Lalo pang lumala ang gutom sa Pilipinas sa nagdaang tatlong buwan

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), tinatayang mahigit sa 5-milyong Pilipino ang nakaranas ng gutom o walang makain sa nagdaang tatlong buwan.

Batay sa SWS survey, 20.9% ng mga Pilipino ang minsan nang nakaranas na walang makain; mahigit 15% dito ang nakaranas ng “moderate hunger”, samantalang inilarawan ng mahigit sa 5% na “severe hunger” ang kanilang naranasan.

Pinakamataas na insidente ng gutom ang naitala sa Visayas at Mindanao, lalo na sa mga kabahayan na hindi nakapagtapos ng kahit elementarya lamang ang mga respondents.

Isinagawa ang survey sa may 1,555 adult Filipinos sa pamamagitan ng mobile phone at computer assisted telephone interview.

Sinuspinde ng pamahalaan United Kingdom ang implementasyon ng kanilang extradition treaty sa Hong Kong.

Ito ay bilang pagpapakita ng protesta sa kontrobersyal na bagong security law ng China sa Hong Kong.

Ang aksyon ay kinumpirma mismo ni British Foreign Secretary Dominic Raab sa kabila ng mga babala kaugnay ng posibilidad na paghihiganti ng China.

Inanunsyo rin ni Raab ang pagpapalawig hanggang sa Hong Kong ng umiiral na ban ng pagpapasok ng mga armas na tatlong dekada nang umiiral sa mainland China.

Magugunitang nagkalamat ang diplomatic relation ng China at UK bunsod ng bagong security law na itinuturing ng mga western countries bilang pagguho sa kalayaan ng mga mamamayan at human rights sa Hong Kong.

Napagkasunduan na ng mga European leaders ang pagbuo ng recovery fund na nagkakahalaga ng kabuaang $858-bilyong para sa muling pagbuhay ng ekonomiya ng mga bansang miyembro ng European Union (EU) na pawang naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis

Batay sa mga ulat, hihiram ang pamunuan ng European Commission sa financial markets, habang ipamamahagi naman ang kalahati nito sa mga bansang miyembro ng EU na napuruhan ng nakamamatay na virus.

Ayon sa pamunuan ng EU, ang naturang pondo ay ilalaan sa pagtulong sa muling pagbabalik operasyon ng mga negosyo, reporma sa ekonomiya, at investment kontra sa mga paparating pang mga krisis.

Kasunod nito, ayon sa presidente ng European Council na si Charles Michel, ang naturang hakbang ng pamunuan ay para sa ikabubuti ng bawat miyembro, at ang muling pagbangon ng mga ekonomiya nito.

May bago nanamang kaso ng covid 19 ang bayan ng Antipas Cotabato na naitala kahapon ng Center for Health and Development ng Department of Health 12

May bago nanamang kaso ng covid 19 ang bayan ng Antipas Cotabato na naitala kahapon ng Center for Health and Development ng Department of Health 12.

Ayon naman kay Cotabato IATF spokesperson BM Philbert Malaluan, ang biktima ay isang 33-year old na babae na isang Locally Stranded Individual namay travel history sa Manila.

Ang biktima ay inirefer ng Antipas Municipal Health Office sa Cotabato Regional Medical Center- Cotabato City dahil sa non-COVID related reasons.

Bilang bahagi ng CRMC hospital protocol, kinunan ng swab sample ang biktima at lumabas sa resulta na  positive ito sa covid 19.

Ang biktima ay pang 31 kaso ng covid `19 sa lalawigan  ng Cotabato matapos naitala kamakalawa ang anim na bagong kaso na mga naisugod sa CRMC dahil sa mga non-COVID reasons.

Naniniwala ang IATF Cotabato na sa nahawaan ang mga biktima ng Covid sa hospital.

15 anyos na dalagita ginahasa ng barangay peace keeping action team o BPAT member habang nasa quarantine facility sa bayan ng antipas Cotabato

Nakakulong na ang 35 anyos na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na nagsilbing frontliner na inakusahang gumahasa sa isang 15-anyos na dalagita sa loob ng isolation facility sa Brgy. Dolores, Antipas,.

Samantala, agad na inilipat ng Antipas Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO sa municipal quarantine facility ang biktima sa Brgy. Poblacion.

Nabatid ng Women child protection Desk ng Antipas PNP na Hulyo 12 nang mangyari ang panghahalay sa naka-quarantine na dalagita matapos na makipag-inuman sa nasabing suspek doon mismo sa isolation facility.

Sumunod na araw nang makatanggap ng text ang naturang biktima na nais ng BPAT member na maulit muli ang nangyari sa kanila noong gabi ng July 12, dahilan para magsumbong ang dalagita sa kanyang mga kaibigan.

Ayon sa ulat, hindi na umano nakapalag pa ang biktima dahil nakita nito ang kutsilyo sa gilid ng suspek na lasing nang ginawa ang panghahalay.

Kaugnay nito, nagsasagawa ng imbestigasyon ang Municipal Inter-Agency Task Force sa naturang insidente.

Naghahanda na ang senate blue ribbon committee para sa gagawing imbestigasyon nito hinggil sa pakamatay ng ilang preso ng National Bilibid Prison (NBP) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Ayon sa chair ng kumite na si Senador Richard Gordon, hindi kapani-paniwala ang mga naganap sa kulungan, at may nakikita rin aniya itong paglabag sa umiiral na protocols, gaya ng hindi agad na pagreport sa pangyayari sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Justice at Health department.

Dagdag pa ni Gordon, dapat ding may katibayan ang pagkasawi ng naturang preso.

Samantala, tingin pa ni Gordon, may paglabag sa bahagi ng pamunuan ng Bureau of Corrections gaya ng pagsunod sa mga ipinatutupad na alituntunin hinggil sa isyu.

Umalma si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag sa dumaraming pagdududa ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagkamatay ng high profile inmates sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Binigyang diin ni Bantag na ang mga matataas na tao pa sa pamahalaan ang tila naglalagay ng pagdududa sa isipan ng publiko.

Ayon kay Bantag, dapat ay nagtitiwala ang mga taong gobyerno sa mga itinalagang tauhan sa isang ahensya ng pamahalaan.

Iginiit ni Bantag na sumunod lamang sila sa protocol ng Department of Health (DOH) na agad i-cremate ang mga namamatay sa COVID-19.

Matatandaan na noong una ay ayaw kumpirmahin ng BuCor na isa si Jaybee Sebastian sa mga nasawi sa COVID-19 subalit kinumpirma rin ito nang pagpaliwanag ng Department of Justice si Bantag.

Limited face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Suportado ni Senador Francis Tolentino ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘limited face-to-face classes’ sa mga lugar na walang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Tolentino, sa naturang paraan, magagamit ng Department of Education (DepEd) ang limited/o kakaunting resources nito para ipatupad ang ‘blended learning system’ para naman sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Nauna rito, pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11480 na nagbibigay sa punong ehekutibo na ipagpaliban o iurong ang pagsisimula ng klase, basta’t may kalamidad o pandemya.

Samantala, pinatitiyak ni Tolentino na dapat pa ring mahigpit na ipatupad at sundin ang mga umiiral na safety protocols kontra COVID-19, para na rin aniya sa kaligtasan ng bawat-isa sa mga paaralan.

Pumalo pa lamang sa 27 percent ang bilang ng mga estudyante na nagpa-enroll sa mga pribadong eskwelahan ngayong taon

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease, iniulat ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na kaunti na lamang ang mag aaral ngayon sa mga pribadong eskwelahan dahil hindi na makayanan ng mga magulang na bayaran ang tuition fee dahil nawalan ng trabaho.

Lumipat na aniya ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.

Nasa 347,860 lamang aniya ang nagpa-enroll ngayon sa mga pribadong eskwelahan.

Uusad na sa Agosto ang clinical trials para sa Lagundi bilang supplemental treatment sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Ayon kay Secretary Fortunato Dela Peña ng Department of Science and Technology (DOST), inaantay na lamang nila ang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Layon anya ng clinical trials na subukan kung makakatulong ang lagundi na magamot ang mga sintomas ng COVID-19 tulad ng pag-ubo, lagnat at sore throat.

Sa kasalukuyan ay ginagamit nang gamot sa ubo ang lagundi.

Sinabi ni Dela Peña na plano rin nilang pag-aralan ang Tawa-Tawa bilang supplemental treatment sa COVID-19 subalit kailangan pa nilang kumuha ng approval mula sa University of the Philippines Research Ethics Board.