Lake Sebu – Upang maiwasan na ang naganap na mga fish kill sa lawa ng Barangay Lake Seloton hinigpitan na monitoring ng provincial government at Office of the Municipal Agriculturist o OMAG.
Maliban sa monitoring isasailalim din ang lawa sa Rehab Program ng Lake Sebu Rehabilitation Conservation and Development Program (LSRCDP) para linisin at alisin ang mga illegal na fish cages at water lilies sa lugar.
Napag-alaman, batay sa National Fisheries Code, nasa 10% lamang ng lake ang pinapayagang gamitin dahil sa patuloy ang ginagawang clean-up drive ng gobyerno sa nasabing lawa.
Matatandaan milyon-milyong halaga ng isda ang namatay dahil sa fish kill noong nakaraang mga buwan.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)