Local News – Motorista sa lalawigan ng Cotabato

Patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa mga motorista sa lalawigan ng Cotabato na maghinay-hinay sa pagmamaneho para iwas disgrasya.

Kahapon dalawa katao ang nasawi samantalang 10 katao naman ang sugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa daan.

dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Kidapawan-Ilomavis Tourist Rd, Brgy. Sudapin.

Sa lakas ng impact dead-on-the-spot dalaga na rider nasi si Chin Lee Galvez Treyes, 18, ng Samonte Subd. at idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang nakasalpukan nito na si Mosatar dela Cerna, 29, taga Kibia, Matalam Cotabato.

Walo katao naman ang sugatan kabilang ang dalawang drayber nang magsalpukan ang dalawan van sa bahagi ng Brgy. Binoligan, Kidapawan highway noong Sabado ng gabi.

Patungong Cotabato ang isang Van namay anim na  mga pasahero na minamaneho ni Alan Rex Serapion, 36, habang ang kasalubong nitong van na patungo naman ng Davao area na minamaneho ni Bhong Tembal Takbir, 46.

Samantala sa Makilala, Cotabato, sugatan din ang dalawa katao nang magsalpukan ang dalawa pang motorsiklo.

Kinilala ang mga biktima na sina Antonio Feria Gajeton, 51, at Arnel Badana Pecaña, 40-anyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *