Maaring gamiting gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang virgin coconut oil (VCO)

Positibo ang resulta ng paunang pag-aaral kung maaring gamiting gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang virgin coconut oil (VCO).

Ayon kay Dr. Jose Mondejar, medical director ng Equilibrium Integrative Health Clinic, sa 69 na pasyente ng COVID-19 sa Cebu na nabigyan ng VCO, 45 dito ang nagnegatibo na sa COVID-19 sa loob lang ng dalawang lingo, samantalang ang 24 ay hindi na nagkaroon ng matinding sintomas.

Sampung (10) tauhan naman ng Cebu Provincial Detention Center na may COVID-19 ang mabilis na nagnegatibo sa loob lang ng lima hanggang pitong araw matapos mabigyan ng VCO.

Sa ngayon anya ay hinihintay pa nila ang resulta ng pag-aaral na ginagawa naman ng Philippine General Hospital (PGH) at mga researchers sa Sta. Rosa, Laguna.

Iminungkahi ni Mondejar na palawakin pa ang pag-aaral dahil maliit na samples lamang ang nabigyan nila ng VCO sa Cebu City.

Nadagdagan pa nang mahigit 2,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (July 21), umabot na sa 70,764 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 45,646 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,951 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa dalawa ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,837 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 209 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 23,281 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Siksikan na ang mga pasyente ngayon sa Southern Philippines Medical Center (SPMC)

Siksikan na ang mga pasyente ngayon sa Davao City  Southern Philippines Medical Center (SPMC) matapos  umakyat sa “warning zone” dahil sa dami nang isinugod sa nasabing pagamutan.

Ayon kay SPMC officer-in-charge Ricardo Audan , ang kanilang spare rooms ay ginawa na nilang ward para sa mga pasyenteng na diagnosed namay coronavirus disease (Covid-19).

Anya, nakatulong sana ang paglipat sa city’s quarantine facilities at na discharged na mga pasyenteng gumaling sa virus subalit marami parin ang isinusugod sa hospital.

Ito ang Dahilan kung bakit hiniling nila kay Mayor Sara Duterte-Carpio na buksan ang second Covid-19 designated hospital sa lungsod ang Dumoy Satellite Facility ng Davao Doctors Hospital (DDH).

Samantala, nangangailangan naman ng dagdag na mahigit 30 doctors at 50 nurses ang spmc para matugunan ang patuloy na pagdami ng mga pasyente dinadala sa nasabing pagamutan.

Bakuna kontra polio sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao(BARMM)

Tiniyak ng Ministry of Health (MOH)  sa mga residente nito na walang bata sa kanilang rehiyon ang hindi mababakunahan kontra polio.

Ito’y sa gitna ng inilunsad na “Sabayang Patak Kontra Polio” ng Department of Health mula kahapon, ika-20 ng Hulyo hanggang sa ika-20 ng Agosto.

Layon nitong mabigyan ng bakuna kontra polio ang nasa mahigit 800,000 bata sa probinsya ng Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Ito’y para matiyak na maiiwasan ang pagkakaroon ng poliovirus outbreak sa rehiyon lalo’t mayroong kinakaharap ngayong pandemya bunsod naman ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinunog ng mga pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng New People’s Army ang isang heavy equipment sa Columbio, Sultan Kudarat

Ayon kay PNP-12 spokesperson PLt. Col. Lino Capellan, limang miyembro ng nagpakilalang NPA ang responsable sa pagsunog sa isang 10-wheeler truck ng Gemma Construction sa bahagi ng Brgy. Sinapulan, dahil hindi umano nagbayad ng revolutionary tax ang naturang kumpanya.

Sa ngayon ay inaalam pa ang kabuaang pinsala na idinulot ng panibagong insidente habang tinutugis ang mga may kagagawan.

matatandaan sinunog rin ng naturang grupo ang tatlong heavy equipment sa isang quarry site sa bayan ng Tboli, South Cotabato.

Naaresto ng mga awtoridad ang founder ng Kabus Padatuon (KAPA) na si Joel Apolinario at 23 private army nito

Naaresto ng mga awtoridad ang founder ng Kabus Padatuon (KAPA) na si Joel Apolinario at 23 private army nito sa isinagawang joint operation ng pulisya na nauwi sa engkuwentro na ikinasawi ng dalawang katao sa mansyon nito alas-7:30 kahapon ng umaga sa Lingig, Surigao del Sur.

Ayon kay  P/Major Rennel Serrano, isinilbi nila ang search warrant at warrant of arrest laban kay Apolinario, ngunit nauwi sa barilan nang kumasa ang kanyang mga private army.

ang search warrant laban kay Apolinario ay inilabas ni Judge Cayalina Shineta Tare-Palacio kaugnay sa sinasabing pag-iingat ni Apolinario ng maraming baril at syndicated estafa mula naman kay Judge Gil Bollozos ng Regional Trial Court Branch 21 sa Cagayan de Oro.

Dalawang tauhan nito na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ang napatay habang isa pa ang sugatan matapos ang umaatikabong sagupaan habang nadakip si Apolinario kasama ang kanyang 23 private army at nakumpiska ang matataas nilang armas kabilang ang tatlong 60 caliber machine gun, dalawang RPG rifle, isang caliber 50 sniper rifle, 30 unit ng M16 rifle, dalawang unit ng M4, Garand rifle, carbine, shotgun, limang caliber 45 pistol at mga live ammunitions ng iba’t iba pang kalibre ng baril.

Samantala, ngayong araw nakatakdang iharap sa korte sina Apolinario.

Daan-daang mga motorcyclist ang nakilahok sa isinagawang Ride for Peace – Fun Ride ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Daan-daang mga motorcyclist ang nakilahok sa isinagawang Ride for Peace – Fun Ride ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Abot sa 300 motorcycle enthusiasts mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang sumali kung saan nilibot nito ang ruta mula sa Midsayap – UK Peak, Aleosan – Pikit – Kabacan at Carmen Cotabato.

Ayon kay 34th IB Commander Lt. Col. Glenn Caballero, layon ng naturang aktibidad na maisulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipag-unayan sa iba’t ibang organisasyon.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Caballero sa dami ng mga nakilahok sa kabila ng banta ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Siniguro naman ni Caballero na nasunod ang mga panuntunang pangkalusugan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa pagsasagawa ng fun ride.

samantala, Matagumpay na isinagawa ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO) sa pangunguna ni Provincial Director P/Col. Henry Villar sa Midsayap, Cotabato ang Bike for a Cause kontra Covid 19.

Nasa 200 bikers sa unang distrito ng Cotabato ang nakilahok sa aktibidad na nagsimula sa Municipal Plaza, Midsayap papuntang UK Peak, Aleosan Cotabato.

Layon ng Bike for a Cause na mas paigtingin pa ang ugnayan ng mamamayan at pulisya sa paglaban sa banta ng sakit na coronavirus o COVID-19.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng 25th Police Community Relations (PCR) Month Celebration.

Tema ng selebrasyon na ito ngayong taon ay “Pinaigting ng Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban sa COVID-19 Pandemiya”.

Motibo ng pananambang at pagkakapatay sa apat katao sa bayan ng Pigcayawan Cotabato rido umano.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa motibo ng pananambang at pagkakapatay sa apat katao sa brgy. Tubon, Pigcawayan Cotabato noong araw ng biyernes.

Ang mga biktima na sina Sahabudia Kato Latip, 42; Nor Ibrahim Baraguir; Muhalidin Esmail Amolab, 28, mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao; at si Salahudin Usman,taga-Brgy. Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato ay dead on the spot.

Matatandaan na lulan ang mga biktima sa isang kulay pula na Toyota Innova na may plakang MAF-2108 patungong Cotabato City.

Ngunit pagsapit nila sa Barangay Tubon ay dinikitan sila ng isang SUV at pinaputukan gamit ang M16 Armalite rifle.

Narekober sa crime scene ang isang .45-caliber na pistola, mga bala, dalawang magazine at 38 empty shells ng M16 armalite rifles na ginamit ng mga suspek.

Kasalukuyang bina-validate ng investigating team ng Pigcawayan PNP ang mga nakuhang impormayong para matukoy kung sino ang mga salarin.

Kumakalat na balitang patay na ang 3 years old na covid 19 patient na taga midsayap Cotabato, Fake news umano ayon sa Cotabato AITF.

Fake news ang mga kumalakat na balita na namatay na ang 3-year old na batang lalaki na taga Midsayap na mayroong co-morbidity: congenital heart defect na nagpositibo sa covid 19.

Sa Face book post ni Cotabato Inter-Agency Task Force on Covid 19 spokesperson BM Philbert Malaluan sinabi nito na bumubuti umano ang sitwasyon ng bata habang ginagamot sa isang isolation room sa Southern Phil. Medical Center sa Davao City.

Matatandaan dahil sa complication isinugod ito sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City at sampong araw naadmit doon.

Bumuti ang kanyang kalagayan kaya noong July 3, 2020 ay nakalabas nang ospital at umuwi sa kanilang bahay sa Poblacion 3 ng bayan ng Midsayap.

Subalit makalipas ang tatlong araw ay nakaranas ng lagnat noong July 6, 2020 dahilan upang isinugod sa Southern Philippines Medical Center at kinunan ng swabbed noong July 7, 2020.

Asymptomatic ang pasyente at nasa stable condition na habang nasa isolation room ng Southern Philippines Medical Center- Davao City.

Nakuhanan naman ng swab test ang kanyang 92-year old na lolo habang naka isolate matapos nagkaroon ng close contact sa bata, subalit hindi pa lumalabas ang rt-pcr test..

Naki-usap naman si Malaluan sa lahat ng mga mamamayan na tumulong upang labanan ang mga nagpapakalat ng mga maling balita o fake news.

May dagdag pang labingdalawang locally stranded Individual o LSI ang nakauwi kahapon sa probinsya matapos sunduin ng TF stranded North Cotabateños sa paliparan ng Davao City.

Ang pagdating ng mga ito ay sa gitna nang patuloy na pagtaas ng kaso ng covid 19 sa soccsargen region na karamihan ay mga LSI mula sa mga lugar na mataas ang kaso ng covid 19.

Dagdag ito sa mahigit 9,000 LSI na natulungan ng Task Force.

Samantala, Naghayag naman ng pasalamat ang LSI kay Cotabato Governor Nancy Catamco sa tulong na ibinigay sa kanila upang muli nilang makapiling ang kanilang mga pamilya matapos ang 14 days quarantine.

Isa nanamang confirmed case ng covid 19 ang naitala sa lalawigan kahapon batay sa datos inilabas ng center for Health and Development ng Department of Health soccsargen region.

Isa nanamang confirmed case ng covid 19 ang naitala sa lalawigan kahapon batay sa datos inilabas ng center for Health and Development ng Department of Health soccsargen region.

Ang nasabing pasyente ay si 74th na isang 30 anyos na babae na isang returning Overseas Filipino Worker o OFW na nagtrabaho sa Riyahd, Saudi Arabia at nakauwi sa bayan ng Malungon noong June 19, 2020.

ayon kay Malungon Mayor, Atty. TESS CONSTANTINO Walamng dapat na ikatakot ang mga mamamayan sa kauna-unahang kaso ng covid 19 naitala sa kanilang bayan dahil nasa stable condition na ang biktima habang naka isolate sa Isolation Facility ng bayan.

Sa kabuuan aabot na sa 74 ang naitalang kumpirmadong covid 19 sa buong soccsargen region.

Samantala, isa pang covid 19 suspek ang namatay dahilan pumalo na sa 58 ang bilang nang mga nasawi.