Gumagalang aswang na nambibiktima ng mga alagang hayop sa isang bayan sa lalawigan ng Maguindanao ikinatakot ng mga residente.

Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao – Binalot ng matinding Takot ang mga residente sa isang barangay dahil sa umanoy pang-aatake ng pinaniniwalaang aswang.

Ayon sa mga residente sa pagkagat ng dilim, napapansin nila ang hindi maipaliwanag na uri ng nilalang.

Ilang mga residente ang nagkwento ng karanasan na sa tuwing  naririnig nila ang ingay sa bubongan ng kanilang bahay ay sinasabayan ito ng malakas na hangin.

Dahil sa takot, Naglalagay at nagsasabit sa kanilang mga tahanan ang mga residente ng mga matutulis na kawayan at bawang na pinaniniwalaang pangontra sa aswang.

Mas lalong natakot ang mga residente dahil ilang alagang hayop na ang inatake.

Kabilang dito ang isang kambing na natagpuan ng mga residente na wakwak ang tiyan wala na ang mga laman loob nito at sinipsip ang dugo.

Opersyon askal o asong gala ng Kidapawan City Veterinary office pinalalakas.

Pinalalakas  ngayon ng city Veterinarian Office ang  ‘Operation Askal’ o panghuhuli sa mga asong gala.

Ayon kay city Veterinarian Dr. Eugene Gornez, bahagi ito ng kanilang mandato na ipatupad ang Anti-Rabies Act of 2007 batay sa Republic Act 9482.

Ang operasyon ay isinagawa kasunod ng mga anti-rabies vaccine na ibinigay mga alagang hayop ng mga residente partikular sa barangay poblacion.

Tumanggap rin ng mga reklamo mula sa mga residente ang pagdami ng mga asong gala sa ibat-ibang mga lugar ng lungsod na posibleng makakagat.

Rido o away pamilya sa bayan ng Pikit Cotabato malapit na umanong matuldukan ayon sa lokal na pamahalaan.

Buo ang tiwala ni Pikit Municipal Mayor Sumulong Sultan na makakatulong ng malaki upang maging mapayapaan na ang kanilang bayan sa pagsuko ng 133 loose o mga unlicensed firearms mula iba’t-ibang indibidwal at grupo sa kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Sultan, tugon ito ng LGU PIkit sa kampanya ng ng national government na suportahan ang Balik-Baril Program at palaganapin ang kapayapaaan.

Isa sa suliranin ng bayan ang mga nagaganap na rido o ayaw pamilya ng ilang mga residente na kasalukuyan na nilang tinutugunan.

Ang bayan ng Pikit ay isa sa mga bayan sa lalawigan ng Cotabato ang may mataas na kaso ng krimen.

Malakas na pagyanig naramdaman kahapon sa ibat-ibang panig ng Mindanao. Mga residente natakot

Glan, Sarangani – Niyanig  ng 5.8 magnitude na lindol ang lalawigan ng Saranggani pasado alas saes kagabi na nagdulot  ng matinding takot sa mga residente.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Ito ang pangalawang malakas na lindol na tumama sa bansa kahapon.

Naitala ng Philvocs ang sentro ng lindol sa apat na kilometro silangan ng bayan ng Glan ganap na alas-sais ng gabi.

May lalim na 95 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity IV sa lungsod ng Mati, Davao Oriental at Davao City, habang nakapagtala naman ng instrumental intensity V sa General Santos City at sa bayan ng Alabel sa Sarangani.

Nabulabog ang mga residente ng General Santos City sa nangayaring pagyanig Ramdam na ramdam umano ng mga tao ang malakas na pag-uga ng lupa, na nagresulta pa ng biglang pagpatay-sindi ng mga ilaw sa ilang mga kabahayan at establisyimento.

Habang ang mga nasa malapit sa dagat, ay napatanaw na lang sa dagat kasabay ng pagyanig.

Nagsilabasan naman ang mga tao sa mga malls, pati na ang mga estudyante sa mga kolehiyo sa lungsod.

Ilang mga residente din ang nakaramdam ng bahagyang pagkahilo dahil sa lindol na tumagal ng halos kalahating minuto.

Nataranta rin ang ilang mga pasyente sa mga pagamutan, lalo na ang mga nasa mataas na palapag ng gusali.

Alas 12:25 ng tanghal ay niyanig naman ng magnitude 5.2 na lindol ang Nasugbu, Batangas na nasundan ng dalawang aftershocks.

Wala namang naiulat na nasaktan sa dalawang lindol.

Balitang Panlalawigan

Davao City – Isa ang patay at naligtas naman sa kamatayan ang isang mambabatas ng lalawigan ng Maguindanao matapos tambangan kahapon sa Chico Street, Phase 4,Cuidad Esperanza,Cabantian, Buhangin District, pasado alas 2:00 ng kahapon kahapon.

Kinilala ng Buhangin Police Station ang namatay na si Berry Adas.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya habang binabaybay ng sasakayan ni Maguindanao 2nd District Regional Assemblyman Sidik Amiril ang daan dinikitan ito ng isa pang SUV at motor at pinaulanan ng bala.

Nakaligtas si Assemblyman Amiril at mga kasamahan nito na sina Kaharudin Manda, Jastipy Mamadras, at ang driver nasi Moktar Adam.

 

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen para matukoy ang suspek na ngayon ay patuloy pang tinutugis ng mga otoridad.

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

Datu Odin Sinsuat, Maguindanao – isang senior citizen ang nasawi samantalang tatlo katao naman ang nasugatan matapos nasunog ang isang residential house sa Brgy. Taviran kamakalawa alas saes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Hadji Datu Mosiba Pinguiaman habang sugatan ang anak nitong si Bai Marina Pinguiaman, Principal ng Broce Elemnetary School at dalawang iba pa na mabilis itinakbo sa ospital.

Nabatid sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection habang namamantsa ang isa sa kamaganak ni Panguiaman ng magliyab ang apoy.

Bukod sa bahay, natupok rin ang tatlong motorsiklo at naisalba naman ang SUV ng mga biktima.

electrical short circuit naman ang isa sa tinitingnan sanhi ng mga bombero habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

GENERAL SANTOS CITY – Natakasan ng tatlong bigtime drug lord na nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte nang lusubin ang kanilang kuta ng mga otoridad.

Ayon kay Region 12 police director Police Chief Supt. Marcelo Morales, ang mga suspek na sina Jo Angelo Senobago, Randy Brillantes at Mario Abalos, pawang mga “high-value target” drug personalities ay hindi inabutan ng mga raiding team.

Narekober ng pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit-12 sa bahay ng mga suspek sa Barangay Apopong at Dadiangas North ang ilang gramo ng shabu.

Inudyukan ng opisyal ang mga suspek na sumuko na lamang sa halip na magtago sa mga otoridad dahil tiyak may kalalagyan sila.

 
-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-


Malitbog, Bukidnon – Isang magsasaka ang pinatay sa loob mismo ng kanyang bahay sa Sitio Alangilan, Silo-o.

Ang biktima na si Antonio Agol alyas “Tony”, 40 anyos ay agad nasawi matapos tamaan ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya bandang alas 8:30 kamakalawa ng gabi habang nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang bahay ng pasukin ng hindi kilalang suspek at binaril ng hindi pa tukoy na uri ng baril.

personal na galit naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad gayunman nagpapatuloy parin ang information gathering para madakip ang salarin.

Local News – Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office

TARGET ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office CDRRMO na bumuo ng Emergency Response Teams sa pitumpo at pitong public elementary at secondary schools sa lungsod.

Layun nito na maturuan ang mga bata na agad makatugon sa panahon ng sakuna at kalamidad na pwedeng mangyari sa mga paaralan.

Bahagi ng Public Safety programs ni City Mayor Joseph Evangelista ang nasabing hakbang ng CDRRMO na planong ipatutupad ngayong buwan ng Hulyo at Agosto.

Sasanayin ng CDRRMO at Philippine Red Cross ang mga bata sa basic emergency response lalo na ang pagbibigay ng first aid sa kanilang mga kaklase na maaring masaktan sa panahon ng aksidente at kalamidad.

Una ng nagtalaga ng DRRM focal persons kada eskwelahan ang DepEd na magiging kaagapay ng City Government sa programa.

Apatnapung mga bata kada eskwelahan ang planong sasanayin para sa pagbuo ng mga Emergency Response Teams.

Nanawagan naman ang City LGU sa lahat ng ibayong pag-iingat ngayong ginugunita sa buong bansa ang Disaster Awareness Month.

Mahalaga ang kaalaman at vigilance ng bawat isa upang makaiwas na masaktan sa panahon ng aksidente at kalamidad.

Nakatuon ang paggunita ng disaster awareness month sa pagbibigay kaalaman sa lahat bago, habang nagaganap at pagkatapos ng aksidente at kalamidad.

Tema ng 2018 Disaster Awareness Month ay “KATATAGAN SA KALAMIDAD ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman at Kahandaan.

National News

Tila nananaginip lamang si Communist Party of Philippines Founder Jose Maria Sison.

Ito ang reaksyon ng Malakanyang sa pahayag ni Sison na hindi matatapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino at mapapatalsik ito sa pwesto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa sobrang tagal na ni Sison na namumuhay sa ibang bansa, hindi na nito alam ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa.

Dagdag pa ni Roque, mananatili na lamang panaginip ang banta ni Sison na mapatalsik ang gobyerno ng Pilipinas na tumagal na aniya ng halos 60 taon pero hindi pa rin nagtatagumpay.

Isinisi rin ni Roque kay Sison ang pagkakaudlot ng usapang pangkapayaan dahil sa pag-ayaw nito.

 

Kasabay nito, hinamon ni Roque si Sison na umuwi ng bansa at tumulong sa pamahalaan na bumuo ng isang komportableng bayan para sa lahat.

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

Bagsak na grado ang ibinigyan ng isang human rights group sa ikalawang taon na termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, hindi natupad ni Pangulong Duterte ang pangako nitong pagbabago noong panahon ng kampanya at sa halip ay napalitan ng pangit na mukha.

Dagdag pa ni Palabay, nagmistulang isang delubyo ang nangyari sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng dalawang taong pamumuno ng pangulo kung saang partikular na tinamaan ang mahihirap na pilipino.

Samantala, zero o bokya din ang binigay na marka ng mamamahayag at founder ng Babae Ako Movement na si Inday Varona kay Pangulong Duterte sa usapin ng karapatang pantao sa loob ng dalawang taon nito sa tungkulin.

 

Sinabi ni Varona, walang ibang dapat pagbatayan sa pagbibigay ng grado kay Pangulong Duterte kundi ang usapin ng karapatang pantao na nakasaad sa saligang batas.

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

Nanindigan ang DILG o Department of Interior and Local Government na ligal ang pag-aarmas sa mga opisyal ng barangay.

Ito’y sa kabila ng mga inaaning kritisismo at batikos mula sa oposisyon sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, malinaw ang itinatadhana ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991 na mayroong karapatan ang mga pinuno ng barangay na magdala ng armas.

Ito’y sa kundisyong gagamitin ang mga naturang armas sa paglaban sa kriminalidad na isa sa mga isinusulong na kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin sa panahon ng kanyang panunungkulan.

-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-

Bumaba ngayon ang incident rate ng walong  focus crimes na tinututukan ng Philippne National Police kumpara noong nakaraang taon.

Base sa datos na inilabas ng PNP, ang incident rate ng mga kasong murder ay bumaba sa 54%, na  mula sa 832 noong Enero  hanggang Hunyo ng 2017 ay naging 381 na ito ng katulad na panahon ngayong taon.

Ang kaso ng homicide ay nabawasan nang 45% mula 242 hanggang 134 , gayundin ang kaso ng physical injury ng 28% at rape ng 11 %.

Sa kabuuan, ang crime against person ay bumaba ng 32% sa loob ng anim ng buwan, mula 3,755 na kaso ng Enero hanggang Hunyo  2017  kung saan bumaba ito sa 2,535 nitong Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

 

Ang kaso ng  robbery ay bumaba ng 16% , mula sa 1,512 hanggang 1,266. Ang theft ay bumaba rin ng 23 gayundin din ang pagnanakaw ng motorsiklo ng 11%.

 

Local News – Operasyon upang mapuksa ang mga lamok

Ikinasa ng pamahalaang lungsod ng Kidapawan simula ngayong buwan ng Hulyo ang malawakang fogging operations .

Gagawin ang operasyon upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue virus sa mga eskwelahan at komunidad, ayon pa sa pamunuan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO na siya ring magsasagawa ng fogging operations.

Unang gagawin ang operation sa mismong City Hall Complex sa buong araw ng Sabado July 7, 2018.

Mismong mga tanggapan ng City Hall ang bubugahan ng kemikal upang mapuksa ang mga lamok kasama na ang mga itlog nito.

Sa mga pampublikong eskwelahan naman, payo ng CDRRMO sa pamunuan nito na magsumite lamang ng requests sa kanilang opisina para sa pagsasagawa ng fogging.

Hindi natuloy ang planong pagsasagawa sana ng malawakang fogging sa mga public schools noong kasagsagan ng Brigada Eswelaha dahil na rin sa mga pag-ulan, paglilinaw pa ng CDRRMO.

Planong isasagawa ang fogging sa panahon na tapos na o walang klase ng hindi malanghap at makasama ang mga kemikal sa mga estudyante at guro.

Patuloy naman ang panawagan ng City Government sa lahat na ugaliing maglinis ng madalas sa mga tahanan, eskwelahan at komunidad ng maiwasan ang paglanagap ng dengue. 

Economic News – Piso kontra dolyar

Pinaghahanda na ni Kabayan Rep. Ciriaco Calalang ang gobyerno dahil sa patuloy na pagbaba ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Calalang , base sa pagtaya ng mga economic analysts, maaaring umabot pa sa P53 hanggang P54 ang palitan ng piso sa kada dolyar.

Anya magkakaroon ito ng apektado sa pagbagsak ng halaga ng piso sa singil sa krudo, pagkain, kuryente, tubig, mobile phone charges at internet services.

Ayon kay Calalang, para maiwasan ang mabigat na epekto ng pagbagsak ng piso ay maaaring magbigay ang pamahalaan ng shock absorber tulad ng tax amnesty para sa macroeconomic at sa consumer levels.

Economic News – Produktong Petrolyo

Bumawi ang mga kompanya ng langis sa ipinatupad nilang rollback noong nakaraanglinggomataposnagpatupadngdagdag presyo sa mga produktong petrolyo epektibo ngayong araw.

Pinangunahan ng Flying V at Pilipinas Shell ang pagpapatupad ng pagtaas na P0.65 kada litro ng gasolina, P0.55 sa diesel at P0.70 kada litro ng kerosene na epektibo alas-sais nang umaga.

Inaasahan naman na susunod na rin maglalabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis sa bansa tulad ng Seaoil, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Flying V, Phoenix Petroleum Philippines atTotalsapagpapatupadngdagdagpresyosa kanilang mga produktong petrolyo sa katulad na halaga.