Abot sa 201 alagang baboy ng mga residente ng Purok Mangosteen, Brgy Linangcob ang sumailalim sa depopulation o pinatay matapos itong nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Office of the Provincial Veterinarian Chief, Dr. Rufino Sorupia na 22 hog owners ang apektado ng ASF sa nabanggit na purok at maayos naman ang paglunsad ng operasyon kaakibat ang City Vet na nagtapos kagabi.

Ang brgy Linangcob ang pang labing limang barangay sa probinsya na tinamaan ng ASF. Nagsimula ito sa brgy Ilian, Magpet na unang naiulat na mula sa nilako na chorizo ang pinagmulan.

Labing isang barangay sa Magpet ang naitala nagpositibo sa ASF ang Ilian, Magcaalam, Tagbac, Poblacion, Bantac, Pangao-an, Binay, Doles, Sallab, Amabel at Manobisa. Dalawang Barangay naman ng Arakan, ang Lanao Kuran at Tumanding at ang Brgy Poblacion ng President Roxas.

Magpet: 11 brgys.

 

939 hogs depopulated

282 hog owners.

Arakan: 2 brgys

291 hogs depopulated,

57 owners.

Pres Roxas :1 brgy( purok 8, pob.)

144 hogs depopulated,

25 owners.

Kid City : 1 brgy

201 hogs depopulated

22 hog owners

Grand total:15 brgys affected,

1575 hogs depopulated,

386 owners /hog raiser

Sa ginanap ng Provincial Development Council meeting na ipinatawag ni Governor Nancy Catamco nitong nakalipas na araw naisulong nito ang pagbigay tulong pinansyal sa mga apektadong hog raiser sa halagang P2,000 bawat isang baboy na masali sa depopulation operation. Ito ay sa pamamagitan ng Supplemental Budget no. 4.

Basi sa napag kasunduan sa pulong, ang LGU ay magbibigay naman ng P2,000 at ang Department of Agriculture sa halagang P5,000.00 sa bawat isang baboy.

Tinatayang aabot sa kabuuang P 7,875,000.00 ang halaga ng baboy na nade-populate dala ng ASF sa probinsya.

Patuloy naman ang paalala ni Dr. Sorupia sa lahat na iwasan ang magdala ng produktong baboy, karne o buhay na baboy mula sa mga barangay na nag positibo sa ASF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *