Tatlong bagong kumpirmadong kaso ng covid 19 ang naitala sa lalawigan ng Cotabato batay sa ulat na inilabas ng Center for health and Development ng Department of health soccsargen kahapon.
Si 7th case: isang 38 year old na babae na taga Tulunan Cotabato namay travel history sa Cebu at dumating sa lalawigan noong June 16, 2020, asymptomatic unang nagnegative sa isinagawang antibody rapid test subalit noong June 19 habang nasa Tulunan Isolation Facility nakaranas ito ng lagnat na agad namang ginawan ng monitoring at medical intervention ng Tulunan Municipal Health Office o MHO subalit noong June 22 nakaranas ito ng hirap sa paghinga dahilan upang agad inilipat sa USM Hospital Isolation Facility.
Matapos nailipat agad itong kinunan ng swab test at lumabas sa resulta na positibo ito sa covid 19, bagaman nakakaranas parin ng ubo ang pasyente nasa stable condition naman ito.
Si 8th case na isang 20 year na lalaki ay taga Kidapawan City may travel history sa Davao City at may history ng exposure sa isang pasyente na confirmed positive case.
Noong June 20, nakaranas ng lagnat at pananakit ng katawan ang biktima dahilan upang agad dinala sa USM Hospital Isolation Facility.
Habang nasa isolation Facitity ay wala nang ipinakitang sintomas at nasa stable condition na habang nagsasagawa naman ng Contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Si 9th case naman ay isang 84 year old na lalaki at taga Kidapawan City rin walang exposure sa pasyenteng may covid subalit nagtungo sa isang hospital sa lalawigan ng Cotabato at dalawang hospital sa Davao City.
Sa kasalukuyan ay may respiratory symptoms habang nakaratay sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng Contact tracing ang Kidapawan City Health Office kung saan ang 23 hospital personnel at 7 close family members na nakasalamuha nito ay isinailalim na sa isolation.
patuloy namang hinihintay nang tatlong bagong pasyente ng covid 19 sa lalawigan ng Cotabato ang kanilang assign PH number.
Categories
- Balitang Internasyonal (25)
- Balitang Lokal (88)
- Balitang Nasyonal (54)
- Balitang Pambansa (5)
- Balitang Pang – Ekonomiya (23)
- Balitang Panlalawigan (48)
- Uncategorized (11)
- Weather (31)