
Kinilala ni Pigcawayan Police Chief Maj. Ivan Samoraga, ang mga biktima na sina Ariel Del Soccoro Ballescas, 40 anyos na residente ng Presbitero at John Michael Del Soccoro Ballescas, 38 anyos na taga Tigbawan.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon, nagtatrabaho lamang umano ang dalawang magkapatid sa nasabing lugar ng biglang lapitan ng mga suspek at agad na pinagbabaril.
Tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima dahilan ng kanilang dagliang kamatayan.
Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon gamit ang isang getaway vehicle.
Blangko pa rin hanggang ngayon ang mga otoridad at patuloy pang inaalam kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa naturang krimen.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)