Patay ang dalawang sundalo sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Karailan faction sa boundary ng Datu Salibo at Sharif Saydona Mustapha alas 5:40 ng umaga kahapon.

Nakilala ang mga napatay na sina PFC Jovit Sarno at PFC Raymond Canlog kapwa miyembro ng 57th Infantry Batallion Philippine Army.

Napag-alaman na nagsagawa ng opensiba ang militar sa mga lugar kung saan nagkukuta ang mga rebelde at target sa operasyon si Ustaz Hassan Indal chairman ng darul iftah organization at iba pang kasamahan nito.

Sa ngayon ay patuloy ang opensiba ng militar sa mga lugar kung saan nagkukuta ang target at iba pang kasamahan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *