Ibinuhos na ng gobyerno ang pondo nito para mabigyan ng ayuda ang mga Pilipinong naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ipinabatid ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Co-Chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) matapos i-report ni DSWD Secretary Rolando Bautista na pumapalo sa mahigit P106-billion ang naipamahaging tulong pinansyal sa mahigit 19-milyong beneficiaries sa ilalim ng SAP o social amelioration program.

Bukod dito inihayag pa ni Nograles na inaprubahan na ng Social Security System ang halos kalahating milyong application para sa calamity assistance na nagkakahalaga ng P7. 5-billion.

Nabigyan na rin aniya ng tulong ang nasa mahigit P74-million mula sa kabuuang P84- million ang halos 6,000 manggagawa na nawalan ng trabaho.

Ayon pa kay Nograles Ang Department of Labor and Employment (DOLE) naman ay nakapagbigay na ng tulong pinansyal sa halagang P6.4-billion sa mahigit 1-milyong displaced employees sa formal at informal sectors kabilang ang mga OFW’s.

Iniulat din ni nograles ang naipalabas na P6-billion na cash subsidy ng Department of Agriculture para sa mahigit isang milyong magsasaka at mangingisda na apektado ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin pa ni Nograles na hindi rin naman nagpahuli ang Department of Education para ayudahan ang mga naapektuhan sa sektor ng edukasyon.

Kabilang dito ang computer loan program ng GSIS para sa distance learning o online classes at cash loan program para matulungan ang mga miyembro nitong makapagbayad ng matrikula at iba pang gastusin sa paaralan ng kanilang mga anak.

Nakapagtala ng 14 na panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Mainland China.

Batay sa pinaka huling ulat ng Chinese Health Commission, naitala ang siyam sa mga panibagong kaso ng COVID-19 mula sa kanlurang bahagi ng Xin Jiang, habang ang limang iba pa ay itinuturing na imported cases.

Sa ngayon, nasa 83, 707 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa China, kung saan nasa 4,634 ang bilang ng mga nasawi.

Mahigit 300 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 310 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (July 22).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

Maliban dito, mayroon ding anim na imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 48,744 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Ibinuhos na ng gobyerno ang pondo nito para mabigyan ng ayuda ang mga Pilipinong naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ipinabatid ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Co-Chair ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) matapos i-report ni DSWD Secretary Rolando Bautista na pumapalo sa mahigit P106-billion ang naipamahaging tulong pinansyal sa mahigit 19-milyong beneficiaries sa ilalim ng SAP o social amelioration program.

Bukod dito inihayag pa ni Nograles na inaprubahan na ng Social Security System ang halos kalahating milyong application para sa calamity assistance na nagkakahalaga ng P7. 5-billion.

Nabigyan na rin aniya ng tulong ang nasa mahigit P74-million mula sa kabuuang P84- million ang halos 6,000 manggagawa na nawalan ng trabaho.

Ayon pa kay Nograles Ang Department of Labor and Employment (DOLE) naman ay nakapagbigay na ng tulong pinansyal sa halagang P6.4-billion sa mahigit 1-milyong displaced employees sa formal at informal sectors kabilang ang mga OFW’s.

Iniulat din ni nograles ang naipalabas na P6-billion na cash subsidy ng Department of Agriculture para sa mahigit isang milyong magsasaka at mangingisda na apektado ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin pa ni Nograles na hindi rin naman nagpahuli ang Department of Education para ayudahan ang mga naapektuhan sa sektor ng edukasyon.

Kabilang dito ang computer loan program ng GSIS para sa distance learning o online classes at cash loan program para matulungan ang mga miyembro nitong makapagbayad ng matrikula at iba pang gastusin sa paaralan ng kanilang mga anak.

May ipiprisintang roadmap recovery sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ilalatag ng Pangulo ang detalyadong recovery plan sa susunod na Lunes.

Magbibigay din aniya ang Pangulo ng buod sa epekto ng COVID-19 sa bansa.

Ipakikita rin ng Pangulo kung paano ang naging pagresponde ng pamahalaan sa naturang problema.

Binalaan ni DILG Secretary Eduardo Año ang sinumang indibidwal na mahuhuling walang suot na face mask sa labas ng kanilang tahanan at lalabag sa physical distancing, na maaari silang makulong ng mula 10 hanggang 30-araw.

Sa isang pre-SONA forum at press confe­rence, sinabi ni Año na nakipagpulong siya sa mga local chief executives (LCEs) iminungkahi na magkaroon ng iisang polisiya na magpapataw ng parehong parusa sa mga lalabag sa quarantine protocols.

Maaari namang uma­­bot ang multa mula P1,000  hanggang P5,000.

Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na arestuhin at ikulong ang mga taong hindi magsusuot ng face mask ngayong nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Nadagdagan pa nang mahigit 1,500 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 22), umabot na sa 72,269 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 46,803 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,594 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa anim ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,843 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 342 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 23,623 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dapat nang maglagay ng barrier sa motorsiklo sa pagitan ng driver at ng kanyang angkas

Dapat nang maglagay ng barrier sa motorsiklo sa pagitan ng driver at ng kanyang angkas dahil sa susunod na linggo ang mahigpit na itong ipatupad ng Kidapawan City PNP.

Ayon kay City PNP Chief Police Lt Col. Ramel Hojilla, Natanggap na nila ang direktiba mula sa higher headquarters.

Pero nilinaw ni Hojilla na hindi na kailangan pa ng barrier ang para sa mga mag-asawa o kapamilya na nagsasama sa loob ng isang bahay at kailangan lamang nilang magpresentan ng dokumento bilang patunay.

Matatandaan ini-utos ng Department of Interior and Local Government o DILG paglagay ng barrier sa motorsiklo bilang preventive measure pero binigyan lamang ng konsiderasyon ang mga nasa farflung areas na walang ibang masakyan.

Inaprubahan ng SOCCSKSARGEN Regional Inter-Agency Task Force ang pagsasailalim sa LOCKDOWN sa ilang mga lugar sa lugar sa Cotabato Province

Sa facebook ni Cotabato IATF incident commander BM Philbert Malaluan, Sa naganap na Virtual Meeting kahapon kabilang sa mga lugar na isailalim sa 14 days lockdown ang Purok 7A, Brgy. Malatab sa bayan ng ANTIPAS.

Sa bayan ng CARMEN ang ilang bahagi ng Purok 7 Brgy. Poblacion, Sitio Gaunan, Sitio Maguling, ilang parte ng Sayre Highway, Brgy. Manarapan;

Hindi naman napasama dito ang bayan ng Pigcawayan na unang naghayag ng pagbabalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula sa kasalukuyang Modified General Community Quarantine (MGCQ) ng buong bayan.

Ang rekomendasyon ng mga opisyal ng bayan ng Pigcawayan sa pangunguna ni Mayor Jean Roquero, pulisya, mga health workers at ibat-ibang sektor ng lokal na pamahalaan ay dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19).

Ang rekomendasyon ng LGU-Pigcawayan ay isinumite na sa Provincial Inter-Agency Task Force on Covid 19 at kay Cotabato Governor Nancy Catamco.

Kamakalawa naunang ipinatupad ang modified lockdown sa barangay Bulucaon dahil sa tatlong kaso ng Covid-19 positive.

Sinabi ni Barangay chairperson Mark John Montales na kailangan itong gawin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng LGU-Pigcawayan ang tugon ng Provincial IATF sa kanilang kahilingan.

Tutulong ang Government Service Insurance Service (GSIS) sa gadgets na kailangan para sa distance learning.

Ilulunsad ng GSIS sa susunod na linggo ang programang pautang para may maipambili ng laptop para sa mga estudyante at guro.

Ayon kay GSIS President Rolando Macasaet, P30,000 ang maaaring mautang ng miyembro para ipambili ng laptop at babayaran ito sa loob ng tatlong taon.