Nadagdagan pa nang mahigit 2,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Martes ng hapon (July 21), umabot na sa 70,764 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 45,646 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,951 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa dalawa ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,837 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 209 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 23,281 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Daan-daang mga motorcyclist ang nakilahok sa isinagawang Ride for Peace – Fun Ride ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Daan-daang mga motorcyclist ang nakilahok sa isinagawang Ride for Peace – Fun Ride ng 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Abot sa 300 motorcycle enthusiasts mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Cotabato ang sumali kung saan nilibot nito ang ruta mula sa Midsayap – UK Peak, Aleosan – Pikit – Kabacan at Carmen Cotabato.

Ayon kay 34th IB Commander Lt. Col. Glenn Caballero, layon ng naturang aktibidad na maisulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pakikiisa at pakikipag-unayan sa iba’t ibang organisasyon.

Nagpahayag naman ng kagalakan si Caballero sa dami ng mga nakilahok sa kabila ng banta ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Siniguro naman ni Caballero na nasunod ang mga panuntunang pangkalusugan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 sa pagsasagawa ng fun ride.

samantala, Matagumpay na isinagawa ng Cotabato Provincial Police Office (CPPO) sa pangunguna ni Provincial Director P/Col. Henry Villar sa Midsayap, Cotabato ang Bike for a Cause kontra Covid 19.

Nasa 200 bikers sa unang distrito ng Cotabato ang nakilahok sa aktibidad na nagsimula sa Municipal Plaza, Midsayap papuntang UK Peak, Aleosan Cotabato.

Layon ng Bike for a Cause na mas paigtingin pa ang ugnayan ng mamamayan at pulisya sa paglaban sa banta ng sakit na coronavirus o COVID-19.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng 25th Police Community Relations (PCR) Month Celebration.

Tema ng selebrasyon na ito ngayong taon ay “Pinaigting ng Ugnayan ng Mamamayan at Pulisya, Laban sa COVID-19 Pandemiya”.

Motibo ng pananambang at pagkakapatay sa apat katao sa bayan ng Pigcayawan Cotabato rido umano.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa motibo ng pananambang at pagkakapatay sa apat katao sa brgy. Tubon, Pigcawayan Cotabato noong araw ng biyernes.

Ang mga biktima na sina Sahabudia Kato Latip, 42; Nor Ibrahim Baraguir; Muhalidin Esmail Amolab, 28, mga residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao; at si Salahudin Usman,taga-Brgy. Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato ay dead on the spot.

Matatandaan na lulan ang mga biktima sa isang kulay pula na Toyota Innova na may plakang MAF-2108 patungong Cotabato City.

Ngunit pagsapit nila sa Barangay Tubon ay dinikitan sila ng isang SUV at pinaputukan gamit ang M16 Armalite rifle.

Narekober sa crime scene ang isang .45-caliber na pistola, mga bala, dalawang magazine at 38 empty shells ng M16 armalite rifles na ginamit ng mga suspek.

Kasalukuyang bina-validate ng investigating team ng Pigcawayan PNP ang mga nakuhang impormayong para matukoy kung sino ang mga salarin.

Kumakalat na balitang patay na ang 3 years old na covid 19 patient na taga midsayap Cotabato, Fake news umano ayon sa Cotabato AITF.

Fake news ang mga kumalakat na balita na namatay na ang 3-year old na batang lalaki na taga Midsayap na mayroong co-morbidity: congenital heart defect na nagpositibo sa covid 19.

Sa Face book post ni Cotabato Inter-Agency Task Force on Covid 19 spokesperson BM Philbert Malaluan sinabi nito na bumubuti umano ang sitwasyon ng bata habang ginagamot sa isang isolation room sa Southern Phil. Medical Center sa Davao City.

Matatandaan dahil sa complication isinugod ito sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City at sampong araw naadmit doon.

Bumuti ang kanyang kalagayan kaya noong July 3, 2020 ay nakalabas nang ospital at umuwi sa kanilang bahay sa Poblacion 3 ng bayan ng Midsayap.

Subalit makalipas ang tatlong araw ay nakaranas ng lagnat noong July 6, 2020 dahilan upang isinugod sa Southern Philippines Medical Center at kinunan ng swabbed noong July 7, 2020.

Asymptomatic ang pasyente at nasa stable condition na habang nasa isolation room ng Southern Philippines Medical Center- Davao City.

Nakuhanan naman ng swab test ang kanyang 92-year old na lolo habang naka isolate matapos nagkaroon ng close contact sa bata, subalit hindi pa lumalabas ang rt-pcr test..

Naki-usap naman si Malaluan sa lahat ng mga mamamayan na tumulong upang labanan ang mga nagpapakalat ng mga maling balita o fake news.

May dagdag pang labingdalawang locally stranded Individual o LSI ang nakauwi kahapon sa probinsya matapos sunduin ng TF stranded North Cotabateños sa paliparan ng Davao City.

Ang pagdating ng mga ito ay sa gitna nang patuloy na pagtaas ng kaso ng covid 19 sa soccsargen region na karamihan ay mga LSI mula sa mga lugar na mataas ang kaso ng covid 19.

Dagdag ito sa mahigit 9,000 LSI na natulungan ng Task Force.

Samantala, Naghayag naman ng pasalamat ang LSI kay Cotabato Governor Nancy Catamco sa tulong na ibinigay sa kanila upang muli nilang makapiling ang kanilang mga pamilya matapos ang 14 days quarantine.

Bunsod ng ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan , ilang landslide ang naganap sa tatlong barangay sa Alamada, Cotabato.

Bunsod ng ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan , ilang  landslide ang naganap sa tatlong barangay sa Alamada, Cotabato.

Ayon kay Alamada Municipal Administrator Allan Singco kabilang sa mga barangay na nagkaroon ng landslide ay ang Brgy. Bao, Malitubog at Paruayan kung saan labis na naapektuhan nito ang daan sa Mahayahay-Siya siya-Bacolod papuntang Brgy. Bao.

Dahilan dito, hindi tuluyang makadaan ang mga residente sa nabanggit na baranggay at naapektuhan na din ang kanilang kabuhayan matapos na hindi maihatid at maibenta ang kanilang mga produkto sa pamilihang bayan.

Agad naman itong tinugunan ng lokal na pamahalaan ng Alamada at nagpadala sa mga apektadong barangay ng mga heavy equipments tulad ng backhoe at grader upang makapagsagawa ng Clearing operation.

Nagpapasalamat naman ang mga residente nito matapos ang isinagawang clearing operation at hindi tumagal ang kanilang problema na naidulot ng landslide.

Samantala, nagpaalala naman ang LGU-Alamada sa mga mamamayan nito na mag-ingat ngayong panahon ng tag-ulan dahil karamihan sa mga barangay nito ay “landslide prone” area.

Kagat nang lamok namay dala ng dengue

Dahil sa banta ng nakakamatay na kagat nang lamok namay dala ng dengue, pina-igting ngayon ng Rural health Unit ng bayan ng Makilala Cotabato ang kanilang kampanya.

Para masiguro ligtas ang mga evacuess na biktima ng lindok noong nakaraang taon na nasa mga evacutation center nagsagawa nang FOGGING OPERATIONS ang lokal na pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan ng mga pamilya ipinatupad naman ang  4S iwas Dengue, ito ay ang  Search and Destroy, Seek Early Consulation, Self-Protection Measures at ang Say Yes to Fogging in Times of Impending Outbreak.

Ngayong panahon nang tag-ulan inaasahan na nang kagawaran na taas ang kaso ng dengue dahil ito ang panahon nang pagdami ng lamok.

428 indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula Social Amelioration Program (SAP)

Aabot naman saa 428 indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng COVID Intake Card (CIC) noong araw ng biyernes.

Ang mga tumanggap na mga indibidwal ay mula sa ibat-ibang mga barangay gaya na lamang ng barangay Batasan kung saan (152) ang tumanggap, Cabilao (38), Indangan (15), Libertad (63), Luayon (44), Malabuan (31), Malungon (2), New Baguio (31), New Israel (40), ug Sta. Felomina (12).

Isinagawa ang pamamahagi nito sa Makilala Central Elementary School sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and development ng  Makilala LGU. sa tulong narin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at DILG.

ayon kay Makilala MSWDO officer Lina V. Cañedo, RSW, MPA, nasa 2, 031 na mga indibidwal ang tumanggap ng ayuda batay narin sa approved beneficiary list mula sa DSWD Head Office.

Samantala, hinihintay pa ng MSWD ang skedyul ng distribusyon para sa iba pang approved beneficiaries mula sa DSWD Region 12.

84 anyos na confirmed covid 19 case na taga Kidapawan City namatay na dahil sa complikasyon nang karamdaman.

Dalawa na ang confirmed covid 19 patient sa soccsargen region ang namatay dahil sa kumplikasyon ng karamdaman.

ang pinakahuling nasawi ay ang 84-anyos na lolo na taga Kidapawan City habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City,.

Ayon kay Cotabato Task Force COVID-19-North Cotabato, spokesperson Board Member Dr. Philbert Malaluan, ito ang kauna-unahang COVID-19 patient na naitalang namatay sa lalawigan ng Cotabato.

Ang pasyente na taga Barangay Sudapin, ay nakaranas ng kanyang komplikasiyon sa iniinda nitong sakit sa puso at pneumonia.

Ang unang namatay dahil sa covid 19 ay si patient number 600 na isa ring lolo na taga Isulan Sultan Kudarat.

Dahil dito, umakyat na sa 58 ang nasawi sa Rehiyon 12, batay sa ulat ng Center for Health Development ng DOH-12 kahapon. Ang lalawigan ng Sultan Kudarat ang may pinakamaraming kaso na nasa 19, sinusundan ng South Cotabato,18; Cotabato City, 15; North Cotabato, 9; Sarangani, 8; at General Santos City, 4.

Limang barangay sa bayan ng Pikit Cotabato ang binaha

Dahil sa walang humpay na buhgos ng ulan at pagbaba ng tubig baha mula sa mga upland area limang barangay sa bayan ng Pikit Cotabato ang binaha.

Nagsagawa ngayon ang lokal na pamahalaan ng Pikit Cotabato katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng damage assessment at need analysis.

Kabilang sa mga barangay na apektado ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan ay ang Brgy. Takepan, Dalingaoen, Panicupan, Ginatilan at Ladtingan.

Dahil dito, ilang pamilya na din ang lumikas matapos na mapasok ng tubig-baha ang kanilang mga tahanan.

Namahagi naman ang Mindanao Children Library Foundation Inc. ng mga tarapal upang pansamantalang maging silungan ng mga apektadong pamilya.

Sa ngayon ay nabigyan na ng tulong ang mga pamilya ng food assisstance mula sa lokal na pamahalaan.

Ang patuloy na pagbaha ay dulot ng sunod-sunod na pag-ulan matapos na opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang pagpasok ng rainy season kamakailan.

Inatasan ni Cotabato GOV. Nancy Catamco ang pulisya at provincial health office na magsagawa ng parallel inquiry at device measures

Inatasan ni Cotabato GOV. NANCY Catamco ang pulisya at  provincial health office na magsagawa ng parallel inquiry at device measures sa nangyaring discrimination sa kanilang frontliner na taga brgy. Lanao sa Kidapawan City.

Ibig ni Catamco na itoy maiwasang maulit muli dahil malaki ang papel na ginagampanan ng mga ito para matiyak na protektado ang mga mamamayan sa nakakahawa at nakakamatay nga corona virus disease o  covid 19.

Sa kanyang pahayag ipinagtataka ni Catamco kung bakit ito ginawa sa mga frontliner.

Hindi umano ito katanggap-tanggap sa isang highly civilized community gaya ng Cotabato province.