Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang buong suporta sa lokal na produksyon ng mga pangunahing pangangailangan ng bawat Filipino kabilang na ang mga produktong agrikultural.

Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary William Dar bilang tugon sa pangamba ng grupo ng mga magsasaka sa ipinatutupad na polisiya ng pamahalaan sa pag-aangkat sa ibang bansa.

Ayon kay Dar, hindi niya nais na i-angkat ang lahat ng pangunahing pangangailangan sa bansa kundi gawin itong oportunidad bilang pinakahuling takbuhan para makapagdagdag ng suplay sa bansa.

Paliwanag ni Dar, layunin aniya nitong maabot ang 100 porsyento ng katatagan at seguridad sa suplay ng pagkain sa bansa.

Magugunitang, nananawagan ang grupong United Broilers Raisers Association (UBRA) sa DA na pansamantalang ipatigil ang importasyon ng manok sa bansa para mabawasan ang kumpetisyon sa mga local farmers.

Sinabi rin ng UBRA na inirekomenda umano ng Bureau of Animal Industry paglimita sa produksyon ng mga local poultry raisers na itinanggi na rin ng DA.

Muling nagpositibo si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa COVID-19.

Kinumpirma mismo ito ng senador.

Ito ang dahilan kaya hindi nakadalo ang senador sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak naman ni Zubiri na wala siyang nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit.

Bilang pag-iingat, sinabi ng senador na mag-i-isolate siya muli.

Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si Zubiri noong March 16 at gumaling noong April 12.

Sa gitna nang kinakaharap na problema ng bansa tungkol sa COVID-19, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mahalaga ang buhay kaysa sa ibang bagay.

Sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na mas binigyan niya ng prayoridad ang buhay kaysa sa ibang sinasabi ng mga eksperto.

Kabilang sa agad na pinasalamatan ng Pangulo ang mga frontliners na lumalaban sa COVID-19.

Binanggit din ng Pa­ngulo na nakikidalamhati ang gobyerno sa pamilya ng mga nasawi dahil sa virus.

Anya, nasa magulong panahon ngayon ang bansa dahil sa virus na naging dahilan kaya nahinto ang pangarap na pag-unlad.

Hindi rin daw exemp­ted sa virus ang mga ma­yayaman at mahihirap.

Nagpahayag ng pag-asa si Duterte na matutuklasan na ang vaccine sa lalong madaling panahon.

Nilinaw din ng Pangu­lo na hindi pa rin niya papa­yagan ang face-to-face na klase ng mga estudyante hangga’t hindi nadidiskubre ang vaccine.

Isiniwalat din ni Duterte na kinausap niya si Chinese President Xi Jinping kaugnay sa COVID-19 apat na araw na ang nakalilipas at umapela siya na kung mayroon ng vaccine ang China ay unahing bigyan ang Pilipinas.

Samantala, umapela ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang Bayanihan to Recover As One katulad ng ginawa nilang pagpasa sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sinabi rin ni Duterte na dahil sa mga ginawa ng gobyerno, naiwasan na umabot sa 1.3 milyon hanggang 3.5 milyon ang may impeksiyon.

Pero inamin din ng Pangulo na nahirapan ang gobyerno sa pagpapatupad ng Social Amelioration Program (SAP) kasabay ang babala sa mga oportunista na nagpabagal sa pagpapatupad ng programa.

Pinaiimbestigahan din niya sa DSWD at DILG ang reklamo ng ilang dri­vers na hindi nakatanggap ng kahit anong tulong mula sa gobyerno.

Pinasalamatan din ni Duterte ang mga local government units (LGUs) dahil sa kanilang sariling aksiyon na labanan ang COVID-19.

Sumirit na sa mahigit 82,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) pumapalo sa 1,657  ang nadagdag na kaso ng COVID-19 kaya’t umakyat na sa 82,040  ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nasabing virus sa bansa.

Ito na ang ika 13 sunod na araw na nakapagtala ng mahigit 1,300 bagong impeksyon.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Metro Manila – 1, 017 ,Laguna – 89, Cavite – 38, Cebu – 31 at Rizal – 31.

Umakyat na rin sa 26,446 ang total recoveries matapos madagdag ang 359 na mga bagong gumaling sa nasabing sakit na pumatay na sa halos 2,000 katao nang madagdag ang 16 na bagong nasawi.

Nasa 53,649 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 at patuloy na sumasailalim sa gamutan o quarantine.

 

Pinagkaguluhan ngayon nang mga residente ang isang bagong silang na torete o batang kalabaw sa Lambayong Sultan Kudarat.

Itoy dahil sa kanyang kakaibang anyo na sa halip ay apat, dalawa lamang ang paa nito.

wala ang dalawang paa sa harapan na nagmistulang kanggaro ang hitsura ng torete, Isinilang ito kamakalawa sa bahagi ng Belumin o turod.

Naniniwala naman ang magsasakang may-ari ng kalabaw na swerte ito para sa kanila dahil pambihira lamang ito nangyayari.

dahil inaasahang magdadala ito ng swerte nainiwala ang magsasaka na may-ari nito na mabubuhay ang nasabing torete.

Walong pang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan.

Ang mga sumuko ay pinangunahan ni Kumander Ibrahim Guno ng BIFF sa ilalim ng Karialan faction.

Isinuko ng walong BIFF ang mga matataas na uri ng armas, pampasabog mga sangkap sa paggawa ng bomba,mga Improvised Explosive Device (IED) mga bala at mga magazine.

Sumuko ang mga ito sa ginawang negosasyon ni Datu Saudi Ampatuan Maguindanao Mayor Resty Sindatok mga lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at 57th Infantry Battalion Philippine Army.

Sinabi ni Kumander Guno na silay sumuko dahil pagod na sila sa pakikibaka laban sa gobyerno at gusto na nilang mamuhay ng mapayapa.

Tumanggap naman ng pinansyal na tulong at livelihood assistance ang walong BIFF mula sa lokal na pamahalaan ng bayan.

Una rito sampong kasapi din ng BIFF ang sumuko sa bayan ng Pagalungan Maguindanao boong nakaraang araw ng sabado.

Hinikayat naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief, Major General Diosdado Carreon ang ibang BIFF at mga kaalyado nitong terorista na sumuko na at magbagong buhay.

Isang kasapi ng rebeldeng New peoples Army ang nasawi samantalang lumikas naman ang mga sibilyan sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo ng Phil. Army sa Mount Payong Payong Brgy Baluan, Palimbang Sultan Kudarat

Ayon kay 603rd Brigade Commander Brigadier General Wilbur Mamawag , habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng 37th Infantry Battalion Philippine Army ay nakasagupa nito ang tinatayang dalawampung mga NPA.

Tumagal ng kalahating oras ang palitan ng putok sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking parte sa bayan nang matunugan nito ang karagdagang pwersa ng militar.

Nakuhanan ng isang baril na Armalite rifle, mga bala, bandolier at anim na magazine ang napatay na rebelde habang isa naman ang nasugatan sa panig ng 37th IB.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng 37th IB ang nakasagupa nilang mga rebelde.

Sumuko sa mga otoridad ang cafgu member na responsable sa pananaga sa kanyang bayaw matapos silang nagka-initan habang nag-iinuman

Ang biktima naman na nakilalang si Judy Diomby Lintapan, 30, magsasaka na taga  Purok 1, Barangay Lebanon, MONTEVISTA, Davao de Oro ay kasalukuyang ginagamot sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City.

Ang suspek nasi Roy Tadian Undagan, 37 anyos ay sumuko matapos napagtanto na mali ang kanyang nagawa sa kanyang bayaw.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na kumuha ng patalim ang suspek makaraan ang kanilang alitan dahil sa sobrang kalasingan.

Sinimulan na ng Department of Education Kidapawan School Division ang pilot test o dry run ng Radio Based Instruction (Plug and Play) sa Lapan Elementary School sa Sitio Lapan ng Barangay Perez

Mismong si City Schiil Division Supt. Omar Obas ang nangasiwa sa dry run upang makita ang mga dapat na gawin sa pagsisimula nang formal na pagbubukas ng klase sa Aug. 24,2020.

habang sumasagot sa kanyang klase, Kasabay ng pagsasagawa ng Learning Delivery Modalities inoobserbahan ni Obas kung papaano na-iintindihan ng mga mag-aaral ang mga itinuturo sa kanila.

Kasama sa mga nag obserba si Assistance Schools Division Supt. Jasmin Isla, District Supervisor Sherly Dua, ilang mga heads at mga observers mula sa Quality Assurance ng Division at Rehiyon at ilang mga Non-government Organization.

Ang kahalintulad ng aktibidad ay isinagawa din ng Dep-Ed Cotabato sa bayan ng Magpet Cotabato kahapon

Ang hakbang ay bahagi ng paghahanda ng kagawaran sa iba’t-ibang mga modalities na gagamitin sa pagsisimula ng klase sa Agosto 24.

Nagsagawa ng Operation Timbangan Enforcement and Inspection sa bagsakan center ng bayan Alamada sa Brgy. Polayagan ang Local Government Unit katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Negosyo Center.

Layon nito na maiwasan ang panloloko ng ilang mga market vendors sa mga kostumers dahil sa maling timbang ng kanilang binibili.

Sa kanilang pag-iikot, may ilang mga nagtitinda rito ang nahuli na gumagamit ng may maling sukat na timbangan na agad kinumpiska ng operating team at dadaan sa calibration.

Papatawan din ang mga nahuling market vendors ng multa dahil sa paggamit nito base sa Republic Act 7394 o ang Consumers Act of the Philippines.

Nanawagan naman ang DTI-Negosyo Center pati na ang lokal na pamahalaan ng Alamada sa mga mamimili na maging mapagmatyag sa mga mapanlinlang na mga market vendors at kung maaari ay sukating muli ang biniling produkto sa ibang timbangan.