Pumalo na sa 36 ang kumpirmadong kaso ng covid 19 sa lalawigan ng Cotabato matapos naitala ang dalawang bagong kaso kahapon.

Ayon kay Covid-19 Task force at EOC Manager Board Member Dr. Philbert Malaluan ang ika-35 kaso ay isang  32 anyos na lalaki mula sa bayan  ng Midsayap.

Una itong na confined sa  Cotabato Regional and  Medical Center (CRMC) noong July 13 dahil sa  kidney/non-COVID reasons.

Ngunit noong July 23, nakaramdam ito ng hirap sa paghinga dahilan upang e swabbed ito  noong July 24.

Kasalukuyan itong  asymptomatic, nasa stable na kondisyon at nananatiling naka confined sa CRMC.

Ang ika-36 na kaso naman ay isang 35 taong gulang na lalaki na residente ng bayan  ng M’lang.

Isa itong Locally Stranded Individual (LSI) mula Cebu at na swabbed noong  July 28 bilang bahagi ng  requirements sa mga pasaherong bumababa sa  Davao International Airport.

Kasalukuyan rin itong  asymptomatic, nasa stable condition at naka  isolate sa  LGU Isolation Facility.

Tiniyak din ni BM Malaluan na kasalukuyan nang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *