Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lt. Col. John Miridell Calinga, ang inarestong suspek ay nakilalang Roberto Maquilla Lania, 29 na taong gulang, may asawa at residente ng barangay Poblacion 1, Pigcawayan, Cotabato.
Ang pag-aresto sa suspek ay ginawa ng Midsayap PNP matapos ini-ulat ni Ariel Tesnado Apura, 29 na taong gulang, binata, residente ng Banga, South Cotabato at Team Leader ng Audit Staff ng Dalton Pawnshop and Jewelry Inc. ang pagkakadiskubre sa pagnanakaw.
Sa salaysay umano ni Apura, pumunta ang kanilang team na naturang sangay upang magsagawa ng audit sa kalagayan ng negosyo ng pag-aalahas nang madiskobre nilang may mga kahina-hinalang transaksyon at may mga nawawalang alahas kung kaya ipinatawag nila si Lania na boluntaryong nagsurender ng tatlong iba’t ibang uri ng alahas at mga resibo ng pagsasanla na nanggaling sa kanyang bulsa.
kasong Qualified Theft ang isasampa laban kay Lania habang nasa custodial facility ng Midsayap PNP.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)