Daan-daang mga motorcyclist ang nakilahok sa isinagawang Ride for Peace – Fun Ride ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.
Abot sa 300 motorcycle enthusiasts mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang sumali kung saan nilibot nito ang ruta mula sa Midsayap – UK Peak, Aleosan – Pikit – Kabacan at Carmen Cotabato.
Ayon kay 34th IB Commander Lt. Col. Glenn Caballero, layon ng naturang aktibidad na maisulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipag-unayan sa iba’t ibang organisasyon.
Nagpahayag naman ng kagalakan si Caballero sa dami ng mga nakilahok sa kabila ng banta ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Siniguro naman ni Caballero na nasunod ang mga panuntunang pangkalusugan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa pagsasagawa ng fun ride.
samantala, Matagumpay na isinagawa ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO) sa pangunguna ni Provincial Director P/Col. Henry Villar sa Midsayap, Cotabato ang Bike for a Cause kontra Covid 19.
Nasa 200 bikers sa unang distrito ng Cotabato ang nakilahok sa aktibidad na nagsimula sa Municipal Plaza, Midsayap papuntang UK Peak, Aleosan Cotabato.
Layon ng Bike for a Cause na mas paigtingin pa ang ugnayan ng mamamayan at pulisya sa paglaban sa banta ng sakit na coronavirus o COVID-19.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng 25th Police Community Relations (PCR) Month Celebration.
Tema ng selebrasyon na ito ngayong taon ay “Pinaigting ng Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban sa COVID-19 Pandemiya”.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)