Inihain na sa Senado ang panukalang tuluyang ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic straws at panghalo ng mga inumin o stirrers.
Sa Senate Bill 1866 ni Sen. Risa Hontiveros na tatawaging “The Plastic Straw and Stirrer Ban of 2018”, ipagbabawal ang lahat ng uri ng plastic straws at stirrers na gawa sa mga non-biodegradable material sa mga restaurants at iba pang uri ng establishments.
Aatasan din ang mga food service establishments at iba pang uri ng service providers katulad ng mga sari-sari stores na maglagay o mag-display ng signs na nasasabi sa mga customers tungkol sa “no plastic straw at strirrer” policy.
Naniniwala si Hontiveros na makakatulong ang panukala para mabawasan ang paggamit ng mga plastic na kalimitang nakakarating sa mga karagatan.
Sinabi pa ni Hontiveros na ang mga plastic straws at drink stirrers ay ikinokonsidera ng mga environmental advocates na mga “gateway plastics.”
Layunin din ng panukala na mabago ang ugali ng mga tao at makumbinsi ang mga ito na tigilan na ang paggamit ng mga plastic products na nakakasira sa kalikasan.
Pero papayagan naman ang mga food service establishments na magbigay ng straws sa mga taong nangangailangan nito dahil sa disability o medical condition.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)