in South Korea Christian De Jesus na ang naturang bilang ay nagmula sa local health authorities sa naturang bansa maging sa mga Filipino community doon.

Sa naturang bilang, 34 dito ang tuluyan nang nakarekober sa namamatay na virus, habang aabot sa 44 ang patuloy pang ginagamot.

Kasunod nito, paliwanag ni Charges D’ Affaires De Jesus na pawang mga mild cases lamang ang mga naitalang Pinoy na nagpositibo sa COVID-19.