Ito ay matapos na bigo pa rin silang makita pagkalipas ng mahigit na 40 oras na search and rescue operations.
Lulan kasi ng mga biktima sa amphibious assault vehicles (AAV) ng ito ay lumubog sa kasagsagan ng military exercise.
Sinabi ni Col. Christopher Bronzi, commander ng 15th Marine Expeditionary Unit (MEU) na ginawa nila ang lahat ng makakaya para mahanap ang mga biktima.
Gumamit na sila ng mga helicopters at barko para suyurin ang nasa mahigit 1,000 square nautical miles sa karagatan ng California.
Nangyari ang aksidente ng pabalik na ang AAV sa amphibious warship USS Somerset matapos ang operasyon sa San Clemente Island ng ito ay lumubog.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)