TULOY NA ANG pamimigay ng Overseas Workers Welfare Administration ng Earthquake Calamity assistance sa 2,265 na mga Overseas Workers ng lungsod.

Ayon kay City Government PESO Manager Herminia Infanta, Naka-schedule ang pamimigay ng earthquake assistance sa August 5, 7, 11, 12 at 13, 2020 alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon sa City Gymnasium.

Isa ang Kidapawan City sa pitong Local Government Units sa probinsya ng Cotabato na naapektuhan ng nangyaring lindol noong Oktubre 2019 kung saan ay na-validate ng OWWA na may mga Overseas Workers na nasiraan ng mga tahanan at iba pang ari-arian.

3,337 ang kabuoang bilang ng mga Kidapawenyo Overseas Workers na navalidate ng OWWA kung saan ay nauna ng tumanggap ng cash assistance ang may 1,072 noong Nobyembre 2019.

ayon sa PESO, Naantala ang pamimigay ng cash assistance dahil na rin sa Covid19.

Magpapalabas ng mga pangalan ng beneficiaries kada barangay ang PESO kalakip na ang petsa kung kailan nila matatanggap ang Php 1,500- Php 3,000 na cash assistance.

Ipagbibigay alam din ng opisina ni Infanta sa mga barangay at purok officials ang schedule sa susunod na linggo.

Istriktong ipatutupad ang schedule kung kailan dapat i-claim ang ayuda bilang pagtalima na rin sa minimum health protocols kontra Covid19 upang masegurong hindi mapupuno ang City Gymnasium at natitiyak na may physical distancing at pagsusuot ng face mask ng lahat ng beneficiaries.

Yun lamang mga Overseas Workers o kanilang immediate families na siyang nagproseso ng cash assistance ang pinapayagang kumuha ng tulong pinasyal.

Ipakita lamang ang valid id sa opisyal ng OWWA XII at PESO na mangangasiwa sa release ng cash assistance sa petsa ng kanilang schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *