15 anyos na dalagita ginahasa ng barangay peace keeping action team o BPAT member habang nasa quarantine facility sa bayan ng antipas Cotabato

Nakakulong na ang 35 anyos na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na nagsilbing frontliner na inakusahang gumahasa sa isang 15-anyos na dalagita sa loob ng isolation facility sa Brgy. Dolores, Antipas,.

Samantala, agad na inilipat ng Antipas Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO sa municipal quarantine facility ang biktima sa Brgy. Poblacion.

Nabatid ng Women child protection Desk ng Antipas PNP na Hulyo 12 nang mangyari ang panghahalay sa naka-quarantine na dalagita matapos na makipag-inuman sa nasabing suspek doon mismo sa isolation facility.

Sumunod na araw nang makatanggap ng text ang naturang biktima na nais ng BPAT member na maulit muli ang nangyari sa kanila noong gabi ng July 12, dahilan para magsumbong ang dalagita sa kanyang mga kaibigan.

Ayon sa ulat, hindi na umano nakapalag pa ang biktima dahil nakita nito ang kutsilyo sa gilid ng suspek na lasing nang ginawa ang panghahalay.

Kaugnay nito, nagsasagawa ng imbestigasyon ang Municipal Inter-Agency Task Force sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *