Kinilala ni Police Station 7 commander P/Major Heilbronn Okoren, ang biktima na si LD Marl Baylosis, 34-anyos nagtatrabaho bilang guwardiya sa lupain na pagmamay-ari ng pamilyang Alcantara.
Ayon kay Okoren, dakong alas-8:40 ng gabi habang naglalaro ng video games ang biktima nang bigla na lamang pinasok at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek saka tumakas.
Isinugod pa sa ospital si Baylosis subalit idineklarang dead-on-arrival nang attending physician dahil sa tinamong tama ng bala mula sa .45 caliber pistol sa ibat-ibang parte ng katawan.
Away sa lupa ang isa sa motibong nakikita ng mga otoridasd sa pagpaslang sa biktima.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)