Naging makasaysayan ang pagdiriwang ng World Nature Conservation Day sa Makilala, North Cotabato.

Ito ay dahil itinaon ang pagrelease sa kagubatan sa na- rescue na Philippine Eagle na pinangalanang “Makilala Hiraya”.

Pinangunahan ng Philippine Eagle Foundation, LGU Makilala, DENR XII, Energy Development Corporation at Brgy Officials ng Barangay Batasan ang pagpapakawala ng nasabing batang agila, bandang alas 10:00 ng umaga sa kagubatan ng Barangay Batasan.

Si Makilala Hiraya ay unang na rescue noong Hunyo 8, 2020 ng mga magsasakang sina Artemio Henilo, Joefrey Booc at Joel Arombo ng Purok 3a, Barangay Kisante, Makilala.

Ayon sa mga rescuers pinagtulungan ng aabot 20 na mga uwak ang agila kaya nahulog sa lupa.

Agad naman itong ipinagkatiwala sa Philippine Eagle Foundation para sa tamang paggamot at pangangalaga. Ang agila ay isang babae at tinatayang may edad na 3-4 taong gulang. Si Philippine Eagle “Makilala Hiraya” ay isang pruweba na buhay na buhay parin ang ecology at nasa tamang pangangalaga ang kagubatan ng bayan ng Makilala.

Puspusan ang ginagawang road rehabilitation ng Provincial Engineering Office (PEO) sa iba’t ibang mga barangay sa unang distrito ng Cotabato.

Sa Barangay Sinawigan, Libungan, dalawang kilometro ang inayos na kalsada sa District 4 at anim na kilometro naman sa district 6.

Pinasalamatan  ni Brgy. Captain Vingson ang agarang aksyon ng PEO sa kanilang kahilingang road rehabilitation.

Samantala, ayon sa fleet monitoring team, nagsagawa rin ng road maintainance at graveling sa provincial road na tumatahak sa mga barangay ng Nicaan, Bao at Malitubog kamakailan.

Ipinagpatuloy rin ang pag semento sa daan na nagkokonekta sa Barangay Kiyaring, Banisilan.

Kahapon ay sinimulan na rin ang unang beses na  rehabilitasyon ng kalsada sa Sitio Helmet, Barangay Dado, Alamada.

Ang pagsasaayos ng mga  kalsada sa mga barangay partikular ang mga farm to market roads ay prioridad ni Governor Nancy Catamco bilang mahalagang bahagi ng kanyang programang food security na layong mas  paunlarin ang sektor ng agrikultura  sa lalawigan ng Cotabato.

Inaprobahan ng Provincial Anti-Illegal Drugs Abuse Council (PADAC) sa pangunguna ni Gob. Nancy Catamco ang programa nito kalakip ang budget para dito.

Kalakip sa mga programang ito ay ang mga sumusunod: Support to Anti-Drug Enforcement, Support to Provincial Anti-Drug Abuse Council, North Cotabato Kontra-Droga Community Development, education and Prevention Program, Establishment of Provincial Treatment and Rehabilitation Center (Balay Silangan), Development of a Community Treatment Rehabilitation Program. Ang nilaang budget nito ay nagkakahalaga ng P44,653,000.

Nasa PADAC meeting din si WestMinCom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana PA, BGen. Roberto Capulong AFP, PD DILG Ali Abdulah, PD PCol. Henry Villar, BM Onofre Respicio, BM Dulia Sultan, BM Jonathan Tabara, Mayor Susing Sacdalan, Mayor Pip Limbungan, Mayor Rene Robino, Mayor Jonathan Mahimpit, Mayor Cheryl Catamco, Mayor Vicente Surupia, Mayor Jean Dino Roquero, Russel Abonado, Jesus Alisasis, Romeo Araña, Vicente Sorupia Jr at VM Chris Cadungon ng antipas.

Magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa operasyon ng paaralan ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc., (MISFI) sa lalawigan ng Cotabato.

Ito ay pagkatapos na nagpasa ng resolution si Mlang Mayor Russel Abonado sa pagpupulong ng PPOC na pinangunahan ni Gob. Nancy Catamco kahapon, na bubuo ng grupo na syang mangangasiwa sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa operasyon ng MISFI.

Ang MISFI ay may mga paaralan sa Barangay Kisante Makilala, Brgy. Batang Tulunan, Brgy. Datu Celo Magpet, at Manarapan Carmen.

Ang hakbang na ito ay tugon na rin sa rekomendasyon ni 1002nd Brigade Commanding Officer Col. Potenciano C. Camba pagkatapos ng presentasyon nito tungkol sa Peace and Order situation ng lalawigan.

Ang nasabing paaralan umano ay nagtuturo ng mga idolohiya laban sa gobyerno at wala rin silang permit to operate.

Nagpasalamat si Governor Nancy Catamco sa lahat ng ahensyang nagtulungan upang maihatid ng maayos pabalik sa North Cotabato ang mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Sinabi ng Gobernador na malaking tagumpay ang dulot ng pagkakaisa ng mga ahensya upang maserbisyuhan ng tama ang mga mamamayan. 

Naghayag din ng kasiyahan ang Gobernador sa pabaon na cash assistance ng DSWD 12 sa mga drivers ng Partas Bus line na naghatid ng Locally Stranded individuals (LSI) sa probinsya.

Personal na namahagi ng assistance na tig 2,500 pesos sa pangunguna ni Ms. Rose Marie Alcebar, Provincial DSWD team leader.

Masayang tinaggap ng mga driver ang biyaya mula sa DSWD at ang pabaon na pagkain mula sa TF Sagip Stranded North Cotabateños.

Bago tuluyan lumisan sa wiwigan ng Cotabato, namili ang mga drivers na nang prutas sa mga nagtitinda sa tabi ng national highway.

Malugod na tinaggap ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang mahigit dalawang daan returning locally stranded individuals (LSIs) sa provincial capitol compound sa Kidapawan City.

Ayon kay Governor Nancy Catamco, walang ibang dapat tumanggap sa mga LSIs kundi sila dahil mga residente ito ng lalawigan.

Kasama ang mga nasabing LSIs sa mahigit dalawang daang indibidwal na pinauwi sa lalawigan ng Cotabato galing Metro Manila.

Matatandaang na-stranded ang mga nabanggit na indibidwal sa labin-dalawang bus ng Partas Bus Company at ni-rescue naman ng lokal na pamahalaan.

Ang mga ito ay agad naman na-turn over  sa kanilang LGU of Origin matapos sumailalim sa decontamination.

NADAGDAGAN pa ng dalawa ang covid 19 SUSPECTED CASE sa bayan ng kabacan Cotabato dahilan umakyat na sa apat ang sinusubaybayang kaso.

Ang mga ito ay nakaquarantine na sa bayan at mahigpit na minomonitor ng RHU at BHERT.

Kaugnay nito, hinimok ni Kabacan Incident Commander at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang publiko na huwag ipagwalang bahala ang kampanya ng pamahalaan na sumunod sa mga ipinapairal na alituntunin at higit sa lahat ay palakasin ang immune system sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain.

Samantala, pumalo na sa 1385 ang cleared habang nasa 175 naman ang nagpapatuloy sa kani-kanilang mga quarantine na mga locally stranded Individuals.

Labing bagong kaso ng covid 19 ang naitala sa buong soccsargen kahapon dahilan upang sumampa na sa 246 ang kabuuang kaso.

Sa pinakahuling tala na inilabas ng center for health and development ng Department of health 12 alas kwatro kahapon pito mula sa nasabing bilang ang mula sa lalawigan ng south Cotabato, dalawa mula sa  lalawigan ng Sarangani.

Samantala, nai-ulat naman ang  apat na covid 19 patient ang gumaling tig dalawa mula sa lalawigan ng Cotabato at Sultan Kudarat.

Pumalo na sa 36 ang kumpirmadong kaso ng covid 19 sa lalawigan ng Cotabato matapos naitala ang dalawang bagong kaso kahapon.

Ayon kay Covid-19 Task force at EOC Manager Board Member Dr. Philbert Malaluan ang ika-35 kaso ay isang  32 anyos na lalaki mula sa bayan  ng Midsayap.

Una itong na confined sa  Cotabato Regional and  Medical Center (CRMC) noong July 13 dahil sa  kidney/non-COVID reasons.

Ngunit noong July 23, nakaramdam ito ng hirap sa paghinga dahilan upang e swabbed ito  noong July 24.

Kasalukuyan itong  asymptomatic, nasa stable na kondisyon at nananatiling naka confined sa CRMC.

Ang ika-36 na kaso naman ay isang 35 taong gulang na lalaki na residente ng bayan  ng M’lang.

Isa itong Locally Stranded Individual (LSI) mula Cebu at na swabbed noong  July 28 bilang bahagi ng  requirements sa mga pasaherong bumababa sa  Davao International Airport.

Kasalukuyan rin itong  asymptomatic, nasa stable condition at naka  isolate sa  LGU Isolation Facility.

Tiniyak din ni BM Malaluan na kasalukuyan nang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Delikado ang mga mahihirap, kapag ibinalik ang parusang kamatayan.

Ito ang ibinabala ni Senadora Grace Poe, kasunod ng nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga may kasong sangkot sa ilegal na droga.

Paliwanag ng senadora, mahihirapan kasi ang mga mahihirap na depensahan ang kanilang sarili at mapatunayan ang kanilang pagiging inosente dahil sa kakapusan ng pera.

Dahil dito, iginiit ni Poe na kailangan na ang pag reporma sa sistema ng hustisya sa bansa.