Dahilan dito pumalo na sa kabuuang 359 ang kaso ng covid as rehiyon, mula sa nasabing bilang nasa 110 ang aktibong kaso.
Sa nasabing bilang apat ang mula sa Cotabato City na pawang mga nahawaan sa isang covid positive na posiboleng local transmission, tatlo na iba pa ay mula sa lalawigan ng Sultan Kudarat, at ang isa naman ay taga lalawigan ng Cotabato.
Samantala, naitala naman ang siyam na mga recoviries kaya pumalo na sa 244 ang gumaling sa nakakahawang sakit.
pito sa mga gumaling ay taga General Santos City, tig- Isa naman ang lalawigan ng Cotabato at South Cotabato.
Pumalo na sa 50 ang kaso ng Covid 19 sa lalawigan ng Cotabato matapos naitala ang isa pang bagong confirmed case kahapon.
Ayon kay Cotabato Inter-Agency Task force on Covid 19 spokesperson BM Phil. Malaluan naghihinay pa ng kanyang PH number ang 29-year old na babaeng pasyente mula sa bayan ng Pres. Roxas.
Ang bagong kaso ay isang Locally Stranded Individual namay travel history sa Manila at dumating sa lalawigan noong August 15 sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano na lumapag sa Davao International Airport.
Ang biktima asymptomatic at nasa stable condition habang naka quarantine sa Pres. Rojas LGU facility.
Sa ngayon ay nasa 14 parin ang actibong kaso ng covid 19 dahilan patuloy na pinaalalahan ang mga mamamayan na sumunod sa mga ipinatutupad na mga minimum health protocols.
Naitala naman kahapon ang isang recovery sa covid 19 sa lalawigan ng Cotabato.
Ang gumaling na pasyente ay si patient 269th na 42 anyos na lalaki kaya pumalo na sa 34 ang mga nakarecover.
Nanatili naman sa dalawa ang nasawi sa nasabing nakakahawang karamdaman.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)