
Sa facebook ni Cotabato IATF incident commander BM Philbert Malaluan, Sa naganap na Virtual Meeting kahapon kabilang sa mga lugar na isailalim sa 14 days lockdown ang Purok 7A, Brgy. Malatab sa bayan ng ANTIPAS.
Sa bayan ng CARMEN ang ilang bahagi ng Purok 7 Brgy. Poblacion, Sitio Gaunan, Sitio Maguling, ilang parte ng Sayre Highway, Brgy. Manarapan;
Hindi naman napasama dito ang bayan ng Pigcawayan na unang naghayag ng pagbabalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula sa kasalukuyang Modified General Community Quarantine (MGCQ) ng buong bayan.
Ang rekomendasyon ng mga opisyal ng bayan ng Pigcawayan sa pangunguna ni Mayor Jean Roquero, pulisya, mga health workers at ibat-ibang sektor ng lokal na pamahalaan ay dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19).
Ang rekomendasyon ng LGU-Pigcawayan ay isinumite na sa Provincial Inter-Agency Task Force on Covid 19 at kay Cotabato Governor Nancy Catamco.
Kamakalawa naunang ipinatupad ang modified lockdown sa barangay Bulucaon dahil sa tatlong kaso ng Covid-19 positive.
Sinabi ni Barangay chairperson Mark John Montales na kailangan itong gawin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng LGU-Pigcawayan ang tugon ng Provincial IATF sa kanilang kahilingan.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)