Aabot naman saa 428 indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng COVID Intake Card (CIC) noong araw ng biyernes.
Ang mga tumanggap na mga indibidwal ay mula sa ibat-ibang mga barangay gaya na lamang ng barangay Batasan kung saan (152) ang tumanggap, Cabilao (38), Indangan (15), Libertad (63), Luayon (44), Malabuan (31), Malungon (2), New Baguio (31), New Israel (40), ug Sta. Felomina (12).
Isinagawa ang pamamahagi nito sa Makilala Central Elementary School sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and development ng Makilala LGU. sa tulong narin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at DILG.
ayon kay Makilala MSWDO officer Lina V. Cañedo, RSW, MPA, nasa 2, 031 na mga indibidwal ang tumanggap ng ayuda batay narin sa approved beneficiary list mula sa DSWD Head Office.
Samantala, hinihintay pa ng MSWD ang skedyul ng distribusyon para sa iba pang approved beneficiaries mula sa DSWD Region 12.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)