TARGET ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction and Management Office CDRRMO na bumuo ng Emergency Response Teams sa pitumpo at pitong public elementary at secondary schools sa lungsod.
Layun nito na maturuan ang mga bata na agad makatugon sa panahon ng sakuna at kalamidad na pwedeng mangyari sa mga paaralan.
Bahagi ng Public Safety programs ni City Mayor Joseph Evangelista ang nasabing hakbang ng CDRRMO na planong ipatutupad ngayong buwan ng Hulyo at Agosto.
Sasanayin ng CDRRMO at Philippine Red Cross ang mga bata sa basic emergency response lalo na ang pagbibigay ng first aid sa kanilang mga kaklase na maaring masaktan sa panahon ng aksidente at kalamidad.
Una ng nagtalaga ng DRRM focal persons kada eskwelahan ang DepEd na magiging kaagapay ng City Government sa programa.
Apatnapung mga bata kada eskwelahan ang planong sasanayin para sa pagbuo ng mga Emergency Response Teams.
Nanawagan naman ang City LGU sa lahat ng ibayong pag-iingat ngayong ginugunita sa buong bansa ang Disaster Awareness Month.
Mahalaga ang kaalaman at vigilance ng bawat isa upang makaiwas na masaktan sa panahon ng aksidente at kalamidad.
Nakatuon ang paggunita ng disaster awareness month sa pagbibigay kaalaman sa lahat bago, habang nagaganap at pagkatapos ng aksidente at kalamidad.
Tema ng 2018 Disaster Awareness Month ay “KATATAGAN SA KALAMIDAD ay Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman at Kahandaan.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)