Puspusan ang ginagawang road rehabilitation ng Provincial Engineering Office (PEO) sa iba’t ibang mga barangay sa unang distrito ng Cotabato.

Sa Barangay Sinawigan, Libungan, dalawang kilometro ang inayos na kalsada sa District 4 at anim na kilometro naman sa district 6.

Pinasalamatan  ni Brgy. Captain Vingson ang agarang aksyon ng PEO sa kanilang kahilingang road rehabilitation.

Samantala, ayon sa fleet monitoring team, nagsagawa rin ng road maintainance at graveling sa provincial road na tumatahak sa mga barangay ng Nicaan, Bao at Malitubog kamakailan.

Ipinagpatuloy rin ang pag semento sa daan na nagkokonekta sa Barangay Kiyaring, Banisilan.

Kahapon ay sinimulan na rin ang unang beses na  rehabilitasyon ng kalsada sa Sitio Helmet, Barangay Dado, Alamada.

Ang pagsasaayos ng mga  kalsada sa mga barangay partikular ang mga farm to market roads ay prioridad ni Governor Nancy Catamco bilang mahalagang bahagi ng kanyang programang food security na layong mas  paunlarin ang sektor ng agrikultura  sa lalawigan ng Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *