May bago nanamang kaso ng covid 19 ang bayan ng Antipas Cotabato na naitala kahapon ng Center for Health and Development ng Department of Health 12.
Ayon naman kay Cotabato IATF spokesperson BM Philbert Malaluan, ang biktima ay isang 33-year old na babae na isang Locally Stranded Individual namay travel history sa Manila.
Ang biktima ay inirefer ng Antipas Municipal Health Office sa Cotabato Regional Medical Center- Cotabato City dahil sa non-COVID related reasons.
Bilang bahagi ng CRMC hospital protocol, kinunan ng swab sample ang biktima at lumabas sa resulta na positive ito sa covid 19.
Ang biktima ay pang 31 kaso ng covid `19 sa lalawigan ng Cotabato matapos naitala kamakalawa ang anim na bagong kaso na mga naisugod sa CRMC dahil sa mga non-COVID reasons.
Naniniwala ang IATF Cotabato na sa nahawaan ang mga biktima ng Covid sa hospital.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)