Apat katao ang napatay kabilang ang dalawang security guards habang lima pa ang nasugatan at 18 ang naaresto matapos naganap ang engkuwentro sa Purok 6, Barangay Mabuhay.

Apat katao ang napatay kabilang ang dalawang security guards habang lima pa ang nasugatan at 18 ang naaresto matapos naganap ang engkuwentro sa Purok 6, Barangay Mabuhay,.

ayon sa Carmen Municipal Police Station,nagsimula ang labanan ng salakayin nang nasa 80 na armadong lalaki ang banana plantation na pagmamay-ari ng pamilya Puyod, bandang alas-8:30 ng umaga.

Sa nasabing sagupaan, minalas na masawi ang dalawang guwardya ng plantasyon na sina Kenneth Cabasingan, nasa hustong gulang, residente ng Mabini, Davao De Oro at Erben Rosalin, may asawa at taga-Brgy. Panibasan, Maco, Davao De Oro; kapwa nasa ilalim ng Cross Fire Security Agency.

Dalawa rin ang nasawi sa panig ng mga armadong grupo, lima ang nasugatan at 18 ang mga naaresto.

Kinilala ang mga napatay na mga suspek na sina Alijo Ecat Villa, 69, may asawa at taga-Purok 5, Brgy. Manay, Panabo City na idineklarang dead-on-arrival sa Rivera Medical Hospital, Panabo City at Jun Ortega ng New Israel, Makilala, North Cotabato.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Davao Regional Medical Center sa lungsod ng Tagum ang mga sugatan na sina Angelito Balaga Suarez, 39; Marjon Villa Adlaon, 33; Carpio Ecat Villa, 48; Leon Villa Dumanda, 59, at Flavio Censico Villa, mga obrero at residente ng New Israel, Makilala.

Sinabi ni Carmen Municipal Police Station Chief P/Major Jay Nocidal, ang sumalakay na mga armadong grupo ay unanh naharang ng mga guwardya noong buwan ng Enero at muling umatake nitong Miyerkules.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo sa pag-atake at engkuwentro.

Bunsod ng ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan , ilang landslide ang naganap sa tatlong barangay sa Alamada, Cotabato.

Bunsod ng ilang araw na sunod-sunod na pag-ulan , ilang  landslide ang naganap sa tatlong barangay sa Alamada, Cotabato.

Ayon kay Alamada Municipal Administrator Allan Singco kabilang sa mga barangay na nagkaroon ng landslide ay ang Brgy. Bao, Malitubog at Paruayan kung saan labis na naapektuhan nito ang daan sa Mahayahay-Siya siya-Bacolod papuntang Brgy. Bao.

Dahilan dito, hindi tuluyang makadaan ang mga residente sa nabanggit na baranggay at naapektuhan na din ang kanilang kabuhayan matapos na hindi maihatid at maibenta ang kanilang mga produkto sa pamilihang bayan.

Agad naman itong tinugunan ng lokal na pamahalaan ng Alamada at nagpadala sa mga apektadong barangay ng mga heavy equipments tulad ng backhoe at grader upang makapagsagawa ng Clearing operation.

Nagpapasalamat naman ang mga residente nito matapos ang isinagawang clearing operation at hindi tumagal ang kanilang problema na naidulot ng landslide.

Samantala, nagpaalala naman ang LGU-Alamada sa mga mamamayan nito na mag-ingat ngayong panahon ng tag-ulan dahil karamihan sa mga barangay nito ay “landslide prone” area.

Kagat nang lamok namay dala ng dengue

Dahil sa banta ng nakakamatay na kagat nang lamok namay dala ng dengue, pina-igting ngayon ng Rural health Unit ng bayan ng Makilala Cotabato ang kanilang kampanya.

Para masiguro ligtas ang mga evacuess na biktima ng lindok noong nakaraang taon na nasa mga evacutation center nagsagawa nang FOGGING OPERATIONS ang lokal na pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan ng mga pamilya ipinatupad naman ang  4S iwas Dengue, ito ay ang  Search and Destroy, Seek Early Consulation, Self-Protection Measures at ang Say Yes to Fogging in Times of Impending Outbreak.

Ngayong panahon nang tag-ulan inaasahan na nang kagawaran na taas ang kaso ng dengue dahil ito ang panahon nang pagdami ng lamok.

428 indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula Social Amelioration Program (SAP)

Aabot naman saa 428 indibidwal ang tumanggap ng ayuda mula Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng COVID Intake Card (CIC) noong araw ng biyernes.

Ang mga tumanggap na mga indibidwal ay mula sa ibat-ibang mga barangay gaya na lamang ng barangay Batasan kung saan (152) ang tumanggap, Cabilao (38), Indangan (15), Libertad (63), Luayon (44), Malabuan (31), Malungon (2), New Baguio (31), New Israel (40), ug Sta. Felomina (12).

Isinagawa ang pamamahagi nito sa Makilala Central Elementary School sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and development ng  Makilala LGU. sa tulong narin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at DILG.

ayon kay Makilala MSWDO officer Lina V. Cañedo, RSW, MPA, nasa 2, 031 na mga indibidwal ang tumanggap ng ayuda batay narin sa approved beneficiary list mula sa DSWD Head Office.

Samantala, hinihintay pa ng MSWD ang skedyul ng distribusyon para sa iba pang approved beneficiaries mula sa DSWD Region 12.

84 anyos na confirmed covid 19 case na taga Kidapawan City namatay na dahil sa complikasyon nang karamdaman.

Dalawa na ang confirmed covid 19 patient sa soccsargen region ang namatay dahil sa kumplikasyon ng karamdaman.

ang pinakahuling nasawi ay ang 84-anyos na lolo na taga Kidapawan City habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City,.

Ayon kay Cotabato Task Force COVID-19-North Cotabato, spokesperson Board Member Dr. Philbert Malaluan, ito ang kauna-unahang COVID-19 patient na naitalang namatay sa lalawigan ng Cotabato.

Ang pasyente na taga Barangay Sudapin, ay nakaranas ng kanyang komplikasiyon sa iniinda nitong sakit sa puso at pneumonia.

Ang unang namatay dahil sa covid 19 ay si patient number 600 na isa ring lolo na taga Isulan Sultan Kudarat.

Dahil dito, umakyat na sa 58 ang nasawi sa Rehiyon 12, batay sa ulat ng Center for Health Development ng DOH-12 kahapon. Ang lalawigan ng Sultan Kudarat ang may pinakamaraming kaso na nasa 19, sinusundan ng South Cotabato,18; Cotabato City, 15; North Cotabato, 9; Sarangani, 8; at General Santos City, 4.

Kinakalampag na ng ilang consumers ang Department of Trade and Industry (DTI) at National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay sa refund ng nabiling TV Plus Box ng ABS-CBN.

Kinakalampag na ng ilang consumers ang Department of Trade and Industry (DTI) at National Telecommunications Commission (NTC) kaugnay sa refund ng nabiling TV Plus Box ng ABS-CBN.

Ito ay kasunod nang pagpapalabas ng cease and desist order ng NTC laban sa digital satellite broadcast system ng ABS-CBN, Channel 43 at Sky Cable.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, nilapitan siya ng ilang consumers at nagpapatulong na maibalik sa kanila ang mga perang pinambili ng TV Plus Box.

Nilinaw naman ni Gadon na ilegal ang pagbebenta ng TV Plus Box kung kaya’t mas mainam na ibalik na lamang ng ABS-CBN ang perang pinambili ng mga consumers.

Samantala, matatandaang pinagbantaan ni Gadon ang NTC officials na kanya itong kakasuhan dahil hinayaan umano nitong umere ang ABS-CBN kahit expired na ang prangkisa noong ika-4 ng Mayo.

Panukalang batas na layong magtayo ng quarantine facility sa bawat rehiyon sa bansa.

Humingi ng suporta si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga kapwa nitong senador para sa panukalang batas na layong magtayo ng quarantine facility sa bawat rehiyon sa bansa.

Paliwanag dito ni Go na siya ring chair ng committee on health ng senado, oras na maging batas ito, hahanap ng lugar ang Department of Health (DOH) sa posibleng pagtatayuan ng quarantine facility sa tulong ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Public Works and Highways  (DPWH) at ilang mga local government units (LGUs).

Dagdag pa ni Go, DOH ang siyang mangangasiwa sa magiging kabuuang operasyon ng mga quarantine facilities.

Nauna rito, inihain ni Go ang Senate Bill No. 1529 o mandatory quarantine facilities act of 2020 nitong ika-13 ng Mayo na layong ihiwalay sa iba ang pasyenteng maaaring tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at ilagay ito sa mga naturang pasilidad nang hindi na ito makahawa pa.

Limang barangay sa bayan ng Pikit Cotabato ang binaha

Dahil sa walang humpay na buhgos ng ulan at pagbaba ng tubig baha mula sa mga upland area limang barangay sa bayan ng Pikit Cotabato ang binaha.

Nagsagawa ngayon ang lokal na pamahalaan ng Pikit Cotabato katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng damage assessment at need analysis.

Kabilang sa mga barangay na apektado ng pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan ay ang Brgy. Takepan, Dalingaoen, Panicupan, Ginatilan at Ladtingan.

Dahil dito, ilang pamilya na din ang lumikas matapos na mapasok ng tubig-baha ang kanilang mga tahanan.

Namahagi naman ang Mindanao Children Library Foundation Inc. ng mga tarapal upang pansamantalang maging silungan ng mga apektadong pamilya.

Sa ngayon ay nabigyan na ng tulong ang mga pamilya ng food assisstance mula sa lokal na pamahalaan.

Ang patuloy na pagbaha ay dulot ng sunod-sunod na pag-ulan matapos na opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang pagpasok ng rainy season kamakailan.

Inatasan ni Cotabato GOV. Nancy Catamco ang pulisya at provincial health office na magsagawa ng parallel inquiry at device measures

Inatasan ni Cotabato GOV. NANCY Catamco ang pulisya at  provincial health office na magsagawa ng parallel inquiry at device measures sa nangyaring discrimination sa kanilang frontliner na taga brgy. Lanao sa Kidapawan City.

Ibig ni Catamco na itoy maiwasang maulit muli dahil malaki ang papel na ginagampanan ng mga ito para matiyak na protektado ang mga mamamayan sa nakakahawa at nakakamatay nga corona virus disease o  covid 19.

Sa kanyang pahayag ipinagtataka ni Catamco kung bakit ito ginawa sa mga frontliner.

Hindi umano ito katanggap-tanggap sa isang highly civilized community gaya ng Cotabato province.

African Swine Flu o ASF free parin ang buong lalawigan ng Cotabato

African Swine Flu o ASF free parin ang buong lalawigan ng Cotabato sa kabila nang maraming mga baboy ang tinamaan sa kalapit na mga lalawigan at rehiyon.

Ayon kay Cotabato Provincial Veterinarian Officer Dr. RUfino Sorupia itoy resulta nang ginawang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na hindi makapasok ang nasabing virus sa mga alagang mga baboy.

Sa kasalukuyan ay nanatiling mahigpit ang pagbabantay sa mga provincial boarder kung ipinagbabawal ang pagpsok nang mga meat products nang hindi dumaan sa tamang pagsusuri.

samantala, tiniyak ni Soropia hindi naapektuhan ang raising industry sa lalawigan sa gitna nang banta ng asf.

Voice clip –