Php 400 kada bata na naka enroll mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ang sakop ng PTA Subsidy.

Matapos nakapagtala ng  99.73% NA ENROLLMENT RATE ang City Schools Division ng Department of Education sa lahat ng pampublikong paaralan sa Kidapawan City Naglaan ng mahigit sa Php 15 Million ang City Government bilang Parents Teachers Association subsidy sa mga public schools ngayong school year 2020-2021.

Php 400 kada bata na naka enroll mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ang sakop ng PTA Subsidy.

Dito na kukunin ang pondo para sa mga development projects, learning devices at iba pang proyekto sa mga pampublikong eskwelahan.

Nakabase ang talaan sa ulat na ipinasa ng DepEd kay City Mayor Joseph Evangelista kamakailan lang.

Mula sa 38,534 na mga mag-aaral na naka enroll sa walumpo at apat na mga public elementary at high schools sa Kidapawqn City noong SY. 2019-2020, nasa 38,431 ang bilang nito para sa kasalukuyang academic year.

Magiging ‘ blended’ learning ang sistema ng pagtuturo ng mga guro bilang pagtalima na rin sa mga pinaiiral na quarantine protocols kontra Covid19.

Posibleng gawin muna ang klase sa pamamagitan ng online learning gamit ang internet, modular o printed devices na ibibigay sa mga estudyante para pag-aralan at sagutin habang nasa bahay, at broadcast learning gamit ang mga istasyon ng radyo at telebisyon.

Matatandaang nagsagawa ng online enrollment ang DepEd sa buong bansa nitong June 1- July 15, 2020 dala na rin ng banta ng pandemya sa mga guro, magulang at sa mismong mga mag-aaral.

Sa datos ng City DepEd, may ilang mga pampublikong eskwelahan na nakapagtala ng lagpas sa 100% enrollment rate.

Pinakamalaking natala sa secondary schools kung percentage ang basehan ay ang Perez NHS na may 134.95% at Rey Buenaventura A. Sabulao MES na may 123.50% para sa elementary.

Ganun din ang Datu Sumin IP School na nakapagtala ng 135.14%.

100.91% naman ang naitalang enrollment rate ng Kidapawan City National High School na siyang pinakamalaking pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Mula sa bilang na 8,109 na mag-aaral mula Grade7-12 noong SY 2019-2020, nasa 8,183 ang nag-enroll ngayong school year 2020-2021.

Patuloy naman ang panawagan ng City Government at ng DepEd sa ibang pang mga magulang na i-enroll na ang kanilang mga anak.

Umaasa ang DepEd na magsisimula ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa sa August 24, 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *