Magtanim ng Kamoteng Kahoy o Balanghoy

Magtanim ng Kamoteng Kahoy o Balanghoy!

Ito ito ang panawagan ng Opisina ng Agrikultura ng Probinsya ng Cotabato.

Kasalukuyang nagaganap ang isang Cassava Technology Training sa mga magsasaka ng probinsya.

40 cassava farmers ang  nabigyan ng techology assistance mula sa San Miguel Corporation ng Davao City at Ricor Mills ng Maramag, Bukidnon.

Layunin ng training na maipa-abot ang mga panibagong teknolohiya sa pagtatanin ng kamoteng kahoy gaya ng land preparation, planting distance, fertilization, pest/ diseases, at harvesting.

Pinangungunahan nito ni Mr. Jimmy Cansenaje, President ng  True Green Initiative Cooperativenang pagbibigay ng pamamaraan.

Kasali rin ang pagbigay sa training ang marketing oppurtunities na kung saan pinuri ni Mr. Noel Carlo Simene, representive ng Ricor Mills, si Governor Nancy Catamco sa ginawang training para sa mga cassava farmers. Ayon pa sa kanya, ang probinsya lang ng North Cotabato ang may ganitong ginawa sa buong Mindanao.At dahil dito, meron na agad napagkasunduan na prioridad ng Ricor Mills ang lahat ng taga North Cotabato sa pagbili ng kanilang produkto na kamoteng kahoy.

Kaya naman isang malaking paga-asa para sa mga cassava farmers na dumalo sa nasabing training.

Maliban sa training,  mabibigayan ng planting materials, fertlizer at technical assistance mula sa probinsya ang gustong mag tanim ng kamoteng kahoy.

Kaya hinihikayat ng OPAG na ang pagtanim ng cassava o kamoteng kahoy o balinghoy o bengala ay isang mainam na dagdag kita sa buhay ng isang magsasaka.

Dumalo rin sa nasabing traning  si BM Maria Krista Piñol Solis, ang Chairman ng Committee on Agriculture.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *