Upang maiwasan na ang naganap na mga fish kill sa lawa ng Barangay Lake Seloton hinigpitan na monitoring ng provincial government at Office of the Municipal Agriculturist o OMAG.

Lake Sebu – Upang maiwasan na ang naganap na mga fish kill sa lawa ng Barangay Lake Seloton hinigpitan na monitoring ng provincial government at Office of the Municipal Agriculturist o OMAG.

Maliban sa monitoring isasailalim din ang  lawa sa Rehab Program ng Lake Sebu Rehabilitation Conservation and Development Program (LSRCDP) para linisin at alisin ang mga illegal na fish cages at water lilies sa lugar.

Napag-alaman, batay sa National Fisheries Code, nasa 10% lamang ng lake ang pinapayagang gamitin dahil sa patuloy ang ginagawang clean-up drive ng gobyerno sa nasabing lawa.

Matatandaan milyon-milyong halaga ng isda ang namatay dahil sa fish kill noong nakaraang mga buwan.

Isang dispatser ang pinatay ng hindi pa kilalang suspek sa araw ng kanyang birthday kahapon ng umaga sa Tahimik Drive, Bangkal,Davao City

Davao City – Isang dispatser ang pinatay ng hindi pa kilalang suspek sa araw ng kanyang birthday kahapon ng umaga sa Tahimik Drive, Bangkal,Davao City.

Nakilala ang biktima nasi Jomart Colina Poral, 25-anyos, construction worker at dispatser, residente ng Purok 14, Crossing Ulas, Barangay Talomo Proper.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang pamamaril habang sakay ng jeep ang biktima kasama ang maraming mga pasahero.

Matapos paputukan ng maraming beses at nakumpirmang napatay ang biktima tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Talomo Police Station Chief, Chief Inspector Ronald Lao, batay sa kanilang record baliban sa maoy ang biktima nasangkot din ito sa kaso ng Akyat-Bahay at physical injury.

Isang bilango na may kasong rape ang nagpakamatay matapos humingi ng tawad sa kanyang biktima

Maasim SArangani Province- Isang bilango na may kasong rape ang nagpakamatay matapos humingi ng tawad sa kanyang biktima.

Ayon kay Police Chief Insp. Nestor Calipho, batay sa suicide note ni Usman Undong Andam, 55-anyos, taga-brgy. Lumatil, nagsisisi na ito sa kanyang ginawang panggagahasa sa kanyang stepdaughter.

Kamakalawa ng madaling araw nagulat na lamang ang mga kasamahan nito na nakabitin na gamit ang malong sa loob ng kanilang selda ang suspek.

Hindi umano napansin ng mga kasamahan nito ang pagpapakamatay dahil tulog sila ng isigawa ng suspek ang pagbitin sa kanyang sasrili.

Naki-usap ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga mamamayan na iwasan ang pag-share sa mga unverified reports kaugnay sa Philippine money

Naki-usap ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga mamamayan na iwasan ang pag-share sa mga unverified reports kaugnay sa Philippine money.

Ginawa ng BSP ang paki-usap ng kumalat sa social media ang mga pekeng ulat kaugnay sa P10,000 banknotes.

Ayon sa BSP ang New Generation Currency (NGC) banknotes na inilabas nila ay anim na mga denominations lamang, tulad ng P1,000; P500; P200; P100; P50; at P20.

Kumalat sa Social Media ang desensyo ng mga barya ng 20 pesos hanggang 10,000 pesos.

Russia – Bawal na ang open-air drinking party sakaling matapos na ang FIFA World Cup tournament

Russia – Bawal na ang open-air drinking party sakaling matapos na ang FIFA World Cup tournament.

Hindi na pwedeng uminom sa publiko ang mga Russians pagkatapos mismo ng World Cup dahil nakita umano na nagbubulag-bulagan ang law enforcement officials sa violations ng public drinking ban.

Maaari pa namang uminom at magsaya sa pampublikong lugar sa Russia ngayon kasabay ng kabi-kabilaang selebrasyon ng mga football fans para sa sinusuportahang koponan sa World Cup na pasok na sa quarterfinals.

Southern France – isang Chinese business tycoon ang nasawi matapos mahulog sa isang gusali

Southern France – isang Chinese business tycoon ang nasawi matapos mahulog sa isang gusali .

Ang 57-anyos na si Wang Jian ay nasa business trip sa France at ng ito ay kumukuha ng larawan ay bigla na lamang itong nahulog.

Ayon sa kapulisan, nakatayo sa dulo ng isang gusali at habang kinukuhanan ng larawan ang kaniyang pamilya ay nahulog ito.

Walang nakitang anumang ‘foul play’ ang mga otoridad dahil maraming katao ang nakasaksi sa insidente.

Si Jian ay bigboss ng kumpanyang HNA Group sa China.

Pumapalo na sa isandaan at tatlumpu’t siyam (139) ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa HIV-AIDS

Pumapalo na sa isandaan at tatlumpu’t siyam (139) ang naitala ng Department of Health (DOH) na nasawi dahil sa HIV-AIDS sa unang apat na buwan ng taong ito.

Ipinabatid ng DOH na sa nakalipas na buwan lamang ng Abril, nasa animnapu’t anim (66) na ang namatay dahil sa HIV-AIDS na pawang mga lalaki.

Ayon pa sa DOH, nasa tatlong libo pitong daan at tatlumpung bagong kaso ng HIV ang naitala mula Enero hanggang Abril.

Tatlong libo limandaan at limampu’t tatlo (3,553) rito ay lalaki at nasa isandaan at pitumpu’t pito (177) naman ang babae.

Nakasaad din sa datos na tatlumput dalawang porsyento ng mga bagong kaso ng HIV-AIDS ay mula sa Metro Manila, labimpitong (17) porsyento sa Calabarzon at sampung (10) porsyento sa Central Luzon, siyam na porsyento sa Central Visayas at pitong porsyento sa Region 11.

Ang mga nasawi ay may edad labinglima (15) hanggang tatlumpu’t kuwatro (34) at malaking porsyento rito ay mga lalaki na nagkaroon ng HIV-AIDS dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki.

Posibleng sabwatan ang nasa likod ng kabiguan ni dating Environment Secretary Gina Lopez na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Posibleng sabwatan ang nasa likod ng kabiguan ni dating Environment Secretary Gina Lopez na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdiriwang ng 31st Founding Anniversary ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City.

Ayon kay Pangulong Duterte, maraming naka-banggang malaking kumpanya  sa mining industry si Lopez dahil sa pagpapasara sa mga minahan.

Sa kabila nito, hindi anya titigil ang gobyerno na tuluyang ipagbawal ang open-pit mine.

Ginisa sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography ang contractor ng Tsekap Project

Ginisa sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography ang contractor ng Tsekap Project o pagpapatayo ng School Based-Barangay Health Station ng Department of HEALTH na nagkakahalaga ng 8.1 Billion Pesos.

Kinompronta ni Senador Sherwin Gatchalian si JBROS Construction Company  Spokesperson, Atty. Julieann Jorge dahil sa kabiguan nilang tumalima sa kontrata.

Nagbanta pa si Gatchalian na pagbabawalan ang JBROS na makipag-transaksyon sa gobyerno bagay na inalmahan ni Jorge.

Inakusahan naman ni Health Undersecretary Roger Tongan ang JBROS ng “overbilling”  o sobrang paninigil para sa 15,700 barangay health stations sanang itatayo subalit nang itigil ang kontrata ay 270 lamang ang nakumpleto.

Samantala, binatikos ni Health Secretary Fransisco Duque the Third si dating Secretary Janette Garin dahil sa kawalan umano ng maayos na plano nang ilarga ang proyekto sa ilalim ng Aquino Administration.

Mahigit 80 pang websites ng gobyerno ang hindi ma-access

Mahigit 80 pang websites ng gobyerno ang hindi ma-access, simula pa noong Martes.

Kabilang na rito ang mga website ng Office of the Vice president,  Department of Information and Communications Technology, Bureau of Customs at Immigration.

Gayunman, nilinaw ni D.I.C.T. Assistant-Secretary Allan Silor, hindi naman na-hack ang mga nasabing government website at wala ring na-kompromisong data.

Ipinaliwanag ni Silor na may hard drive lamang na pumalya dahil sa kalumaan at kailangan nang palitan.

 

Tiniyak naman ng D.I.C.T. Official na bago mag-weekend ay maibabalik na  ang mga bumagsak na website.