Sinuspinde na ni North Korean Leader Kim Jong Un ang plano nitong military action laban sa South Korea.
Batay sa inilabas na ulat ng North Korea state-run media na Rodong Sinmun, napagdesisyunan ito ni Kim Jong Un habang isinasagawa ang preliminary teleconference meeting kasama ang central military commission.
Pinag-aralan kasi ng central military commission ang kasalukuyang sitwasyon ng dalawang bansa kung kaya’t sinuspinde na ni Kim ang military action plan laban sa South na pinaplantsa ng Korean People’s Army.
Matatandaan kasing nagpalipad ng mga lobo ang mga taga-South Korea sa North na mayroong leaflets na puno na kritisismo laban kay Kim Jong Un.
Samantala, hindi naman nilinaw ng dahilan sa likod ng tuluyang pagpapatigil sa military action plan ng North laban sa South Korea.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)