Sa Datu Salibo. Maguindanao, patay ang dalawang sundalo sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Karailan faction sa boundary ng Datu Salibo at Sharif Saydona Mustapha alas 5:40 ng umaga kahapon.

Nakilala ang mga napatay na sina PFC Jovit Sarno at PFC Raymond Canlog kapwa miyembro ng 57th Infantry Batallion Philippine Army.

Napag-alaman na nagsagawa ng opensiba ang militar sa mga lugar kung saan nagkukuta ang mga rebelde at target sa operasyon si Ustaz Hassan Indal chairman ng darul iftah organization at iba pang kasamahan nito.

Sa ngayon ay patuloy ang opensiba ng militar sa mga lugar kung saan nagkukuta ang target at iba pang kasamahan nito.

General Santos City- May person of interest nang tinututkan ang pulisya sa pagpatay sa isang security guard sa loob mismo ng kanyang bunk house sa Purok 28, Barangay Fatima, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Station 7 commander P/Major Heilbronn Okoren, ang biktima na si LD Marl Baylosis, 34-anyos nagtatrabaho bilang guwardiya sa lupain na pagmamay-ari ng pamilyang Alcantara.

Ayon kay Okoren, dakong alas-8:40 ng gabi habang naglalaro ng video games ang biktima nang bigla na lamang pinasok at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek saka tumakas.

Isinugod pa sa ospital si Baylosis subalit idineklarang dead-on-arrival nang attending physician dahil sa tinamong tama ng bala mula sa .45 caliber pistol sa ibat-ibang parte ng katawan.

Away sa lupa ang isa sa motibong  nakikita ng mga otoridasd sa pagpaslang sa biktima.

Sa Davao Del Sur , Tumama ang magnitude 3.2 na lindol kanina.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 10 kilometers Southeast ng Kiblawan bandang 12:34 ng madaling-araw.

Tectonic ang origin at siyam na kilometro ang lalim ng pagyanig.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Sa Sultan Kudarat, Magundanao, Isang rape suspek na itinurong nanggahasa sa isang Grade 2 pupil ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang pursuit operation.

Kinilala ng Sultan Kudarat MPS ang suspek na si Abubakar Guinda Kamensa, 30 anyos, walang asawa na residente ng Brgy. Katuli.

Alas 12:45 ng tanghali nang i-ulat ng ama ng walong taong gulang na biktima sa pulisya ang di umanoy ginawang panghahalay ng suspek sa kanyang anak.

ang suspek ay nakatakdang sasampahan ng kaukulang kaso ngayong araw, samantalang ang biktima naman ay isinailalim sa medical examination.

Patay ang dalawang sundalo sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF Karailan faction sa boundary ng Datu Salibo at Sharif Saydona Mustapha alas 5:40 ng umaga kahapon.

Nakilala ang mga napatay na sina PFC Jovit Sarno at PFC Raymond Canlog kapwa miyembro ng 57th Infantry Batallion Philippine Army.

Napag-alaman na nagsagawa ng opensiba ang militar sa mga lugar kung saan nagkukuta ang mga rebelde at target sa operasyon si Ustaz Hassan Indal chairman ng darul iftah organization at iba pang kasamahan nito.

Sa ngayon ay patuloy ang opensiba ng militar sa mga lugar kung saan nagkukuta ang target at iba pang kasamahan nito.

Itinuturing na pinakadelikadong bansa sa Asya ang Pilipinas para sa mga tagapagtanggol ng Inang Kalikasan.

Ayon ito sa watchdog na Global Witness na nagsabi pang ikalawa ang Pilipinas sa Colombia sa mga bansa sa mundo na most dangerous para sa land defenders.

Sa report ng Global Witness 43 ang nasawi sa Pilipinas partikular mula sa Mindanao at Negros kumpara sa 30 lamang nuong 2018.

Lumalabas din sa report na kalahati ng mga naitalang pagpatay na  nangyari simula nang manungkulan ang Pangulong Rodrigo Duterte nuong 2016 ay ini-uugnay sa armed forces o paramilitary groups.

Kabilang sa mga nasawi ay indigenous leaders, magsasaka at mga empleyado ng gobyerno na inatasang mangalaga sa kalikasan.

Ipinabatid pa ng Global Witness na mahigit kalahati ng bilang ng mga nasawi ay may kaugnayan sa agribusiness at 16 na insidente ng pagpatay ay iniuugnay sa mining na maituturing na pinakamataas na bilang sa buong mundo.

Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Army Chief Lt. General Gilbert Gapay bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) chief.

Kasunod na rin ito ng nakatakdang pagreretiro ni AFP Chief General Filemon Santos sa August 4.

Nagpasalamat si Gapay sa Pangulong Duterte sa tiwala sa kaniya at makakatiyak aniya ang sambayanan na ipagpapatuloy niya ang mga magagandang nasimulan ng mga naunang pinuno ng AFP para sa makapaglingkod ng tapat sa mga Pilipino.

Winelcome naman ng AFP ang kanilang bagong pinuno.

Una nang binisita ni Santos ang mga tropa sa Philippine Navy na nagbigay sa kaniya ng honorary flag rank command badge at Philippine Army  na nagkaloob naman sa kaniya ng Combat Commander’s Kagitingan badge.

Kapwa nagbigay din ng briefing kay Santos ang mga hepe ng Navy at Army hinggil sa kanilang command accomplishments.

Ikinakasa na ng gobyerno ang pooled testing bilang isa sa malaking pagbabagong ipatutupad kaugnay sa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque natapos na ang ginawang pilot testing para sa pooled testing na isasapinal sa pulong ng IATF kasama ang Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw na ito.

Ipinabatid ni Roque na kapag naipatupad na ang pooled testing maaaring nasa P300.00 na lamang ang bayaran para sa COVID-19 test.

Lalabas aniyang paghahatian ng sampung taong sasailalim sa pooled testing ang isang testing kit na nasa hanggang P3,000 ang kada isa.

Suko na ang Malakaniyang sa prediksyon ng mga expert mula sa University of the Philippines (UP) matapos lumobo ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa gitna na rin ito ng posibilidad na malampasan ang 85,000 mark forecast ng up hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque nangyari na ang prediksyon kaya’t walang dapat ipagdiwang subalit hindi naman ito dahilan para panghinaan ng loob at hayaang dumami pa ang mga tatamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Roque na mas higit pang dapat paigtingin ang contact gtracing, testing, treatment at isolation para epektibong mapigilan ang pagkalat ng virus na nagawa na rin naman sa Cebu City kayat tiyak na magagawa rin sa Metro Manila.

Inihayag ni Roque na nakakalungkot man subalit ito ang realidad kayat dapat na patuloy na mag ingat ng publiko para makaiwas sa COVID-19.

Nadagdagan pa nang mahigit 1,800 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (July 29), umabot na sa 85,486 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 56,528 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,874 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakuha ang mga datos mula sa 83 out of 91 licensed laboratories.

Nasa 16 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,962 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 388 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 26,996 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.