Local News – Operasyon upang mapuksa ang mga lamok

Ikinasa ng pamahalaang lungsod ng Kidapawan simula ngayong buwan ng Hulyo ang malawakang fogging operations .

Gagawin ang operasyon upang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue virus sa mga eskwelahan at komunidad, ayon pa sa pamunuan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO na siya ring magsasagawa ng fogging operations.

Unang gagawin ang operation sa mismong City Hall Complex sa buong araw ng Sabado July 7, 2018.

Mismong mga tanggapan ng City Hall ang bubugahan ng kemikal upang mapuksa ang mga lamok kasama na ang mga itlog nito.

Sa mga pampublikong eskwelahan naman, payo ng CDRRMO sa pamunuan nito na magsumite lamang ng requests sa kanilang opisina para sa pagsasagawa ng fogging.

Hindi natuloy ang planong pagsasagawa sana ng malawakang fogging sa mga public schools noong kasagsagan ng Brigada Eswelaha dahil na rin sa mga pag-ulan, paglilinaw pa ng CDRRMO.

Planong isasagawa ang fogging sa panahon na tapos na o walang klase ng hindi malanghap at makasama ang mga kemikal sa mga estudyante at guro.

Patuloy naman ang panawagan ng City Government sa lahat na ugaliing maglinis ng madalas sa mga tahanan, eskwelahan at komunidad ng maiwasan ang paglanagap ng dengue. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *