Malaking tulong upang mapabilis ang pagsasagawa ng test sa mga covid 19 suspect ang ibinagay na dalawang real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) machines

Malaking tulong upang mapabilis ang pagsasagawa ng test sa mga covid 19 suspect ang ibinigay na dalawang real-time reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) machines sa Southern Phippines Medical Center (SPMC).

Ayon kay SPMC medical professional staff chief Dr. Ricardo Audan, ang RT-PCR machines ang ininigay ng conglomerate San Miguel Corporation (SMC) at Ayala Group of Companies  namay kakayahang magapagsagawa ng  1,000 test samples.

Ayon Audan dahil sa pagsirit g kaso ng covid 19 sa davao region ay lubhang kailangan ang dagdag na RT-PCR machines para sa pagtukoy sa mga positive cases.

ang SPMC at Davao Regional Medical Center (DRMC) sa rehiyon ang accredited ng  DOH-Research Institute for Tropical Medicine ang may kakayahan magapagsagawa ng Covid-19 tests.

Nasa higit 200,000 mga sanggol ang inaasahang isilang sa susunod na taon bunsod nang ipinatupad na lockdown sa Pilipinas

Nasa higit 200,000 mga sanggol ang inaasahang isilang sa susunod na taon bunsod nang ipinatupad na lockdown sa Pilipinas.

Ayon kay Juan Antonio Perez III, executive director ng Commission on Population (POPCOM), nasa 214,000 mga sanggol ang posibleng isilang sa 2021 bunsod ng unplanned pregnancies.

Sinabi ni Perez, ito ay batay na rin sa pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute kung saan nakasaad din na nasa 600,000 mga kababaihan ang hindi nakakuha ng family planning supplies.

Nangangahulugan aniya ito ng isang pagbubuntis sa bawat tatlong kababaihan na hindi nakakuha o nakatanggap ng family planning supplies na kanilang kailangan.

Sinabi ni Perez, apektado kasi ang family planning services simula noong ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paralisadong pampublikong transportasyon sa Luzon.

Isang bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nadakip

Isang bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng pamumuno ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ang nadakip ng pinagsanib pwersa ng pamahalaan.

Nakilala ang suspek na si Norhasim Esmael alyas Momong Esmael, 25 anyos,may asawa at residente ng nasabing bayan.

Ayon kay Isulan Chief of Police,Lieutenant Colonel Modesto Carrera na nahuli ang suspek nang pinagsanib na pwersa ng Special Action Force, SAF Battalion, Sultan Kudarat Intelligence Unit, Ampatuan Intel Unit, Sultan Kudarat Highway Patrol Group at Isulan MPS sa Brgy Poblacion.

Si Esmael ang itinurong prime suspect sa pambobomba sa Isulan Sultan Kudarat noong 2018.

Nahaharap si Esmael sa 5 counts of complex murder with multiple frustrated murder na inisyu ng korte sa Isulan.

Sa kasalukuyan ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Isulan PNP at nakatakdang i-presenta sa korte ngayong araw.

Lalawigan ng Cotabato may bagong kaso ng positive sa covid 19 na isang 29 anyos na babae.

May isa namamang kaso ng positibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Inter-Agency Task Force on Covid 19 Manager Cotabato 2nd District Board Member Dr Philbert Malaluan, ang pasyente ay 29 anyos na babae namay travel history sa Quezon City, Locally Stranded Individual (LSI) at residente ng Libungan Cotabato.

Dumating ang biktima noong Hunyo 17 at agad nakitaan ng sintomas ng Covid kaya isinailalim sa PCR swab test.

Nagpositibo ang pasyente sa Covid 19 kaya agad itong inilipat sa Provincial Isolation Facility.

Dagdag ni BM Malaluan na asymptomatic at nasa maayos na kondisyon ang 29 anyos na LSI.

Matatandaan na ang unang limang nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya ng Cotabato ay gumaling at nagnegatibo na sa nakakahawang sakit.

Agad inatasan ni Libungan Mayor Christopher “Amping”Cuan ang Municipal Health Office (MHO) na magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng biktima.

Tatlong bagong kumpimadong kaso ng covid 19 naitala ng Center for health and Development ng Department of Health 12.

Nadagdagan pa ng tatlo ang kumpirmadong  kaso ng covid-19 ang lalawigan  sa kabila ng mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad at pagsasailalim sa mahigpit na quarantine at isolation protocols.

Batay sa datos na inilabas ng Center for health and Development ng Department of Health Region 12, tatlong positibong kaso ang nadagdag sa lalawigan kung saan lahat sila ay mula sa bayan ng Tupi.

Batay sa impormasyon, kabilang sa mga nagpositibo ay isang 35 anyos na lalaki na isang locally stranded individual mula sa Manila na dumating noong Hunyo 11, 45 anyos na seaman na dumating noong Hunyo 13, at pinakahuling naitala ang isang 58 anyos na OFW na sa kasalukuyan ay nasa isolation facility na.

Ngunit nasa maayos na kalagayan ang mga ito at hindi nakitaan ng anumang komplikasyon.

Matatandaang nagpalabas si Governor Reynaldo Tamayo ng isang executive order kung saan pinag-iingat ang lahat mula sa mga LSIs at OFWs na posibleng nagpositibo sa covid-19 nang dumating sa probinsya.

Isang misis ang napatay ng saksak ng kanyang mister namay problema sa pag-iisip

Isang misis ang napatay ng saksak ng kanyang mister namay problema sa pag-iisip sa bayan ng Aleosan Cotabato kahapon.

Ang ginang ay nagtamo ng maramong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan mula sa pananaksak ng hindi pinangalanang suspek sa barangay Palakat.

Ayon sa mga anak ng biktima biglang tinupak ang kanilang ama namay deperensya sa pag-iisip at napatay ang kanilang ina.

Ang hindi pag-inom nang gamot ng suspek ang isa sa nakikitang dahilan pag-atake sa sakit ng suspek.

Matapos ang insidente agad namang naaresto ng mga otoridad ang suspek, samantala dahil sa sama ng panahon at prone sa baha ang kanilang lugar nagdesisyon ang pamilya ng biktima sa barangay Baliki na lalamayan ang kanilang ina.

Mahigit 26,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Mahigit 26,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 16), umabot na sa 26,781 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 364 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 249 ang “fresh cases” habang 115 ang “late cases.”

Nasa lima pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,103 na.

Ayon pa sa DOH, 301 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 6,552 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Isang testigo sa Maguindanao massacre case ang tinambangan, nasawi ang driver ng Department of Justice (DOJ) region 12

Sa Tantangan, South Cotabato patay ang driver ng Department of Justice (DOJ) region 12 habang nakaligtas naman ang isang testigo sa Maguindanao massacre case at escort nito makaraang pagbabarilin sa national highway Purok Maligaya, Barangay Bukay Pait, pasado alas-10:00 kaninang umaga.

Ayon kay South Cotabato Provincial Police Director Colonel Jemuel Siason, kinilala nito ang binawian ng buhay na si Richard Escovilla.

Minamaneho ni Escovilla ang Toyota Innova na grey na may plate# ZPU 341 mula sa direksyon ng Tacurong City sakay ang naturang testigo at escort nito na papunta sana ng airport subalit pagsapit sa kurbadang bahagi ng lugar pinagbabaril ang mga ito ng hindi nakilalang mga suspetsado na nakasakay sa Mitsubishi Montero.

Matapos matamaan ang driver, nawalan ito ng kontrol sa manibela at nabunggo sa isang kainan sa gilid ng highway.

Nakaligtas naman sa pamamaril ang naturang testigo na hindi na kinilala ni Siason dahil sakop ito ng Witness Protection Program (WPP) para na rin sa seguridad nito at kanyang escort.

Maari umanong pinagplanuhan ang nangyaring krimen at posible may kaugnayan ito sa kaso ng Maguindanao massacre, ayon kay Siason.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon at hot pursuit operation laban sa mga suspek na agad tumakas matapos ang nangyaring pamamaril.

Ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic straws at panghalo ng mga inumin o stirrers

Inihain na sa Senado ang panukalang tuluyang ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic straws at panghalo ng mga inumin o stirrers.

Sa Senate Bill 1866 ni Sen. Risa Hontiveros na tatawaging “The Plastic Straw and Stirrer Ban of 2018”, ipagbabawal ang lahat ng uri ng plastic straws at stirrers na gawa sa mga non-biodegradable material sa mga restaurants at iba pang uri ng establishments.

Aatasan din ang mga food service establishments at iba pang uri ng service providers katulad ng mga sari-sari stores na maglagay o mag-display ng signs na nasasabi sa mga customers tungkol sa “no plastic straw at strirrer” policy.

Naniniwala si Hontiveros na makakatulong ang panukala para mabawasan ang paggamit ng mga plastic na kalimitang nakakarating sa mga karagatan.

Sinabi pa ni Hontiveros na ang mga plastic straws at drink stirrers ay ikinokonsidera ng mga environmental advocates na mga “gateway plastics.”

Layunin din ng panukala na mabago ang ugali ng mga tao at makumbinsi ang mga ito na tigilan na ang paggamit ng mga plastic products na nakakasira sa kalikasan.

Pero papayagan naman ang mga food service establishments na magbigay ng straws sa mga taong nangangailangan nito dahil sa disability o medical condition.

Aminado ang Department of Health (DoH) na kumplikado ang kaso kaugnay ng P8.1 billion na barangay health centers project

Aminado ang Department of Health (DoH) na kumplikado ang kaso kaugnay ng P8.1 billion na barangay health centers project noong nakaraang administrasyon kayat siguradong matatagalan pa ang imbestigasyon dito.

Ayon kay DoH Usec. Rolando Enrique Domingo, base umano sa pagdinig ng Senado sa isyu ay parehong may kwestiyon sa mga pahayag ng contractor ng nasabing proyekto maging ang mga pahayag ni dating Health Sec. Janette Garin na naiipit ngayon sa kontrobersiya.

Naging problema rin umano ang kakulangan ng koordinasyon ng DoH at Department of Education (DepEd) kayat tinanggal ang ilang health centers na naitayo na sa mga paaralan.

Layon kasi umano ng naturang proyekto na sa mga paaralan maipatayo ang mga barangay health centers