Land transportation office 12 maglalabas na ng mga bagong plaka ng mga four wheeled vehicle

Itinakda na ng Land Transportation Office (LTO)-12 ang inisyal na releasing ng plaka ng mga may-ari ng four-wheeled motor vehicle na nagparehistro noong Hulyo 1-31, 2016.

Batay sa plano sisimukan ang pagrelease ng mga plako saHulyo 5-13, 2018 para sa mga nagparehistro ng kanilang sasakyan noong Hulyo 1-10, 2016.

Sa Hulyo 16-20, 2018 naman ang para sa mga nagparehistro noong Hulyo 11-20, 2016 at Hulyo 23-31 maaring ma-claim ang mga nagparehistro noong Hulyo 21-31.

Pinayuhan naman ang mga kukuha ng bagong plaka na pumunta lamang sa bagong registration unit ng LTO-12 sa Home Trio Dormitel Building, Bonifacio Street, Koronadal City.

Dapat dalhin din ang mga dokumento gaya ng original official receipt (OR), original certificate of registration (CR), valid ID, at para sa mga authorized representative, magdala lamang ng special power of attorney.

Mga sangguniang kabataan official ng apat napong barangay sa Kidapawan City

Inudyukan ni Kidapawan CITY Mayor Joseph Evagelista ang mga bagong halal na mga Sangguniang Kabataan officials na pangunahan ang pagtulong sa National Blood Donors Month programs sa 40 barangays ng lungsod.

Ibig ng alkalde na ang mga kabataan mismo ang manguna na magboluntaryo  sa blood donation activities sa kanilang mga lugar.

Layon nitong makatulong na maisalba ang buhay ng mga pasyenteng nangangailangan masalinan ng dugo at may magagamit na mga dugo sa panahon ng emergencies at mapalakas ang ugnayan at pagtulung-tuong ng bawat mamamayan ng komunidad.

Hindi lamang makakatulong sa na madugtungan ang buhay ng mga pasyente bagkus ang pagbibigay ng dugo ay nakakatulong din maging maging malusog ang isang donor.

Samantala nakatakda namang magsasagawa ng voluntary mass blood donation activity ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa bagong ayos na gusali ng DepEd Convention Hall sa darating na July 11, 2018 na magsisimua bandang alas nueve ng umaga.

Dalawang kaso ng pamamaril sa Carmen Cotabato tinutukan ng pulisya.

Iniimbestigahang maigi ng Carmen Cotabato PNP ang dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril kamakalawa ng kahapon.

Unang napatay si Esmael Sabang Mohamad ,26-anyos binata na taga Tungol Datu Montawal Maguindanao habang itoy nasa Sayre National High Way sa Poblacion Carmen.

Nabatid sa initial na imbestigasyon ng Carmen PNP ipaparada sana ng biktima ang kanyang honda XRM Motorcycle sa harap ng  isang Inn ng itoy paputukan ng maraming beses.

Kahapon isa nanamang kaso ng pamamaril ang naganap.

Lima na ang nasawi at walo ang nasugatan sa panibagong labanan ng tropa ng militar at mga kasapi ng bangsamoro islamic freedom fighters o BIFF sa lalawigan ng Maguindanao.

Datu Paglas, Maguindanao – Lima ang nasawi at walo naman ang nasugatan matapos ang dalawang magkakahiwalay na bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng pamahalaan at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa munisipyo ng Datu Paglas at Shariff Saydona Mustapha kahapon at kamakalawa.

Ayon sa pamunuan ng 6th ID Phil. Army kabilang sa mga napatay ang isang sundalo at limang kasapi ng BIFF, anim na mga sundalo naman ang nasugatan at dalawa sa BIFF.

Gumamit ng Air at Ground Assault ang tropa ng pamahalaan para maitaboy ang sumalakay na mga rebelde.

Unang tinangkang pasukin ng mga ito ang bayan ng Datu Paglas na tumagal ng mahigit siyam na oras ang bakbakan ng lusubin ni grupo ni Sulaiman Tudon at inukupa ang bahay ng mga sibilyan sa Sitio Mopac, Brgy. Poblacion.

Dalawang miyembro ng 33rd IB na sina Cpl. Millard Bacatan at Private Allan Cabildo at ang CAFGU na si Musa Kalim an g nasugatan.

Sugatan din sa engkuwentro ang dalawang miyembro ng BIFF na sina alyas Awil at Gadoh, pawang tauhan umano ni Sulaiman Tudon.

Ang labanan ay nagdukot rin ng pagkikas nang mahigit limang daang mga residente ng bayan ng Datu Paglas.

Samantalang sa ikalawang enkwentro tropa naman ng 57th IB ang nakasagupa ng BIFF sa Barangay Pamalian, Shariff Saydona Mustapha bandang 3:30 ng umaga kahapon kung saan isang sundalo ang napatay at isa ang nasugatan.

Ayon sa kagawaran maaring tumaas muli ang halaga ng mga pagkain.

NAGPAUNA na ang Department of Finance sa posibleng pagtaas sa 4.9 percent ng inflation rate ng bansa noong nakaraang buwan.

Ayon sa kagawaran maaring tumaas muli ang halaga ng mga pagkain lalo na ang mga gulay dahil sa mga pag-ulan noong nakaraang buwan.

Katuwiran ng DOF tumataas talaga ang halaga ng mga gulay sa tuwing papapasok ang panahon ng tag-ulan sa bansa.

Samantala, ang presyo naman ng mga isda at bigas ay nanatiling stable nitong nakalipas na buwan.

Tumaas naman ang presyo ng mga sigarilyo at nakakalasing na inumin kumpara sa presyo ng mga ito sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Noong June 2017 ang Inflation rate sa bansa ay 2.5 percent lang at noong nakaraang Mayo ay naitala ito sa 4.6 percent.

Ilalabas ang kabuuang detalye hinggil sa presyo ng lahat ng bilihin ngayon linggo.

Sinita ng Commission on Audit ang Bureau of Jail and Management

Sinita ng Commission on Audit ang Bureau of Jail and Management dahil sa lumalalang kondisyon sa loob ng mga kulungan sa buong bansa.

Batay sa 2017 COA report, lumobo sa 612 percent ang occupancy rate sa mga kulungan sa Pilipinas.

Kung saan sumampa sa halos 150,000 ang populasyon ng mga preso na sobrang mataas sa mahigit 20,500 presong kapasidad lamang ng mga kulungan sa buong bansa.

Nakasaad din sa report na naitala ang pagtaas sa populasyon ng mga kulungan dahil sa pagdami ng drug relates cases at mabagal na pag-aksyon ng mga korte sa mga nakabinbing mga kaso.

Iginiit pa ng COA, maituturing nang paglabag sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners at  BJMP manual on habitat, water, sanitation and kitchen in jails ang naitalang matinding pagsisiksikan sa mga kulungan.

Dagdag pa ng COA, naitala rin sa loob ng tatlong taon ang tumaas na bilang ng mga inmates na nagkakasakit kung saan pumalo sa mahigit 57,000 kaso noong 2017.

Samantala naitala naman sa CALABARZON, Central Luzon at Region 9 o Zamboanga Peninsula ang mga pinaka-overcrowded o punong puno nang kulungan.

Malaysia – Inaresto ng mga anti-corruption authorities si dating prime minister Najib Razak.

Malaysia – Inaresto ng mga anti-corruption authorities  si dating prime minister Najib Razak.

Ito ay dahil sa alegasyon ng kurapsyon sa pagbulsa ng $700 million na pondo ng gobyerno.

Sinimulan itong imbestigahan matapos na matalo sa halalan na ginanap noong Mayo.

Nakatakda itong sampahan ng kaso sa Kuala Lumpur High Court.

Jakarta, Indonesia – 140 pasahero mula sa lumubog na ferry

JAKARTA, Indonesia – Nagkukumahog ang mga otoridad para mailigtas ang nasa 140 pasahero mula sa lumubog na ferry sa bahagi ng Sulawesi island.

Sa ngayon ay apat na katao na ang kumpirmadong patay sa insidente.

Batay pa sa impormasyon, mayroong mga sasakyan sa loob ng naturang ferry nang ito ay pasukin ng tubig at tuluyang lumubog.

Sinasabing malapit na sa shoreline o pampang ang barko nang ito ay lumubog.

(BIFF-ISIS Inspired Group) ang itinurong nagtanim ng dalawang Improvised Explosive Device (IED)

Timbangan Shariff Aguak Maguindanao.- Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS Inspired Group)ang itinurong nagtanim ng dalawang Improvised Explosive Device (IED) na sumabog malapit sa isang detachment ng 57th Infantry Battalion Philippine Army kamakalawa.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Spokesman,Captain Arvin Encinas, Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Ang IED na gawa sa dalawang bala ng 60 mm mortar na nilagyan pa ng pako,9 volts battery,blasting cap at cellphone bilang triggering mechanism ay sumabog sa gilid ng kalsada.

Posibling target ng bomba ang convoy ng mga sundalo,pulis at mga lokal opisyal.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng militar sa mga kasapi ng BIFF sa lalawigan.

Davao City – Napatay kahapon ng mga pulis ang isang notadong drug pusher

Davao City- Napatay kahapon ng mga pulis ang isang notadong drug pusher matapos manlaban umano sa isinagawang drug bust alas 12:35 ng hating gabi kahapon Zuno Street, Barangay Ubalde, R. Castillo Street.

Kinilala ang napatay nasi Melvin Olea Iyo, 18, traysikad drayber at residente ng nasabing barangay.

Bigla umanong nanlaban si Iyo nang ito’y huhulihin ng mga pulis matapos nabilhan ng ilang gramo ng ipinagbabawal na gamot.

Nakuha sa kanyang posisyon ang ilang gramo ng marijuana at ang .38 caliber revolver.

Samantala nadakip nama ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – XI at Talomo Police Station ang isang kawani ng city hall na si Jayson Jocoy Bendoy, 35 isang Civil Security Unit at kasintahan nitong si Razil Gabia Manlapaz, 29.

Mahigit kumulang P30,000. halaga ng shabu ang nakuha mula sa kanila sa isinagawang operasyon sa isang hotel sa Cabaguio Area.

Sa isa pang operasyon nadakip din sa bahagi ng Queens Avenue, Royal Valley, Bangkal, ang isa pang suspected drug pusher na si Russel Sangalang Arias, 42 anyos, malaking halag ng shabu ang narecover sa suspek.

Ngayong araw nakatakdang isampa ang kasong palabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa laban sa kanila.