Local News – Purok 1 Singkatulan Makilala, North Cotabato

Palaisipan sa mga otoridad kung papaano napatay  ng isang Indian National ang kapwa nito habang magkaangkas sa motorsiklo sa Prk 1 Singkatulan Makilala alas 11;45 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Matalam Chief of Police PCI John Rick Medel ang biktima nasi Dhaliwal Jaswinder , 28yo, binata negosyante at nakatira sa baragay Sudapin Kidapawan City.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya magkaangkas ng motorsiklo ang dalawa at habang binabaybay ang daan ng biglang pumutok ang baril na dala ng kanyang kasamang si Harpreet Singh isang Indian National.

SA leeg tinamaan ang biktima na mabilis namang itinakbo sa ospital subalit ideneklara itong dead on arrival ng attending physician.

Nasakustudiya na ng Makilala PNP si Singh habang nagpapatuloy ang  imbestigasyon.

Local News – Motorista sa lalawigan ng Cotabato

Patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa mga motorista sa lalawigan ng Cotabato na maghinay-hinay sa pagmamaneho para iwas disgrasya.

Kahapon dalawa katao ang nasawi samantalang 10 katao naman ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa daan.

dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Kidapawan-Ilomavis Tourist Rd, Brgy. Sudapin.

Sa lakas ng impact dead-on-the-spot dalaga na rider nasi si Chin Lee Galvez Treyes, 18, ng Samonte Subd. at idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang nakasalpukan nito na si Mosatar dela Cerna, 29, taga Kibia, Matalam Cotabato.

Walo katao naman ang sugatan kabilang ang dalawang drayber nang magsalpukan ang dalawan van sa bahagi ng Brgy. Binoligan, Kidapawan highway noong Sabado ng gabi.

Patungong Cotabato ang isang Van namay anim na  mga pasahero na minamaneho ni Alan Rex Serapion, 36, habang ang kasalubong nitong van na patungo naman ng Davao area na minamaneho ni Bhong Tembal Takbir, 46.

Samantala sa Makilala, Cotabato, sugatan din ang dalawa katao nang magsalpukan ang dalawa pang motorsiklo.

Kinilala ang mga biktima na sina Antonio Feria Gajeton, 51, at Arnel Badana Pecaña, 40-anyos.

Local News – Pikit, North Cotabato

Aabot sa mahigit isang daang ibat-ibang uri ng malalakas at short firearms ang isinuko ng mga mga residente mula sa 42 barangay ng bayan ng Pikit Cotabato kahapon.

Sa isinagawang turn-over ceremony kahapon personal na iniabot ni Pikit Mayor Sumulong Sultan ang ibat-ibang kalibre ng mga baril kay 6ID ID Phil. Army Commanding General BGen. Cirilito Sobejana, na sinaksihan din nina 602nd Brigade comdr Col Rosario, Cotabato provincial Police Director PC SUPT Marcelo Morales, 7IB Phil. Army Battalion Commander at Pikit Chief of Police Chief Insp. Romy Castañares at iba pang mga lokal na mga opisyal.

Ayo kay Pikit Mayor Sumulong Sultan makakatulong ng malaki ang pagsuko ng mga armas ng mga residente sa pagpapanatili ng kaayusan at kapanatagan ng bayan.

Ang bayan ng Pikit COtabato ay isa sa mga bayan sa lalawigan namay mataas na kaso ng patayan dahil sa away pamilya o rido.

International News – Thailand

Thailand – Nailigtas na ng mga rescuers ang 12 mga kabataang lalaki na mga soccer athletes at kanilang coach na siyam na araw naipit sa loob ng isang kuweba ang cave labyrinth.

Sikat ang kuweba sa mga turista dahil sa mga rock formations sa malawak na loob.

Noong nakaraang linggo ay nakahanap ang mga rescuers ng panibagong daanan para makalusot sa kuweba.

Una rito namasyal ang mga biktima matapos ang kanilang laro pero habang nasa loob ng kweba ay biglang gumuho ang mga bato sa pinto nito dahilan upang na trap ang mga biktima.

International News – California

California – Nagdulot ng pangamba sa mga residente kabilang na sa mga Pilipino ang muling pagsiklab ng mapaminsalang wildfire sa Napa County,.

Nabatid sa ulat, umabot na sa ibang bahagi ng Yolo County ang apoy.

Nasa 22, 000 ektarya ang lawak ng wildfire habang nanalanta na rin ang makakapal na usok sa lugar.

Matatandaan, naranasan rin ng wildfire ang Napa noong nakaraang taon.

dahil sa naranasang trauma mula sa wildfire ay nakaalerto na ngayon ang mga residente at naghahanda para lumukas.

Weather Update 05-25-18

Weather Update 05-03-18

Weather Update 05-02-18

Weather Update 04-26-18

Weather Update 04-20-18