Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol sa Davao Oriental, kahapon ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 81 kilometers Southeast ng Manay bandang 11:12 ng umaga.

May lalim ang lindol na 59 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensities:

Intensity 3 – Manay, Davao Oriental

Intensity 2 – Davao City

Naitala naman ang instrumental Intensities sa:

Intensity III – Malungon, Sarangani

Intensity II – Alabel, and Kiamba, Sarangani

Intensity I – General Santos City; Koronadal City, and Tupi, South Cotabato

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar at karatig-bayan.

Ngunit, inaasahang makararanas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

Ikakasa pa rin ng mga militanteng grupo ang kanilang kilos protesta sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong Lunes, ika-27 ng Hulyo.

Ito ay sa kabila ng pagbabawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, hindi naman ipinagbabawal sa ilalim ng konstitusyon ang paghahayag ng kanilang saloobin at susunod pa rin naman sila sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

Tiniyak naman ng grupo na magkakaroon sila ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, gayundin sa Quezon City Police District at Commission on Human Rights (CHR), para maging tahimik at maayos ang kanilang ikakasang protesta.

Samantala, maaga naman nilang ikakasa ang kilos-protesta ngayong araw sa harap ng CHR sa Commonwealth Avenue, gayundin sa paligid ng Elliptical Road at UP University Ave. bago ang Salubungan march.

Naka-heightened alert na ang Philippine National Police (PNP) para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP na si PBrig. Gen. Bernard Banac, kasado na ang kanilang preparasyon upang matiyak ang seguridad ng pangulo.

Aniya, wala naman umano silang natatanggap na anumang banta hanggang sa ngayon.

Samantala, muli namang ipinapaalala ni Banac sa mga magkakasa ng kilos-protesta na bawal sa mga pampublikong lugar at maaari lamang nila ito gawin sa loob ng UP Campus bilang paggalang na rin sa kanilang academic freedom.

Iginiit naman nito na kailangang sumunod sa health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa physical distancing.

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa mga nabibiling bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa internet.

Paliwanag ng FDA, wala pa naman kasi silang inaaprubahang bakuna laban sa virus gayung nasa developing stage pa lamang ito at hindi pa nakukumpleto ang clinical trials para mapatunayan na ligtas at epektibo nga ito.

Hinihikayat naman ng FDA ang publiko at mga lokal na pamahalaan na maging mapagmatyag sa mga taong nagbebenta ng mga umano’y bakuna laban sa COVID-19 partikular na ang mga nagbebenta online.

Samantala, ibinabala rin ng ahensya na kung sinuman ang mahuhuling nagbebenta ng mga ilegal na bakuna ay mananagot sa batas sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o mas kilalang food and drug administration act of 2009.

Nadagdagan pa nang mahigit 2,100 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Linggo ng hapon (July 26), umabot na sa 80,448 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 52,406 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,110 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa 39 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 1,932 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 382 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 26,110 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Samantala, Sumampa na sa halos 16.2 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 16,203,478 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 4,315,709 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 2,396,434 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 1,385,494 naman ang kaso sa India habang 806,720 ang napaulat na kaso sa Russia.

Lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 648,453 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 9,914,013 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Determinado ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na e-develop ang natatanging underground river na matatagpuan sa liblib na lugar ng Brgy. Malagap, Banisilan, Cotabato.

Mismong si Cotabato Governor Nancy Catamco kasama ang mga opisyal ng provincial tourism office at iba pang mga opisyal ng lalawigan ang personal pinuntahan ang nasabing tourist destination ng lalawigan.

Ang tugon ay ginawa ni Catamco matapos hilingin ni Malagap Brgy. Kapitan Carlos Benedicto na kilalanin bilang tourism destination ang ilog.

Gusto ng Gobernadora na personal na makita at maranasan ang tatahakin ng mga turista patungo sa underground river kay pinangunahan nito ang pagtungo sa nasabing lugar.

Laking pasalamat naman ni Kapitan Benedicto nang pinaunlakan ng Gobernadora ang kanyang imbitasyon.

Inaasahan ang serye ng pulong sa pagitan ng Tourism Division, BLGU, Provincial Engineering, MLGU at PPDO kasunod ng aktibidad.

Php 400 kada bata na naka enroll mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ang sakop ng PTA Subsidy.

Matapos nakapagtala ng  99.73% NA ENROLLMENT RATE ang City Schools Division ng Department of Education sa lahat ng pampublikong paaralan sa Kidapawan City Naglaan ng mahigit sa Php 15 Million ang City Government bilang Parents Teachers Association subsidy sa mga public schools ngayong school year 2020-2021.

Php 400 kada bata na naka enroll mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ang sakop ng PTA Subsidy.

Dito na kukunin ang pondo para sa mga development projects, learning devices at iba pang proyekto sa mga pampublikong eskwelahan.

Nakabase ang talaan sa ulat na ipinasa ng DepEd kay City Mayor Joseph Evangelista kamakailan lang.

Mula sa 38,534 na mga mag-aaral na naka enroll sa walumpo at apat na mga public elementary at high schools sa Kidapawqn City noong SY. 2019-2020, nasa 38,431 ang bilang nito para sa kasalukuyang academic year.

Magiging ‘ blended’ learning ang sistema ng pagtuturo ng mga guro bilang pagtalima na rin sa mga pinaiiral na quarantine protocols kontra Covid19.

Posibleng gawin muna ang klase sa pamamagitan ng online learning gamit ang internet, modular o printed devices na ibibigay sa mga estudyante para pag-aralan at sagutin habang nasa bahay, at broadcast learning gamit ang mga istasyon ng radyo at telebisyon.

Matatandaang nagsagawa ng online enrollment ang DepEd sa buong bansa nitong June 1- July 15, 2020 dala na rin ng banta ng pandemya sa mga guro, magulang at sa mismong mga mag-aaral.

Sa datos ng City DepEd, may ilang mga pampublikong eskwelahan na nakapagtala ng lagpas sa 100% enrollment rate.

Pinakamalaking natala sa secondary schools kung percentage ang basehan ay ang Perez NHS na may 134.95% at Rey Buenaventura A. Sabulao MES na may 123.50% para sa elementary.

Ganun din ang Datu Sumin IP School na nakapagtala ng 135.14%.

100.91% naman ang naitalang enrollment rate ng Kidapawan City National High School na siyang pinakamalaking pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Mula sa bilang na 8,109 na mag-aaral mula Grade7-12 noong SY 2019-2020, nasa 8,183 ang nag-enroll ngayong school year 2020-2021.

Patuloy naman ang panawagan ng City Government at ng DepEd sa ibang pang mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak.

Umaasa ang DepEd na magsisimula ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa sa August 24, 2020.

TULOY NA ANG pamimigay ng Overseas Workers Welfare Administration ng Earthquake Calamity assistance sa 2,265 na mga Overseas Workers ng lungsod.

Ayon kay City Government PESO Manager Herminia Infanta, Naka-schedule ang pamimigay ng earthquake assistance sa August 5, 7, 11, 12 at 13, 2020 alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon sa City Gymnasium.

Isa ang Kidapawan City sa pitong Local Government Units sa probinsya ng Cotabato na naapektuhan ng nangyaring lindol noong Oktubre 2019 kung saan ay na-validate ng OWWA na may mga Overseas Workers na nasiraan ng mga tahanan at iba pang ari-arian.

3,337 ang kabuoang bilang ng mga Kidapawenyo Overseas Workers na navalidate ng OWWA kung saan ay nauna ng tumanggap ng cash assistance ang may 1,072 noong Nobyembre 2019.

ayon sa PESO, Naantala ang pamimigay ng cash assistance dahil na rin sa Covid19.

Magpapalabas ng mga pangalan ng beneficiaries kada barangay ang PESO kalakip na ang petsa kung kailan nila matatanggap ang Php 1,500- Php 3,000 na cash assistance.

Ipagbibigay alam din ng opisina ni Infanta sa mga barangay at purok officials ang schedule sa susunod na linggo.

Istriktong ipatutupad ang schedule kung kailan dapat i-claim ang ayuda bilang pagtalima na rin sa minimum health protocols kontra Covid19 upang masegurong hindi mapupuno ang City Gymnasium at natitiyak na may physical distancing at pagsusuot ng face mask ng lahat ng beneficiaries.

Yun lamang mga Overseas Workers o kanilang immediate families na siyang nagproseso ng cash assistance ang pinapayagang kumuha ng tulong pinasyal.

Ipakita lamang ang valid id sa opisyal ng OWWA XII at PESO na mangangasiwa sa release ng cash assistance sa petsa ng kanilang schedule.

Binata na dumanas ng sobrang depression habang nasa evacuation center sa bayan ng Makilala Cotabato nagpakamatay.

Patuloy ang isinasagawang malalim na imbestigasyon ng Makilala PNP sa naganap na pagpapakamatay ng isang 22 anyos na binata sa evacuation center ng sitio flortam, Barangay Batasan kahapon.

Ang bangkay ng biktima nasi Jojo Malagante Banggat, taga sitio Kapatagan Barangay Luayon ay natagpuang nakabitin bandang alas 3:30 ng madaling araw.

Depression ang isa sa anggulong tinitingnan ng mga mga otoridad sa kanilang  imbestigasyon.

Ayon sa kapatid nito nasi Hazel Banggat nakaranas ng depression ang biktima.

Matatandaan nonog nakaraang taon pa nanatili sa evacuation center ang pamilya nang biktima makaraang nasira ang kanilang tahanan dahil sa naranasang malakas na lindol.

ito ang pangalawang kaso ng pagpapakamatay ng bakwit sa evacuation center sa bayan ng Makilala Cotabato.

Nakapagtala ng 15 bagong kaso ng covid 19 at tatlong recoveries ang SOCCSKSARGEN Region kahapon

Ito na ang pinakamatas na kaso ng covid 19 ang naitala ng rehiyon dahilan upang sumampa na sa 219 ang kabuuang kaso.

Batay sa datos ng Regional COVID-19 tracker inilabas alas 6:00 kagabi sa 15 bagong kaso naitala sa lalawigan ng Sarangani ang 11 bagong kaso at ang apat naman ay nagmumula sa General Santos City.

Ang mga nakarecover naman ay mula sa  lalawigan ng South Cotabato.

Ang lahat na mga nagpositibo ay umuwing mga Locally Stranded Individual at retuning Overseas Filipino simula July 8 hanggang July 16,2020.

Mula sa 219 na kaso ngangunguna parin ang lalawigan ng Sarangani ang may pinakamataas na bilang kung saan sumampa na sa 57 ang kabuuang kaso sampo dito ay mga nakarecover, Sumunod ang South Cotabato namay 40 kaso at 31 ang nakarecover, Ang lalawigan ng Cotabato at Sultan Kudarat ay may kaparehong bilang na kaso na 33 , 11 ang recoveries ng lalawigan ng Cotabato at 25 naman ang sultan Kudarat.

Sa mga lungsod naman 30 na ang naitala sa Gensan at lima ang nakarecover, samantalang 26 naman ang Cotabato City at 19 ang nakarecover.

Sa mga fatalities nanatiling apat ang bilang nang mga namatay.

Dahilan dito patuloy naman ang paala-ala ng kagawaran ng kalusugan sa lahat ng mga mamamayan na sundin ang mga pina-iiral na mga minimum health protocols gaya ngpagsuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pag-obserba sa Physical distancing.