Lalawigan ng Cotabato may bagong kaso ng positive sa covid 19 na isang 29 anyos na babae.

May isa namamang kaso ng positibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Inter-Agency Task Force on Covid 19 Manager Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan, ang pasyente ay 29 anyos na babae namay travel history sa Quezon City, Locally Stranded Individual (LSI) at residente ng Libungan Cotabato.

Dumating ang biktima noong Hunyo 17 at agad nakitaan ng sintomas ng Covid kaya isinailalim sa PCR swab test.

Nagpositibo ang pasyente sa Covid 19 kaya agad itong inilipat sa Provincial Isolation Facility.

Dagdag ni BM Malaluan na asymptomatic at nasa maayos na kondisyon ang 29 anyos na LSI.

Matatandaan na ang unang limang nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya ng Cotabato ay gumaling at nagnegatibo na sa nakakahawang sakit.

Agad inatasan ni Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan ang Municipal Health Office (MHO) na magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng biktima.

Isang misis ang napatay ng saksak ng kanyang mister namay problema sa pag-iisip

Isang misis ang napatay ng saksak ng kanyang mister namay problema sa pag-iisip sa bayan ng Aleosan Cotabato kahapon.

Ang ginang ay nagtamo ng maramong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan mula sa pananaksak ng hindi pinangalanang suspek sa barangay Palakat.

Ayon sa mga anak ng biktima biglang tinupak ang kanilang ama namay deperensya sa pag-iisip at napatay ang kanilang ina.

Ang hindi pag-inom nang gamot ng suspek ang isa sa nakikitang dahilan pag-atake sa sakit ng suspek.

Matapos ang insidente agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek, samantala dahil sa sama ng panahon at prone sa baha ang kanilang lugar nagdesisyon ang pamilya ng biktima sa barangay Baliki na lalamayan ang kanilang ina.

Isang testigo sa Maguindanao massacre case ang tinambangan, nasawi ang driver ng Department of Justice (DOJ) region 12

Sa Tantangan, South Cotabato patay ang driver ng Department of Justice (DOJ) region 12 habang nakaligtas naman ang isang testigo sa Maguindanao massacre case at escort nito makaraang pagbabarilin sa national highway Purok Maligaya, Barangay Bukay Pait, pasado alas-10:00 kaninang umaga.

Ayon kay South Cotabato Provincial Police Director Colonel Jemuel Siason, kinilala nito ang binawian ng buhay na si Richard Escovilla.

Minamaneho ni Escovilla ang Toyota Innova na grey na may plate# ZPU 341 mula sa direksyon ng Tacurong City sakay ang naturang testigo at escort nito na papunta sana ng airport subalit pagsapit sa kurbadang bahagi ng lugar pinagbabaril ang mga ito ng hindi nakilalang mga suspetsado na nakasakay sa Mitsubishi Montero.

Matapos matamaan ang driver, nawalan ito ng kontrol sa manibela at nabunggo sa isang kainan sa gilid ng highway.

Nakaligtas naman sa pamamaril ang naturang testigo na hindi na kinilala ni Siason dahil sakop ito ng Witness Protection Program (WPP) para na rin sa seguridad nito at kanyang escort.

Maari umanong pinagplanuhan ang nangyaring krimen at posible may kaugnayan ito sa kaso ng Maguindanao massacre, ayon kay Siason.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon at hot pursuit operation laban sa mga suspek na agad tumakas matapos ang nangyaring pamamaril.

Internal Cleansing sa Kidapawan City PNP nagpapatuloy, resulta ng surpresang drug test hinihintay na!

Nagpapatuloy ang internal cleansing ng Kidapawan City PNP sa kanilang hanay para magtagumpay sa kanilang kampanya laban sa illegal na druga.

Kamakalawa sumailalim sa Random Drug test ang mga pulis matapos ini-utos ni City Mayor Joseph Evangelista sa mga tauhan ng Crime of the scene o SOCO ang surprise pagsusuri.

Hinihintay na ngayon ang resulta ng drug test na nasa Provincial Crime Laboratory.

May karampatang parusa naman ang naghihintay sa sinumang napapatunayang mga alagad ng batas na gumagamit ng illegal na droga.

Lalaking nagsampa ng kaso laban sa isang pulis, dead on the spot matapos na pagbabariling ng riding in tandem assassins kahapon sa Kidapawan City.

Dead in the spot ang isang lalaki na kagagaling dumalo sa isang court hearing matapos barilin ng hind pa kilalang riding in tandem assassins alas-11:45 ng umaga kahapon sa Quezon Boulevard, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si Rey Roldan Ancheta, may asawa at residente ng Barangay Malasila Makilala, Coabato

Nabatid sa mbestigasyon ng pulisya sinamahan nuto ang kanyang ama na dumalo sa court hearing at habang naghihintay ng masasakyang multicab papauwi sa kanilang lugar ng itoy pagbabarilin.

Malaki ang paniniwala ng ama ng biktima nasi Perfecto Ancheta, may kinalaman sa isinampa nilang kaso ang pagpatay sa kanyang anak.

Naghain ng kasong frustrated murder ang biktima laban sa isang pulis ng Tulunan na may ari ng isang sabungan matapos na kasuhan ito ng kasong paglabag sa Article 168.

Personal grudge naman ang nakikitang motibo ng mga otoridad sa pagpatay sa biktima.

Land transportation office 12 maglalabas na ng mga bagong plaka ng mga four wheeled vehicle

Itinakda na ng Land Transportation Office (LTO)-12 ang inisyal na releasing ng plaka ng mga may-ari ng four-wheeled motor vehicle na nagparehistro noong Hulyo 1-31, 2016.

Batay sa plano sisimukan ang pagrelease ng mga plako saHulyo 5-13, 2018 para sa mga nagparehistro ng kanilang sasakyan noong Hulyo 1-10, 2016.

Sa Hulyo 16-20, 2018 naman ang para sa mga nagparehistro noong Hulyo 11-20, 2016 at Hulyo 23-31 maaring ma-claim ang mga nagparehistro noong Hulyo 21-31.

Pinayuhan naman ang mga kukuha ng bagong plaka na pumunta lamang sa bagong registration unit ng LTO-12 sa Home Trio Dormitel Building, Bonifacio Street, Koronadal City.

Dapat dalhin din ang mga dokumento gaya ng original official receipt (OR), original certificate of registration (CR), valid ID, at para sa mga authorized representative, magdala lamang ng special power of attorney.

Mga sangguniang kabataan official ng apat napong barangay sa Kidapawan City

Inudyukan ni Kidapawan CITY Mayor Joseph Evagelista ang mga bagong halal na mga Sangguniang Kabataan officials na pangunahan ang pagtulong sa National Blood Donors Month programs sa 40 barangays ng lungsod.

Ibig ng alkalde na ang mga kabataan mismo ang manguna na magboluntaryo  sa blood donation activities sa kanilang mga lugar.

Layon nitong makatulong na maisalba ang buhay ng mga pasyenteng nangangailangan masalinan ng dugo at may magagamit na mga dugo sa panahon ng emergencies at mapalakas ang ugnayan at pagtulung-tuong ng bawat mamamayan ng komunidad.

Hindi lamang makakatulong sa na madugtungan ang buhay ng mga pasyente bagkus ang pagbibigay ng dugo ay nakakatulong din maging maging malusog ang isang donor.

Samantala nakatakda namang magsasagawa ng voluntary mass blood donation activity ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa bagong ayos na gusali ng DepEd Convention Hall sa darating na July 11, 2018 na magsisimua bandang alas nueve ng umaga.

Dalawang kaso ng pamamaril sa Carmen Cotabato tinutukan ng pulisya.

Iniimbestigahang maigi ng Carmen Cotabato PNP ang dalawang magkasunod na insidente ng pamamaril kamakalawa ng kahapon.

Unang napatay si Esmael Sabang Mohamad ,26-anyos binata na taga Tungol Datu Montawal Maguindanao habang itoy nasa Sayre National High Way sa Poblacion Carmen.

Nabatid sa initial na imbestigasyon ng Carmen PNP ipaparada sana ng biktima ang kanyang honda XRM Motorcycle sa harap ng  isang Inn ng itoy paputukan ng maraming beses.

Kahapon isa nanamang kaso ng pamamaril ang naganap.

Opersyon askal o asong gala ng Kidapawan City Veterinary office pinalalakas.

Pinalalakas  ngayon ng city Veterinarian Office ang  ‘Operation Askal’ o panghuhuli sa mga asong gala.

Ayon kay city Veterinarian Dr. Eugene Gornez, bahagi ito ng kanilang mandato na ipatupad ang Anti-Rabies Act of 2007 batay sa Republic Act 9482.

Ang operasyon ay isinagawa kasunod ng mga anti-rabies vaccine na ibinigay mga alagang hayop ng mga residente partikular sa barangay poblacion.

Tumanggap rin ng mga reklamo mula sa mga residente ang pagdami ng mga asong gala sa ibat-ibang mga lugar ng lungsod na posibleng makakagat.

Rido o away pamilya sa bayan ng Pikit Cotabato malapit na umanong matuldukan ayon sa lokal na pamahalaan.

Buo ang tiwala ni Pikit Municipal Mayor Sumulong Sultan na makakatulong ng malaki upang maging mapayapaan na ang kanilang bayan sa pagsuko ng 133 loose o mga unlicensed firearms mula iba’t-ibang indibidwal at grupo sa kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Sultan, tugon ito ng LGU PIkit sa kampanya ng ng national government na suportahan ang Balik-Baril Program at palaganapin ang kapayapaaan.

Isa sa suliranin ng bayan ang mga nagaganap na rido o ayaw pamilya ng ilang mga residente na kasalukuyan na nilang tinutugunan.

Ang bayan ng Pikit ay isa sa mga bayan sa lalawigan ng Cotabato ang may mataas na kaso ng krimen.